Vlog1: Introduction

559 18 10
                                    

"What's up, What's up, braddies and mines?! Welcome to our vlog!" sabay na sabi ni Vice at Vhong habang naka titig sa camera. Lumingon sila sa isa't isa at sabay na tumawa.

"Nakakaloka ang kaganapan ngayon! First vlog natin to mine oh!" Vice. Tumango tango naman si vhong habang nakatitig sa kaniya.

"ano? Wala kang sasabihin man lang?!" natatawang sabi ni vice sa kaniya at pasimple niya itong kinurot sa bewang. Napa aray naman si Vhong at inakbayan siya.

"Yes mine. First vlog natin ito. At ngayong araw, unang araw ng pag vvlog natin ay magpapakilala tayo.."vhong.

Kunwari naman na naka simangot si vice sa kaniya at umirap ito," kilala na kaya nila tayo! Haller! "

"Kahit na. Para sa vlog mine, kailangan natin kumita ng pera. Doble kayod tayo para sa bubuuin natin na pamilya." Vhong. Binatukan naman siya ni vice ng slight at sabay sila na natawa.

Tumingin si vice sa camera, "ang puti ko dito oh, ang ganda ko dito lalo. Thank you sa ringlight. Anyway, pag uusapan natin ngayon ang tungkol sa introduction namin."

"Bago yan, magpapakilala nga muna tayo. Introduce yourself. Ganun yon mine." Vhong.

"Ay ayon ba. Okay okay. Hi, I'm Vice Ganda. Comedian, singer, actress o actor? . Ahm model? Pwede na.. Pwede na yon mine diba? Model naman talaga ako." Vice. Napipilitan naman tumango ang kasintahan.

"Aray joke lang! Ang ganda mo nga. Ano pang malalaman nila sayo?" Vhong.

"Host ng noon time show, It's, Showtime. And baklang bakla! Real na real ang pagkabakla." Vice. Tinuro naman niya si vhong..

"Vhong Navarro mga ka brader. Ang pinaka gwapong nilalang. Ang boyfriend ng nag iisang vice ganda." Vhong.

"Okay na sana yung boyfriend, dinagdagan pa ng pinaka gwapong nilalang. Bumagsak tuloy.. Dapat ang pinaka pangong nilalang. Ganoon." Vice.

"Aray! Jowa mo ako vice, nilalaglag mo ako."kunwaring nasasaktan na sabi naman nito. Nilapitan naman siya ni vice at hinalikan sa noo.

" ito namang jowa ko, joke lang. Love you. Sige na, intro na tayo. Pag usapan na natin ang ating introduction. "

"Totoo yan mine! Pero gusto muna namin mag thank you sa aming 100K subscribers here on our you tube channel! Thank you everyone!.."Vhong.

Pumapalakpak naman si vice at nag finger heart pa ito sa harap ng camera." Thank you thank you everyone!"

" So, napansin nyo naman sa aming introduction. What's up, What's up Braddies and Mines and tawag namin sa inyo diba? Ano nga ba ang dahilan nito Vhong Navarro? "Vice.

Umayos naman ng upo si vhong. Naka akbay ito kay vice habang nakatingin sa camera.

"Sa showtime, ang pagbati natin sa mga madlang people ay What's up, tapos naging mag friends kami ni vice na ang tawagan namin ay brad.. tapos noong maging kami na ang naging tawagan na namin ay mine." Vhong.

"Inaangkin mo na ako vhong ha." Vice.

"Syempre, di ka pwede angkinin ng iba. Ako lang dapat ang pwede." Vhong. Tumingin naman sa camera si vice at halatang kinikilig ito.

"Oh, na explain mo na. Ano pa ieexplain ko?" natatawa niyang tanong.

"Ah! Yung mga subscribers namin ni vhong, sa mga anak anak namin diyan ni vhong navarro. Kayo ang mines namin. Inaangkin namin kayo. Anak namin kayo. Sana suportahan nyo yung mga susunod naming vlogs ni Vhong.."Vice.

"I'm sure mag eenjoy sila sa mga vlogs natin na gagawin"

"Oo, gusto mo ba pati pag aaway natin naka vlog na rin? Charot." Vice.

"Hindi pwede yon mine, secret na natin yon." natatawang balik ni vhong na joke sa kaniya.

"anong masasabi mo sa mga gagawin nating vlogs, mine?" Vice.

"Naeexcite ako na kinakabahan. Kase alam nyo mga braddies and mines, si vice nakakatakot na minsan kasama." may pahawak pa sa dibdib si vhong at tumingin sa kaniya. Nag glare naman si vice kaya tinawanan niya ito.

"Kailangan ko mag ready sa mga gagawin mong pranks sakin! Diba? Kaya sobrang kinakabahan ako."Vhong.

"Bakit ka naman kakabahan? Hindi mo naman alam kung nag vvlog ako o hindi." Vice. Nilipat naman nito ang tingin sa camera habang nakaturo kay vhong, "alam nyo kase dito sa bahay namin madalas nag aasaran kami. Kung ano yung gulo naming dalawa sa showtime, mas magulo kapag nandito kami sa bahay. Madalas ko syang asarin dito sa bahay eh lalo na pag kaming dalawa lang talaga." Vice.

"Kung ano ano ang pinapagawa mo sakin." habol ni vhong dito. Ngumisi lang ang isa sa kaniya, "ikaw ba mine anong masasabi mo sa gagawin nating mga vlogs?"

"nakaka excite. Naeexcite ako sa mga gagawin natin dahil new experience to no. May bago tayong pagkaka abalahan lalo na kung walang showtime o kaya hindi tayo busy. And gusto ko itong gagawin natin dahil mag she-share tayo ng goodvibes sa mga braddies and mines natin no!"

Tumango tango naman si vhong sa kaniyang sagot,"I can't wait. Gusto ko ng magkaroon tayo agad ng vlogs." Vhong.

Kumaway naman si vice sa camera, "Me too. So guys, yon muna ang pasilip naming dalawa ni vhong sa aming vlog!"

"Please subscribe and don't forget to hit the bell button para mas update kayo sa mga vlogs namin ni mine."Vhong.

"Yes, very true! Thank you everyone. That's all for today's vlog! Please like and subscribe!"

"Bye Braddies and Mines!"
























Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon