Vlog8: Charot Day

198 10 4
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" paninimula ni vice habang nasa tapat siya ng isang pintuan.

"At dahil bored ako, ivvlog ko na lang to para may mapikon pa lalo. Hindi ko dapat to ivvlog pero dahil wala akong magawa, isheshare ko na lang ito sa inyo ang walang kwenta kong vlog chudey."

"So today, we are here in vhong navarro's pad. 6 pm na rin at nandito sya ngayon tumuloy dahil hindi sya umuwi kagabi sa aming bahay. " natatawang sabi ni vice sa harap ng camera.

"Kase naman apakagago naman eh , nag away kase kami. Tampuhan lang naman. Kasalanan din naman nya kasi. Nag vlog vlog ba naman na di ko alam tapos pinipikon pikon ako. Masama pa naman pakiramdam ko kahapin, para kong pagod na hindi ko maintindihan. Sabi ko wag nya talaga iuupload yun e dahil makakasapak ako ng pango. " may kasamang irap na sabi ni vice bago sya ulit tumawa.

"Wala pa si vhong dahil nasa showtime pa yun. Hindi ako pumasok dahil nag paalam muna akong para mag rest. Hindi kami pwede mag sabay ng leave ni vhong, madlang people and the show needs him. So I asked him kung tutuloy ba sya dito sa pag uwi nya and he said yes. Kahit naman magkaaway kami kinakausap nya pa rin ako. Subukan nya lang talaga."vice. Pinakita nya ang buong pad ni vhong mula sa salas nito hanggang sa kusina at sa kwarto pati na rin sa banyo.

"maya maya lamang nandito na si mine at susuyuin natin siya o kaya magpapasuyo ako." May kilig at charot na banggit niya . "Syempre aasarin ko muna, kailangan ko makabawi sa mga ginawa nya sakin last time. "



Wala naman ibang ginawa si vice kundi kumain at manuod ng tv habang hinihintay ang kasintahan. Hanggang sa dumating na nga si vhong at nakita sya na nakaupo sa couch habang nanunuod.

"Mine..." pag tawag ni vhong dito pero hindi niya pinapansin. Tinabihan pa nga diya nito sa couch pero balewala lang sa kaniya.

"Anong oras ka dumating dito?" Pag tatanong nya habang sinisilip ang mukha nito pero wala pa rin siya makuhang sagot.

Hinawakan sya ni vhong sa pisngi at hinalikan sya sa labi. Hinihintay nya sana na tumugon ito pero hindi ginawa.

"Sorry na kasi. Ang cute mo mapikon eh, yun nga lang nakakatakot rin baka bigla ka bumuga ng apoy." Saad ni vhong at mabilis na dumapo ang kamay ni vice sa kanyang pisngi dahil sinapok sya.

"Gago!" Vice.

"Sinabi ko bang umalis ka sa bahay at huwag kang umuwi? Kahapong umaga ka pa umalis tapos nandito ka lang pala. Pinag hintay hintay mo ko doon. Hindi pa ako kumain ng tanghalian pati ng dinner dahil hinihintay kita para sabay tayo tapos aalis ka ng walang paalam sakin. " mahabang litanya niya kay vhong. Hindi naman ito nag sasalita at nakayuko lamang, hinihintay siyang matapos sa pag aasalita.

"Hindi mo man lang ako kinumusta kahapon kung okay ba pakiramdam ko. Sinabi ko naman na sayo nung gabi na hindi ako okay tapos kinabukasan mang aasar ka pa. Hindi ka ba naawa sakin ? Natiis mo ako di makita. " sabi ni vice dito at nakatitig.

"Sorry na mine, hindi na mauulit. " vhong. Nanaguso na sya at hahalik na kay vice pero hinarang nya ang kamay sa mukha ng kasintahan.

"Neknek mo navarro, kanina ka pa nang nanakaw ng halik." Saad ni vice at tumayo bago kinuha ang camera.

Natigilan naman si vhong at narealized nya na nag vivideo pala si vice. Tumawa na lang siya nang mapansin niya na parang mas nabwisit lamang si vhong.

"I-date mo na lang ako para di na ako mainis." Sabi ni vice at humilig kay vhong. Tinutok niya ang camera sa kasintahan bago salatin ng daliri niya ang ilong ni vhong.

"Pango talaga, walang kalso yung ilong mo." Paninimula ni vice at inamoy ang kaniyang daliri.

"Vhong bakit ganoon? Ang baho ng daliri ko, amoy alimuom. Tska may mga agiw yang loob ilong mo parang binahayan ng gagamba."natatawang sabi niya rito kaya tinabig naman siya ng mahina ng kasintahan.

" aray! Parang tanga si vhong, nananakit. Pikon talaga to eh." Vice.

"Walang agiw yan! Kakalinis ko lang kanina ng ilong ko e bago ko pumasok ng showtime."paliwanag ni vhong. Binara naman ito ni vice na parang nagiging defensive na naman ito.

Tumayo naman si vhong at sinundan naman ito ni vice, halatang napikon ito kaya nag walk out.

"Huy navarro, hindi mo ko kakausapin? Ako lang to oh, jowa mo ko nadimunyo ka potaccaaa. Navarro!" Iniwan siya nito at diretso kwarto habang sya sumusunod pa rin.

"Aylabyu, date mo ko ! Date tayo mine." Nag alis naman ng coat si vhong at tanging tshirt at pants na lang ang suot nito. Lumapit naman si vice at binackhug ito.

"I miss you, uwi ka na sa bahay . Masama lang talaga pakiramdam ko kahapon kaya iba yung inis ko sayo. Sabi ko lang naman kahapon wag mo muna ako harapin, di ko naman sinabing lumayas ka. " vice. Hinalikan nya ito sa pisngi bago ayusin ang buhok nito.

Inakbayan naman sya ni vhong at nang hindi ito makatiis ay niyakap sya ng mahigpit. Todo ngiti naman si vice sa kaniya habang bina-brush nya ulit ang buhok nito.

"Uwi na tayo sa bahay?"

"Hindi pa, mag dedate muna tayo."sagot ni vhong at hinila na si vice palabas ng kanyang pad.

"Teka teka. End muna natin itong vlog!" Saad ni vice habang nakatutok ang camera sa magkahawak nilang kamay ni vhong. Nahuhuli kase sya at hila ni vhong ang kaniyang kamay.

"Yan mga braddies and mines, mainggit kayo dahil wala kayong jowa. Charot!"

Nakatawang sabi ni vice at lumapit kay vhong. Huling huli naman sa camera ang pag hawak nito sa kaniyang balakang.

"Sige na, be safe! Mag dedate kami!" maharot na kumindat pa si vice sa camera.  mag eend na sana siya ng vlog pero inagaw ni vhong ang cam mula sa kaniya.

"Okay, let's end this vlog na. Don't forget to like, comment your suggestions below, and hit the notification bell button para lagi kayong update on our next vlog!" Vhong. Naka akbay sya kay vice habang maayos na ang ngiti niya.

"Ngiting ngiti ang gago oh!" Vice.

"Bye Braddies and Mines, thank you for watching! See you on our next vlog!" Vhong

Nag flying kiss naman si vice at tinakpan na ang camera hanggang sa mag end ito.








.
A/N:
Iniisip ko pa yung isang content na di ko maalala. hahahaha! keep voting! and follow me on twitter tapos doon tayo kwentuhan. Check my bio here in wattpad. Thank you!

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon