CHAPTER 21

132 6 0
                                    

LUCY'S POV:

"Okay. You can now start"


Mabilis kong inilagay ang palad ko sa katawan ng isda. Healing Session namin. At ang kailangang gawin ay dapat na maghilom ang sugat sa katawan ng isda bago pa ito mamatay. Lahat kami ay may isda sa lamesa na sinusubukang pagalingin. Concentration at energy ang kailangan sa Healing.



Dapat may lumabas na energy mula sa palad namin at ita-transfer sa katawan ng isda. Sa ganoong paraan ay gagaling ang subject namin. Kapag hindi ka nag-focus ay baka imbis na gumaling ang pinapagaling mo ay mas lalo itong lumala.



Dapat lahat daw kami ay marunong sa Healing kahit hindi ito ang porte namin. Nakatingin lang ako sa isdang nasa harapan ko. Unti-unti ng nagsasara ang hiwa nito sa gitna. Kung isa ka talagang Healer gaya ni Tamrin na kanina pa tapos ay magiging sobrang dali lang nito. Pero dahil hindi ito ang specialist ng katawan namin ay nahihirapan kaming i-handle ang ganitong klase ng sitwasyon.


"Last 2 minutes"


Inilagaya ko ang 1/4 na energy sa kamay ko para mas mapa-bilis ang ginagawa ko. Masydong aksayado talaga sa enerhiya ang healing. At last, before the time ay natapos na din ako. Hooohh!! Kinabahan ako dun ah. Gumalaw na ulit ang isda ang kinakampay pa ang buntot. Mukhang okay na ang subject ko ah.

I sighed. Sumakit yata ang kamay ko ah. I looked at Luna who's standing beside me. She is having a hard time na maka-sunod sa klase. Katulad na lang ngayon. Nagco-concentrate siya sa ginagawa niya pero parang walang nangyayari sa subject niya. Kung anong lagay nito kanina ay ganoon parin hanggang ngayon.




"Gumaling ka na naman please" I heard her plead. Napalingon ako sa nagtuturo samin. Wala samin ang atensyon niya kung hindi na kaya Snowleigh. They are talking about something. I looked backed at my friend. She's really desperate.


Itinaas ko ng bahagya ang kamay ko sa paraang walang makakahalata. Mas pinagbutihan kong mag-concentrate. Medyo malayo ang isda ni Luna sakin kaya nahirapan ako. Hindi ko naman pwedeng i-transfer ang energy ko through Luna dahil baka mapansin niya. Napunta ang atensyon ko sa desk namin. Pwede naman siguro gawin ang plano ko indirectly diba?


Slowly, I placed my hand under our desk. Gamit ang table namin ay maglalabas ako ng energy para mapunta sa kinaroroonan ng isda ni Luna. And to my surprise, her fish started to heal. Mukhang nagulat din ang kaibigan ko sa nakita. Hindi rin nagtagal ay gumaling na nga ang isda niya.


Tinanggal ko na ang kamay ko sa desk namin. Mas lalo atang sumakit. Naka-ngiting kinuha ni Luna ang sariling isda at sinipat-sipat kong ayos na nga. Lumingon siya sakin at sobrang sayang ipinakita ang isda niya. "Lucy, tignan mo oh. Napagaling ko yung isda ko"


Isang pilit na ngiti lang sinagot ko sa kanya dahil biglang namanhid ang kamay ko. Mabilis kong tinago ang isang kamay ko sa likod dahil baka makita niya pa. Nasobrahan yata ako sa paglabas ng kapangyarihan tapos isang kamay lang pala ang ginamit ko.


"G-good job Luna. I thought zero na naman a-ang makukuha mo dito sa klaseng t-to eh" Napa-kagat ako sa sariling labi ng biglang parang may tumutusok sa loob ng kamay ko. Masyado ko bang pinwersa ang sarili ko?



"Pshh. Anong zero ka diyan? Haha"


Pinilit ko na lang ding makitawa sa kanya. Nanginginig na ang kamay ko. Baka mahalata niya.


PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon