Vlog 21: Goodbye, Vlog & Goodbye, Mine

162 10 3
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" Sabi nilang dalawa habang magkahawak ang kanilang kamay at nagtitigan sila.

"Our last vlog.." dugtong ni vice at matipid siyang ngumiti rito.

"I know that this is shocking na iaannounce na namin ang huling vlog namin together. Because honestly, nahihirapan na rin kami na ayusin ang relationship naming dalawa.." sabi ni vice at tumitig kay vhong. Nirub naman nito ang kamay nya at maya maya pa ay umakbay ito sa kanya.

"Wala eh, ganoon talaga. I think we are not meant for each other." Vhong.

"I still remember we started doing vlogs together. From the introduction to different contents, nandito kayo palagi para manuod at makaramdam ng saya sa mga vlogs namin." Saad ni vice habang nag fflash naman ang mga vlogs nila together ni vhong.

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!"

(VLOG 1: INTRODUCTION)

"Bago yan, magpapakilala nga muna tayo. Introduce yourself. Ganun yon mine." Vhong.

"Ay ayon ba. Okay okay. Hi, I'm Vice Ganda. Comedian, singer, actress o actor? . Ahm model? Pwede na.. Pwede na yon mine diba? Model naman talaga ako." Vice. Napipilitan naman tumango ang kasintahan.

"Aray joke lang! Ang ganda mo nga. Ano pang malalaman nila sayo?" Vhong.

"Host ng noon time show, It's, Showtime. And baklang bakla! Real na real ang pagkabakla." Vice. Tinuro naman niya si vhong..

"Vhong Navarro mga ka brader. Ang pinaka gwapong nilalang. Ang boyfriend ng nag iisang vice ganda." Vhong.

"Okay na sana yung boyfriend, dinagdagan pa ng pinaka gwapong nilalang. Bumagsak tuloy.. Dapat ang pinaka pangong nilalang. Ganoon." Vice.

"Aray! Jowa mo ako vice, nilalaglag mo ako."kunwaring nasasaktan na sabi naman nito. Nilapitan naman siya ni vice at hinalikan sa noo.

(VLOG 2: LOVE STORY + MUKBANG)

Tinawanan naman siya ni vhong kaya hinampas niya ito sa braso, "mine hindi ako ang na fall. Ikaw ang na fall. Alam mo hindi na sila maniniwala sa atin- hindi nila alam kung ano ang totoo mine."

"Biro lang. Ako po talaga ang na fall kay vice. Eight anniversary ng showtime noon nag cecelebrate kami tapos medyo lasing na ako pero hindi yung lasing na lasing."

"Medyo lang" Vice.

"Oo medyo lang"sabay silang natawa bago pinag patuloy ni vhong ang sasabihin.

"sabi ni Jhong sakin bakit hindi ko aminin kay vice, ang sinagot ko baka layuan ako o kaya naman hindi maniwala sa akin. Mawala yung closeness naming dalawa."

"Pero hindi nangyari diba? Kahit noong umamin ka, kasama mo pa rin ako." pag singit nito. Inaabot nito ang suka ngunit hindi abot kaya binigay na ni vhong.

"Yes. Kasama pa rin kita. Pero lilinawin ko lang ha, hindi siya nagbibigay ng parang ay pinapaasa niya ko na may chance ako sa kaniya. Hindi. Walang ganoon na nangyari." Vhong.

"noong umamin siya sakin, okay lang. Walang nagbago, pero hindi ko siya nirereject. Masarap kaya sa feeling na may nagkakagusto- kase diba inaadmire ka nila. Ganoon yon.. So mine back to our story, anong nangyari noong eight anniversary?"

Kumain muna ito ng fishball bago sumagot," tapos nilapitan ko si vice at hinalikan ko siya sa labi. Simpleng kiss lang, yung dinampi ko lang yung labi ko sa labi niya. "

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon