Vlog3: Christmas Preparation & Celebration

285 13 10
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!!" sabay na sabi nila vhong and vice. May dalang bag si vice at naka presentable din ang kanilang mga suot.

"so for today's video, december 23, time check tayo.." tinignan ni vice ang oras at 12 noon na.

"Today si december 23, and sasamahan nyo kami ni vhong for our last minute shopping. Wala pa kaming nabibiling gifts pati na rin mga pang handa kaya gorabels na tayo!" Vice. Sumakay na siya sa sasakyan pero napansin nya na hindi sumusunod sa kaniya si vhong.

"Nasaan na ba yon?" tanong nya muli at lumabas ng sasakyan.

Maya maya nakita nya na tumatakbo ito palapit. "Naiwan ko yung phone ko! Tara na braddies and mines!"

"By the way, nandito si Kitty Montecarlo! Bumisita siya sakin kaya sya ang may hawak ng camera! Hahahah!" kinuha niya ang cam at tinapat sa kanilang kaibigan. Nag hi naman ito bago kuhanin ulit ang camera mula sa kaniya.

"let's go!" tuluyan ng pumasok sa sasakyan si vice. Nasa likuran silang dalawa habang si kitty naman na pansamantalang videographer nila ay nasa tabi ng driver's sear.

"Marami kaming bibilhin ni vice ngayon katulad ng mga regalo at ng mga pang handa. Bibisita yata sina nanay diba mine?" Vhong.

"Oo, bibisita sila sa amin ni vhong. Pero sa december 25 pa talaga sila pupunta kaya baka kami lang ni vhong magkasama bukas sa noche buena with our driver, guards and angels, of course with kitty. Wala kaming time ni vhong mag shopping, ang busy namin pareho. "explain ni vice. Nakatitig lang naman sa kaniya si vhong the whole time.

Tinapat naman nito ang phone sa tapat ng camera at pinakita ang kanilang mga bibilhin.

" Heto yung lists ng mga bibilhin namin, muntik ko pa maiwan ito dahil naka charge nga kanina."

Pag dating nina vice sa mall, diretso sila sa isang gucci. Pumipili sila ng mga damit at sapatos para sa kanilang mga kaibigan.

May hawak na isang pirasong sapatos si vice bago lumapit sa camera," inasar ko si vhong kanina kaya umalis. Sabi niya sya na lang bibili ng mga pang handa namin. Eh wala naman ditong prutas at gulay. Bilihan to ng mga damit at sapatos hahahab . Inasar ko kasi sya, sabi ko di ko bet yung mga pormahan nya sa sapatos..tapos nainis kaya iniwan ako."  natatawa siya habang hinahampas sa hangin yung hawak nyang sapatos.

"tapos itong sapatos na hawak ko, patulak nyang binigay sakin kasi napikon. Namumula siya sa inis kanina hahahaha suyuin ko na lang mamaya." bumalik ulit siya sa pag pili hanggang sa naka lima na siyang paper bags.

"Pupuntahan muna natin si vhong, baka hindi palabasin ng store yon." natatawa nya ulit na sinabi at may kinuha siya sa kaniyang bag.

"nilagay nya to sa bag ko kanina bago umalis, tapos nainis siya hindi nya nakuha sakin.." pinakita nya yung wallet ni vhong.

"Wala siyang pambayad kaya hindi siya makakalabas ng store hahahahaha suyuin natin yung pango. Mag hahanap tayo ngayon kung nasaan si vhong dahil di ko alam kung saan sya nag punta. " Vice. Nauuna na siyang maglakad habang naka sunod naman sa kaniya ang camera.

Sinilip nya ang bawat botique hanggang sa makita nya ito sa isang rolex. Naka upo ito sa couch at naka kunot noo ng makita siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Vhong. Ngingisi ngisi naman si vice bago siya tabihan pero umiiwas naman siya.

"Whoy Vhong, mag papasko na mine pero ganyan ka sakin.." pinipigilan nya ngumisi pero di niya mapigilan. Hinawakan nya ito sa hita para di siya umalis.

"Bakit nandito ka?" Vhong.

"Hinanap ka syempre. Bakit nandito ka? Wala ka namang wallet na dala. Nasa akin yung wallet mo baliw." Vice. Inabot niya ang wallet ni vhong. Tumitig sya dito bago tinawanan.

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon