Vlog 22: Thank You, 2023!

118 7 0
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" Sabay nilang intro habang may hawak na torotot si vice at agad na hinampas si vhong sa ulo.

Natawa naman si vice bago niya halikan ang ulo nito.

(HUYYYY, WALANG MA GREEN MINDED. KAYO TALAGAAA)

"Ang ingay dito sa bahay kasi nagpapalaro kami ng tumpakners, bring me, around the world tska trip to jerusalem. Pagod na pagod ako!"  Saad ni vice at uminom ng softdrinks na nasa tapat lamang niya.

"Napakataas kasi ng energy nya kanina pa." Saad naman ni vhong at tinutok ang camera kay vice.

"Pati din wallet ko pagod na eh." Sabay buklat ni vice sa wallet nya na paubos na nga ang laman nito. Sabay naman silang natawa. Maya maya pa ay naka kapit na si vice sa braso ni vhong at nag hahatakan silang dalawa habang nag tatawanan.

"Bago kami mag patuloy sa pag lalaro kasama ang beks squad, ipapakita namin sa inyo ang ganap namin noong new year!" Sabi ni vhong habang hinahawakan si vice sa kamay.

"So, braddies and mines, let's watch this!!!" Sabay nilang sabi at tinakpan ang camera.

--------------

"Dito mag new year sina nanay, sina ate tska yung mga pamangkin ko. And then tomorrow, we're going to Boracay. You know, para makapag relax, makapag pa fresh divahh! Ganern!" Saad ni vice. At tinutok ni Bong ang camera kay vhong na nasa isang tabi at naglalaro sa phone nito.

"Nakikita niyo to'ng lalaking to? Busy ako sa kusina pero ito nandito. Gagong to ha. Hindi ako tinutulungan sa gawain." Saad niya. Hindi naman kasi siya maririnig ni vhong dahil naka head phone ito.

Lumapit sya dito at inalis niyang marahan ang headphone. Tumingin ito sa kaniya na para bang nagtatanong.

"Ayos ka ah. Kasama ko ang angels kumilos sa kusina tapos ikaw pa chill chill ka lang dito. Ayos ka dyan, tol." Nilaliman pa niya ang boses niya kaya natatawa sa kaniya ang fiance.

"Wala naman ako maitutulong sa kusina, mine. Ano ba yun?" Sabi niya at tumayo mula sa kinauupuan.

"Come. Tulungan mo ko gumawa ng graham. Ikaw mag gawa ng graham ha. Dapat pantay pantay yan. Ayusin mo yung crackers nyan, pati dapat maraming mangga. Masarap." Daldal niya habang patungo sila ng kusina.

Natatawa naman si vhong sa kaniya.

Pag dating niya, nasa counter na ang mga kailangan niya kaya naman kinuha na niya ito at dinala sa kanilang dining.

"Mag vlog ka dyan ha. Kausapin mo yung camera, sasakalin kita kapag wala kang sinasabi dyan." Pananakot pa ni vice sa kaniya.

Hanggang dulo talaga ng taon, mapanakit pa rin meme?!

"Ito mangga. Manggang hinog. Siguro mangga na kinabayo to." Saad ni vhong at maya maya pa ay nakaramdam sya ng batok na ikinatawa niya nang malakas.

"Gago ka a. Sabagay, ilong mo nga kinamatis." Ganti ni vice sa kaniya bago sya irapan at tinuloy ang ginagawa nitong macaroni salad.

"Eto, babalatan natin ang mangga tapos pagkayari niyan ay hihiwain na natin. "

"So eto milk, may condensed milk tska cream dito. Basta parehong milk to. Ayan pag hahaluin na natin sa isang bowl." Habang sinasabi nya yun ay ginagawa naman niya.

Sa kabilang banda naman, gumagawa din si vice ng coffee jelly. Tapos na kasi ang ginagawa niyang macaroni.

"Susunod rin pala itong navarro na to. Natutuwa ako sa kaniya kasi seryoso sya dun hahaha" mahina niyang sabi sa camera habang hinihiwa ang gulaman.

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon