CHAPTER 46

41 2 9
                                    

THIRD PERSON'S:

The battle between the two beast continue while the Councils uphold the King who's enchanting a curse.

Nalaman nilang lahat na hindi Class S+ rank ang kalaban ni Colwell kung hindi isang Class X na halimaw. Ang ganitong klase ng halimaw ay kinakailangan ng napakalas na enerhiya na dapat ay magmumula sa isang napakalakas din na elementalist.

Nalaman din nilang may halong itim na mahika ang bumabalot sa aura ng lobo ng kaya nitong makipagsabayan sa lakas na ipinapakita ni Jaxzon.

Jaxzon is a black werewolf that live in Colwell's body. That wolf is one of the greatest threat in Glaskerlendh that cannot be tamed by everyone. It already killed a thousands of creatures and even the King and Councils who possessed a great power cannot kill this beast. Not until Colwell Dragmire forced the demon enter his body and sealed him with his power. At ngayon ngang nakawala na ang lobong matagal ng nakatago sa katawan ni Colwell ay siguradong isang napakalaking panganib ang dala nito sa kanilang mundo.

Pero isa lang ang inaalala ni King Favros, kung dapat ba niyang tapusin muna ang Class X na halimaw o kalabanin si Colwell na nasa anyong lobo dahil sobrang mapanganib kung isa man sa dalawang ito ang magwala. Isa pang problema niya at ng Council ang pag-uusal ng engkantasyon dahil baka mapasama si Colwell sa gagawin nilang seal.

"Fintis, secure the area. Siguraduhin mung wala ng ibang estudyante o elementalist sa kalapit na perimeter" agad na tumalima ang Headmaster at sinunod ang sinabi ni Favros.

Hindi nagtagal at dumating sa tabi ni Favros si Vixra at ang anak nilang si Luuxfora.

"Kailangan natin silang ikulong parehas. Kapag hinayaan pa natin silang magwala dito mapapahamak lang ang buong estudyante ng Phasellus" ani Vixra.

Umasik ang hari at inis na nagsalita ng ilang mga engkantasyon.

"Alam ko ang bagay na iyon. Kaso mukhang hindi ako pagpapahingan ng dalawang halimaw na ito. Kay Colwell pa lang ay baka maubos na ang lakas ko, paano pa kaya sa Class X na halimaw na iyan"

Nag-aalalang bumaling si Lucy sa dalawang halimaw na naglalaban at saka muling tumingin kay Favros.

"Ama, hayaan mong tulungan ko si Sir Colwell. Baka lalo lang siyang mapahamak kapag hinayaan pa natin siyang makipaglaban sa lobong yan"

Umiling ang ama nito habang seryoso sa pagu-usal ng seal. Napakuyom na lang ng kamao si Lucy dahil sa pahiwatig ng ama at walang nagawa kung hindi umatras at hayaan na lang ang mga nangyayari.

Ang mga Council na nakapalibot sa dalawang halimaw ay nagsimula na ring atakihin ang Class X na lobo samantala......


Imbis na dumeretso si Luna sa Phasellus Academy kung saan mas ligtas ay minabuti niyang bumalik sa lugar kung saan niya huling nakita ang Pentagon Army. Tama, susuwayin niya ang headmaster dahil may isang bagay siyang gustong malaman. Alam niyang isang kahibangan ang desisyon niya at para na rin siyang mags-suicide pero may isang tanong siyang gustong malaman ata siguradong ang Pentagon Army lamang ang makakasagot no'n.

"Damn it. Bakit kasi napaka-walang silbi ko. Kainis!" Inis niyang bulong habang tumatakbo.

Hindi na niya pinansin ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa mga binitawang salita ni Lucy. Pagod na siya mula pa kanina pero mas nananaig ang kagustuhan niyang malaman ang totoo.

Hindi nagtagal at narating na niya ang likod ng Phasellus. Doon nakita niya ang isang lalaking misteryoso na hula niya ay ang leader ng Pentagon Army. Hindi na nagtaka si Luna kung nasaan pa ang apat na miyembro nito dahil sigurado naman na nasa gitna na iyon ng Ethermoore at nakikipaglaban na sa mga Council o kay Headmaster.

Pinunasan niya muna ang dugong tumulo sa bibig niya at walang takot na naglakad papalapit sa binata.

"Bakit ba kating kati kayong patayin ako? Ano ba talaga gusto niyong makuha sakin?"

Nanatiling nakatitig sa kaniya si Light at pinagmasdan ang buo niyang katayuan.

"Nakapagtataka"

Halos nanindig ang buong katawan ni Luna sa isang salita na iyon ni Light. Ang boses nito ay parang hinukay sa pinaka-kailaliman ng lupa. Nakakatakot, nakakapangilabot.

Napalunok si Luna pero pilit na inayos ang tindig. Nagsalubong ang kilay nito ng magsimulang ihakbang ni Light ang paa nito.

"Nakapagtataka at hanggang ngayon ay humihinga pa rin ang isang mortal na gaya mo"

"Anong sabi mo?" May halong diing tanong ni Luna.

Tumaas ang gilid ng labi ni Light na siyang nakapagpangatog sa buong katawan ni Luna. Ngayon niya pinagsisisihin ang desisyon niyang hindi sumunod kay Headmaster. Pero nandito na siya, hindi na siya makaka-atras pa.

Ramdam na ramdam niya ang nagu-umapaw na enerhiya ng taong nasa harap niya. Ang aura nito ay madilim at mabigat. Masyadong masakit sa pakiramdam.

"A-anong—" napaawang ang labi ni Luna ng isang kurap niya lang ay nawala na sa harap niya ang lalaki at napunta sa likod nito.

Agad siyang umabante para maiwasan ang katawan nito ng walang hirap nitong sinakal si Luna hanggang sa magsimulang umangat ang buong katawan nito.

"I-Ikaw! Bitawan mo ko!"

Agad na kinuha ni Luna ang braso ni Light at pinilipit ito para makawala siya. Ng makakuha ng pagkakataon ay malakas niya itong sinipa sa mukha at agad na umatras.

Hindi mapigilang mapangisi ang kaharap dahil sa tapang na ipinakita ng dalaga.

"Ngayon alam ko na. Kaya naman pala baliw na baliw si Colwell sa'yo"

"Anong sabi mo?"

Umiling si Light at pagak na natawa na siyang ipinagtaka ni Luna. Humakbang si Light kaya naman napaatras ang dalaga.

"Tinatanong mo kung bakit gusto ka naming patayin hindi ba?" tanong nito ng may mapaglarong boses. Kahit papaano ay napahanga naman ni Light si Luna. Sinong maga-akala na ang mortal na gaya nito ay kaya siyang kalabanin ng buong tapang. Ramdam niya ang takot sa puso nito pero iba naman ang pinapakita ng kaniyang mga mata. Hindi niya mapigilang humanga.

"Simple lang. Masyado kang masakit sa mata." Pagkatapos ay nagapalabas ito ng isang itim na bolang enerhiya at ibinato ito kay Luna.

Hindi iyon napaghandaan ng dalaga at natamaan siya ng kapangyarihan. Napasigaw siya sa sakit ng tumama ito sa may bandang tiyan niya. Parang sinusunog ang kaniyang balat at wala siyang nagawa kung hindi ang pumilipit sa sakit.

Samantala, walang emosyon tumalikod si Light at nagsimula ng maglakad patungo sa Ethermoore kung saan nagsisimula na ang labanan ng Council at ang ibang miyembro pa ng pentagon army.

Sayang. Natuwa pa sana siya sa katapangang ipinakita ng dalaga pero wala sa plano niya ang makipaglaro dito. Sayang lang ang nakatagong kapangyarihan sa loob nito kung mas nananalaytay ang dugo nitong tao. Kung alam lang sana niya kung paano gamitin iyon.

Isa pang sulyap ang ibinigay ni Light kay Luna at napabuntong hininga ng makitang wala itong tigil sa kakasigaw sa sakit.

"Hindi na kita pahihirapan pa. Requiesce in pace Luna."

Iyon lang at tuluyan niya ng binawian ng buhay... ang mortal.

PHASELLUS ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon