Vlog 12: I Prank My Boyfriend

253 13 9
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!"sabi ni vice at nag hi. Maya maya lang ay tumahimik ito at....

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAA" wala pa man ay tawang tawa na si vice habang naka titig sa camera.

"HAHAHAHAHAHAHA naknampota!" naningkit na sya kakatawa at pinigilan ang sarili.

"eto nga, three consecutive days na prank ko si vhong habang nandito lang kami sa bahay. Kasi nga wala naman pasok. Yung reaction ni vhong hindi niyo kayang bilhin sa kahit anong branch HAHAHAHAHAHAHA charot! Epic lahat ng reaction ni vhong! " halos mapaupo na si vice sa kakatawa marahil naaalala niya yung mga ginawa nya kay vhong.

"so guys, you better watch this vlog! Enjoy!" sabi ni vice.






Day 1

"Napansin nyo bang walang navarro dito sa kwarto?" hawak niya ang camera habang nililibot ang buong kwarto pati pinakita niya ang kanilang kama.

"oh diba wala? Nasa salas natulog dahil nalasing sa bonding nila nina jugs and teddy. Nandoon din si jhong, kasama nila kagabi. Kaya naman..." ngumisi siya at lumabas ng kanilang kwarto.

Dumiretso sya sa kanilang kusina at nag hiwa ng isang kalamansi.

"aalisin natin ang lasing ni mine" mahina niyang sabi bago tumungo sa salas. Lumapit sya rito at mahimbing nga itong natutulog.

Naka tihaya pa ito at naka nganga habang ang kanang paa ay naka patong sa sandalan sa sofa.

Finocus nya ang camera dito at zinoom hanggang sa bibig ni vhong. Maya maya lang ay pinakita niya ang kaniyang sarili na natatawa.

Matapos ay unti unti niyang pinatak ang katas ng kalamansi sa bibig nito. Agad naman itong nalasahan ni vhong at napabangon ng mabilis.

"HAHAHAHAHAHA GOOD MORNING MINE" vice.

Kunot noo lang naman si vhong na nakatingin sa kaniya habang nilalasap pa rin nito ang katas. Napapa ngiwi pa rin ito sa asim.

"Parang siraulo naman ito, natutulog ako" humiga ito ulit bago dumapa. Dumagan naman sya dito at humiga sa likuran ni vhong.

"It's a prank, it's a prank ferdinand navarro!" bumangon sya at bahagya pang kinurot ang tenga ni vhong.

"Aray! Mine naman!" napasigaw ito kaya naman tumakbo sya pabalik sa kanilang kwarto habang tawa ng tawa.







Day 2

"Kakabili lang ng mga veggies sa market tapos mga naka plastic pa tska yung iba naka kahon." bumubulong na sabi ni vice dahil baka biglang lumapit si vhong.

"yung angels yung namili noon. Tapos may something ako na nilagay doon sa isang box. Pinagsama kasi kanina yung mga repolyo, pechay tska yung ubas at oranges para isang bitbitan yung kahon. Uutusan ko si vhong tapos tignan ko yung reaction." sabi ni vice.

Hindi naman niya pinahalata na nagcacamera sya, kunwari nag p-phone lamang sya. Yung isang camera ay nasa kanilang kusina, naka setup kung saan hindi mahahalata.

" Mine, " pag tawag ni vice pero walang lumalapit na vhong.

" Mineeeee" malambing niyang pag tawag dito ng malakas. Maya maya lang ay dumating na si vhong habang hawak ang kaniyang laptop. Mukhang may ginagawa ito.

"Bakit mine?" tanong nito.

"Kuha mo ko sa box nung ubas, please?" paglalambing niya.

"yung angels na lang kaya?" sabi ni vhong at paupo na ito sa kaniyang tapat.

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon