Vlog6: Ignoring Vice For A Day

288 18 20
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" pabulong na sabi ni vhong habang naka ngiti pa ito. Halatang may gagawin na kalokohan sa kanyang 'mine'.

"Nandito ako ngayon sa rooftop ng aming bahay. Habang si mine nasa kwarto kausap yung mga gay friends nya. So ang gagawin kong vlog ngayon iignore ko siya at hindi nya alam kasabwat ko yung mga gay friends nya. Hahahaha kagabi ko pa sila kausap, nag gawa ako ng group chat at doon kami nag usap usap. "

" Madalas pag wala kami masyadong trabaho or nagtutugma yung schedule namin, sabay kami natutulog nyan kaya nagtataka siguro sya kagabi bakit hindi pa ako sumabay sa kanya matulog. Hindi nya alam, sya ang biktima ngayong araw"

Tatawa tawa naman si vhong habang nakatitig sa camera, naka sapo pa nga ng kanyang kamay ang kanyang bibig.

"Sana, hindi ako mapahamak sa gagawin ko na to. By the way, kaninang 5 am pa ako nag set up ng mga camera tapos nandito naman si Bong Austin kaya tinulungan na rin nya ako. Ngayon 9 am na, inutusan ko lang si Bong na iopen na ang mga camera."



Naka set up na ang mga camera at kitang kita ang pagbaba ni vice ng hagdan. May hawak pa nga itong cup at umiinom.

"Mine, papunta na daw yung mga bakla." saad ni vice habang lumalapit kay vhong sa tabi nito.

Si vhong naman ay nag cecellphone lang at hindi pinapansin si vice.

"Mine, you okay? Masama pakiramdam mo? Ipa-swab test kaya kita?" nag aalalang tanong ni vice ngunit may halong pang aasar  ito. Gustong matawa ni vhong pero agad nya itong pinigilan.

"Huy mine wala ka ba sa mood? kanina mo pa ako hindi pinapansin ah. Inom ka ng gamot pag masama pakiramdam mo ah. Mag papaluto lang ako ng food." tumayo na si vice at nag smack sa labi ni vhong. Pagka alis ni vice, tumingin siya sa camera.

He mouthed, "Matitiis ko ba to? Torture to."

"Good morning!!!" napatingin naman si vhong sa mga bakla na sina Orli, Kitty, Negi, Petite, Lassy, MC and Tonton.

"Hi vhong!" bati ng mga ito sa kanya bago sya ibeso.

Maya maya lang dumadating si vice na naka awra sa paglalakad bago tarayan ang mga bakla, "oh anong ginagawa nyo dito? Makiki almusal na naman kayo."

Ngunit walang pumansin sa kanya.

"Hoyyy, ayaw nyo ko pansinin ah. Nawaley yata yon." saad ni vice habang umuupo ang mga bakla at ibebeso nya. Subalit patuloy lamang sya nitong hindi pinapansin.

"Ay nahulog pala yung unan." saad ni Orli na sadyang hinulog ang unan para kunwaring pupulutin ito. Maka iwas lamang sa kanyang pag beso.

"Ay eto si Negi. Hiii, I miss y-"

"Mukhang masarap yung food no?" may pa tapik pa si negi kay lassy para makaiwas rin. Napatitig naman si vice kay negi bago ito tumawa ng bahagya. Medyo may disappoint na rin.

"Arte neto. Tapos makikikain ka! Bebeso lang!" Vice.

Pasimple namang tumatawa si vhong dahil nakatalikod sa kanya si vice at hindi sya nito napapansin.

"Lassy, ang ganda ng buhok mo today. Para kang shiatsu na pagod." Vice. Bebeso na sana sya dito pero nag slant ito ng upo at chinika si negi.

"Hoy, para na akong tanga dito sa pamamahay ko ah. Ayaw nyo ko pansinin. Mag siuwi na nga kayo!" Vice. Tumawa na lang ito at umupo sa tabi ni vhong.

Nag kukwentuhan ang mga bakla pati na rin si vhong. Nakikisali sya sa usapan pero walang pumapansin sa kanya.

Napa pout na lang si vice sa isang tabi.

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon