Vlog 16: The Break Up

215 12 2
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!"Vice.

" Pansin nyo isa ko lang dito? Miss ko na si vhong! "

"Wala pa si vhong dito sa bahay. May rehearsal pa sya ngayong araw kase may show sila sa Cebu. Eh wala naman akong work ngayon kaya nag stay ako dito sa bahay para makapag rest rin."

Kinuha ni vice ang phone niya at pinakita niya kung anong oras na.

"12 noon na, di pa ako nakakakain ng lunch kase nakatulog ako ulit pag alis ni navarro." bumangon na sya at umupo sa bed nila.

"So for today's video, ipaprank ko si vhong. Makabawi sa mga araw na ako ang bunot niya." sinabayan nya ito ng tawang malakas.

"Eh kagabi medyo nag talo kaming dalawa. Ang kulit kulit niya kagabi e pagod ako from work so wala ako sa mood. Masyado rin akong bugbog sa trabaho lately, na stress ako. Eh kagabi sobrang kulit niya tska we're not really okay this past few days. Nag away kasi kami. Hahahaha!"

"Alam nyo ba bakit kami nag away noong nakaraan? Inaway ko. Naboring ako e. Trip ko yung fiancé ko hehe! Hanggang ngayon di ko pa naaamin na trip ko sya that time, napatungan lang ng totoong pag aaway namin kaya di ko nasuyo. Hahaha!" Tumayo na sya at nilapag ang camera. Nag liligpit sya ng higaan nilang dalawa. Inayos niya ang comforter bago ang kanilang mga unan.

"Ipaprank ko si Vhong, makikipag break ako. Sabihin ko na nagsasawa na ako, na ayaw ko na ikasal sa kanya. Mas lalo yon mabubwiset kase nag aasikaso na kami ng mga dapat gawin for our wedding sa ibang bansa." Lumabas na siya ng kwarto at tumungo sa kanilang kitchen.

Nakita niya ang kanilang mga angels na nag lilinis sa kitchen at nakapag luto na rin.

" Kumain ba si vhong kanina bago umalis? " tanong niya kay Chris.

" Oo ate vice, pinapasabi nga na kumain ka daw bago ka mag trabaho kung meron man. Pero kung wala mag rest ka daw muna." Chris.

Tumango naman sya at ngumiti, "Sweet ni vhong. Inaalala pa rin ako kahit di kami okay. Nag alanganin tuloy ako kung itutuloy ko ang prank ko." Tumawa sya bago kumuha ng kaniyang pagkain.

"Sarap nitong ulam. Nag request ako ng munggo kaya ito yung ulam ko ngayon. Ewan, nag crave ako bigla. Noong isang araw ko pa ito kine-crave."

Matapos niyang kumain, kinuha niya ang phone niya at pinakita na tinatawagan niya si vhong.

"Hello mine?" sagot ni vhong mula sa kabilang linya.

"Anong oras uwi mo?" kunwaring cold na tanong niya dito.

"Mamaya pa, baka 2 pm pa mine. Malapit na matapos itong rehearsal."

"Okay. Uwi ka kaagad after mo dyan. May dapat tayo pag usapan." seryosong saad pa rin nito sa fiance niya.

Napansin nya na natahimik si vhong sa kabilabg linya.

"Seryoso mo naman, mine. Hahaha kinakabahan ako sa ganyan mo. Oo, uuwi ako. Isang rehearsal na lang tapos uuwi na ako. Ano gusto mong food?"

"Wala, umuwi ka lang. Bye."

"Okay—

Di natapos ang sasabihin ni Vhong dahil na end niya ang call. Napatitig sya sa camera at tawa nang tawa.

" Seset up ko yung camera sa may kwarto. Doon ko sya kakausapin. "

Bumalik sya sa kwarto at nag set up na.

"Wait ko na lang si vhong, manunuod muna ako ngayon ng movie."

Naka fast forward naman ang panunuod niya ng movie, makikita na natatawa sya sa kaniyang pinapanuod habang kumakain sya ng chips.

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon