CHAPTER 39

94 1 12
                                    

LUNA'S POV:

Matapos ang pag-uusap sa office ni HM ay agad na umalis si Ptorik, Hezra at Vemery para makapag-ayos ng sarili. Nakasuot pa rin kasi sila hanggang combat suits at kailangan din nilang makapagpahinga.

"You okay by yourself Luna? Pwede ka naming samahan sa dorm mo?" Si Ptorik.

Umiling ako. "Hindi na, naalala ko pa naman ang daan papunta doon. Isa pa kailangan niyong magpahinga, ayos na ako"

Ngumiti ako at pinakitang kaya ko na ang mag-isa.

Napagdesisyunan ni HM na sa dorm ulit ako tutuloy. Iniisip ko tuloy kung nandoon pa rin sin August at Marga o kung wala nasa school ata sila dahil klase pa naman.

Ang totoo ay hindi ko pa rin talaga alam kung anong kailangan kong gawin dito. Pero siguradong may kinalaman ito kay Lucy. Hindi naman pwedeng dito ako mag-aral dahil ordinaryo tao lamang ako. I have nothing to do with this school and based from what is headmaster is trying to say. They will gave me a mission in order to save the princess. Siguradong pagkatapos ay ibabalik na naman nila ako sa mundo ko at kung mamalasin, aalisan ng ala-ala.

"If you say so, pero magpahinga ka na din. We know you're tired"

Muli akong niyakap ni Hezra at Ptorik samantalang ako pa ang kinakailangan lumapit kay Vemery para yakapin siya.

"Ang pride" utas ko.

Itinulak niya ako pagkatapos ay tinaasan ng kilay na siyang ginantihan ko ng malawak na ngiti. I missed them, admit it.

"We better get going. Ayos na naman ang babaeng 'yan"

Iyon lang at tumalikod na sila at umalis papunta sa dorm nila. Kinawayan ulit ako ni Ptorik kaya ganoon din ang ginawa ko.

Ng hindi ko na sila makita ay malakas akong bumuga ng hangin. Ang tagal na din pala simula ng tumapak ako sa lugar na ito. Nakakapanibago pero kahit papaano ay na-miss ko talaga ang Phasellus. It brings back memories ika nga.

"You're back"

I tilted my head to found out who's now standing before me.

"Firaston?"

Nagulat na lang ako ng patakbo siyang lumapit sa'kin at bigla na lang higitin ang braso ko.

Saka ko lang napansin na naka-uniform siya ng humiwalay siya at tinitigan ang mukha ko. Medyo na conscious naman ako dahil masyadong malapit ang katawan niya sa'kin. Oo nga pala, hindi siya kasama sa sumundo sa'kin. Hindi ko nahalata.

"Uhm. Hi? Nagbalik na ko." Mahina kong usal.

Lumingon ako sa paligid para umiwas ng tingin. Pansin ko kasi na titig na titig siya sa mga mata ko. Ganoon din naman sina Ptorik kanina pero iba itong kay Firaston. Medyo nakaka-intimidate.

"Luna"

Napakurap ako at agad na tumingin kay Firaston. Ngumiti ako at niyakap siya gaya ng ginawa ko kina Hezra. I felt him stiffened but I really don't mind.

"Kamusta? A-ang tagal na pala ano? Ang tagala nating hindi nagkita. Na-miss ko kayo"

Humiwalay ako at ngumiti ng malapad.

PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon