CHAPTER 32

314 8 1
                                    

LUNA'S POV:

"Teka! Ayos lang ba siya? Baka mapano na si Luna"

"Tumahimik kayo! Kailangan ko ng konsentrasyon"

"I-ikaw ba talaga ang Oracle?"

"May pagdududa ka ba ha? Mistlelough?"

"W-wala po. W-wala"

"Kailangan ng dugo ng dalagang ito. Maraming nawalang dugo sa kanya at kapag nagpatuloy pa ito ay baka tuluyan na siyang mawala. Humihina na rin ang pulso niya kaya-"

"Ibigay mo ang dugo ko kay Luna"

"Ang akin din"

Puti.

Wala akong nakikita kung hindi puti. Nasan na ba ko? Para akong nasa kawalan. At ano iyong mga naririnig kong boses? Parang narinig ko na sa kung saan. Pumikit ako ng ilang sandali at saka naalala ang lahat. Napahawak ako sa dibdib ko at napamulat.

Yung babaeng kamukha ko. Naalala ko na. Ako daw siya at siya ay ako. Ang kalahati ng sarili ko. Ang kadiliman ng loob ko.

"Ako ang isa mo pang katauhan Luna. Ang nagtatago diyan sa loob mo"

Sinaksak ko nga pala ang sariling dibdib para hindi masaktan ng kamukha ko sina Vemery. Ano na bang nangyayari? Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko kaya. Parang pagod na pagod ako.


Napa-igtad ako ng maramdamang may pumapasok na mainit na likido sa dibdib kung saan ko ito sinaksak. Ang init na pumapasok sakin ay nakakaginhawa ng pakiramdam. Unti-unti nitong binabalik sa normal ang nahiwa kong dibdib. Kahit ang lakas ko, unti-unting bumabalik sa dati.

"Luna! Luna! Please. Gumising ka"

Teka. Si Hezra yun ah. Siya ba ang nagpapagaling sakin?

"Mabubuhay pa ba ang isang yan? Tapon na kaya natin?"

Kahit di ako magmulat siguradong si Vemery yun. Ang impakta talaga kahit na kailan.

"Maghintay pa tayo ng ilang saglit. Marami-rami ding dugo ang nawala sa kanya"


Isang hindi pamilyar na boses ang narinig ko. Gusto ko na talagang gumising pero feeling ko nanghihina pa talaga ako. Nasan na kaya si Lucy? Ayos lang ba siya?

"Luna."

Napadilat ako ng nakarinig ng isa pang boses na hindi pamilyar. Wala na naman akong nakita bukod sa puting parang nasa kawalan.

"Sino yan?"

"Luna"

Tinig ng isang babae. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero nasan siya? Bat di ko siya makita?

"Luna"


"S-sino ba yan ha? Bakit ba tinatawag mo ng tinatawag ang pangalan ko?" Sigaw ko sa kawalan.

PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon