Vlog 23: Jelly Vice

118 9 8
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" Sabi ni vhong habang naka upo sya sa may tabi ng swimming pool nila. Masama naman ang tingin sa kanya ni vice.

"So nandito kami sa tabi ng swimming pool at nagkukwentuhan lang kaming dalawa kanina pa. But bukod doon, gusto ko lang ishare kung paano nagselos ang isang vice ganda."

"Inamo talaga, trip na trip mo ko ha." Saad nito at bahagya syang binatukan.

"Hahahaha cute nga eh. Watch nyo to guys, kung paano ko pinagselos si mine sa Davao pati sa showtime." Saad ni vhong.

"pakyu!" Rinig na sabi ni vice bago pa mag play ang video na nasa davao silang dalawa ni vhong.

-------

"Nandito kami ngayon sa Davao, may pa invite si mayor. Si mine lumabas saglit ng room, eh baka dumating." Sabi ni vhong habang nakaupo sya sa isang sofa. Halatang may binabalak ito.

"Nasa hotel pa lang kami ngayon. And mamaya pupunta tayo doon sa event place." Nakangiti niyang sabi sa camera at inayos ang kanyang buhok.

"susubukan kong pagselosin si mine mamaya. May mga part ng performance ko dito na kailangan ko ng cooperation ng mga audience. So ittry ko lang, edi pag nag success sa salas ako matutulog."  Natatawa nyang sabi habang mahina ang kanyang boses dahil baka marinig sya ng kanyang fiance.

"Hindi niya alam na mag vvlog ako ngayon. Sobrang busy namin kaya di kami madalas makapag upload dito sa youtube channel. Nako buti naalala ko may youtube channel pa pala kami."

"Ayun lang, update ko kayo later. Baka bigla syang dumating."

--------

Pinakita naman sa video na kumakain sila sa isang kainan at iniinterview ni vhong ang babae at bahagyang nagiging caring ito at mas gentle pa. Halata naman na gentleman talaga si vhong pero para mapag selos ang fiance, ay ganap na ganap sya. Nag cr pa si vice kanina kaya na briefing ni vhong ang waitress na magpaprank sya kay vice, sumang ayon naman ito sa kanya.

"Bakit mo iniinterview si ate girl, may gagawin pa sya mine. Daming customers eh." Saad ni vice habang kumakain at nag gglance kay vhong.

"Okay lang naman sa kanya e, mine. Marami pa naman silang waitress." Sabi ni vhong dito.

Nakangiti lang naman ang girl dito at bahagya pa rin na nahihiya.

"So matagal ka na dito?" Tanong ni vhong

"Three years na po dito nag wowork." Sagot nito sa kanya. Ngumiti naman si vhong dito at dahil sa kilig, marahang natapik ni girl ang balikat ni vhong kaya napatingin doon si vice.

"Matagal na rin pala. Mag ingat ka dito sa pagwowork ha." Vhong. Hinawakan rin nito ang kamay ni girl at dahil nanghihingi rin naman ng picture si girl kanina ay ngayon nya ito pinagbigyan.

"Tara na, picture na tayo, remembrance." Vhong.

-----

Sa mismong event naman, pinahawak naman ni vhong ang camera kay bong austin kaya during his dance performance ay nag vivideo ito sa kanya. Nasa isang tabi lang naman si vice at pinagmamasdan si vhong.

Sobrang daming tao ang nanunuod at talaga namang tinitilian sya ng mga tao. Napapa palakpak naman si vice at pinipicturan nya rin ito. Hindi naman sya kita ng mga tao dahil mamaya pa ang performance nya.

"What's up madlang people here in Davao!!" Pagbati niya at sinalubong naman sya ng mga hiyawan at tilian ng mga tao.

"Wow. Thank you sa pag invite sa akin dito tska kay MEME VICE GANDA!" Saad nya na medyo pagirl ang boses nya. "Ang daming magaganda at magagwapo dito sa Davao."

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon