Vlog 11: Tie The Knot

191 11 3
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" paulit ulit itong nag pplay sa intro ng mag kasintahan, mga nilikom na clips ng kanilang intro mula sa mga nauna nilang vlogs.

Agad naman na pinakita si vice na naka dress na puti habang inaayusan ng kaniyang team.

Noong una, nangarap lang ako.
Akala ko hindi ko na mararanasan ang ganitong kasiyahan.

Ni hindi ko nga inakala na may seseryoso palang isang tao na sa akin.

Pakiramdam ko na ang ganitong klase ay pinagkait sa akin ng mundo.

Na hindi ako rapat dapat na maranasan to.

At tanging tunay na babae lamang ang may karapatan sa ganito.

Pero lahat ng yon ay nagbago...

Pinakita naman si vice na naka ayos na habang naka ngiti at may hawak na bouquet ng mga puting rosas.

Simula noong dumating sya sa buhay ko.

Si Vhong Navarro.

"Anong nararamdaman mo ngayon?" tanong sa kaniya ni Annie, ang kaibigan niya.

"Nakakaloka, nakaka overwhelmed. Hindi ko alam kung ano ba ang tamang explanation sa ganitong sitwasyon." bahagya siyang tumawa at marahan na hinawi ang kaniyang buhok.



Sa kaniya ko naranasan ang tunay na kasiyahan na matagal kong inaasam. Sa lahat ng relationships ko, sya lang ang totoo.


Sya lang ang matapang na ipakita ako sa maraming tao.



" Ahhh! Nakakaloka!!!" saad ni vice bago tumingin sa camera. Bahagya pa niyang shineshake ang kaniyang mga kamay.

Siguro nga, sinubok lang ako ng tadhana. Siguro nga baka kaya hindi nagtagumpay ang mga dati kong relasyon dahil sinubok ako kung kailan ako mas titibay.

Kung handa pa ba akong harapin at hintayin ang taong totoong sakin.

Yung totoo akong mamahalin.

Kaya sa araw na ito...


Muling finocus ang camera sa mata ni vice pbaba sa labi nito. Kitang kita ang kaniyang ngiti na tunay na masaya.



Pinapangako ko...



Makakasama mo ako...




Hanggang sa huling pintig ng aking puso.

Sumilip sya mula sa bintana at nakita niya si vhong na nasa kabila bintana sa kabilang kwarto. Naka silip rin ito at may ngiti sa kaniyang labi. Nakatitig sa kaniya.













"Mukhang excited at kinakabahan ah!" saad ni teddy bago marahan na tinapik sa balikat si vhong at minasahe ito ng bahagya.

"ganito pala ang feeling kapag sya na ang kaharap mo" sagot ni vhong bago ayusin ang kaniyang buhok at iayos ang kanyang bow necktie.

Hindi ko akalain na sa isang kislap ng aking mga mata, magbabago ang pag tingin ko sayo.



Aaminin ko, nanibago ako sa aking sarili. Sa pagkakatanda ko ay mga babae lamang ang aking minahal.




"baka mahimatay ako kapag nakaharap ko na si mine. Kinakabahan ako ng sobra" saad ni vhong habang tumatapat sa isang fan dahil sa sobrang init na nararamdaman at dahil sa kaniyang kaba.

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon