Vlog 19: Last To Leave The Bathroom

148 14 14
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" Bati ni vhong at inabot ang camera kay vice.

"tinatamad ako mag vlog, pero pinilit ako ni navarro today." nilapag ni vice ang camera sa counter nila sa kitchen.

"Ngayon, ang ginagawa namin ay kumukuha kami ng mga pagkain namin na pwede dalhin sa loob ng banyo. Kase mag sstay kami doon ng 24 hours." Paliwanag ni vice habang may dala dala siyang cup noodles at heater.

"Yan lang dadalhin?" Tanong ni vhong habang bitbit naman nya ang isang tupper ware na may steamed hotdogs.

"Hindi. Ewan ko sayo kung ano pa dadalhin mo." Umiirap na sabi ni vice sa kanya at tumawa. Nilagay yun ni vice sa isang malaking bag.

"Mine, para ka naman mag pipicnic nyan." Vhong.

"Shh, ang ingay mo vhong, para kang babae dyan. Kumuha ka na lang ng gusto mo." Pag puna mya habang naka kunot noo.

Kumuha pa sya ng iba pang snacks nila, at nag dala rin siya ng tubig na pwede nila inumin.

Kinuha ni vice ang camera at itinakbo ito mula kay vhong bago tumungo sya sa kanilang kwarto.

"Mag dadala ako ng damit ko para may pamalit ako. Kase once na tumapak kami sa banyo, hindi na pwede lumabas. Sabi nga ni kim chui sa classroom may batas, bawal lumabas o bawal lumabas. So dito sa bathroom may batas, bawal lumabas." Saad ni vice at natawa sa kaniyang sinabi.

"Nag dala din ako ng charger at headset para pwede kong hindi kausapin si vhong kapag trip ko. Icontent ko pa sya sa Ignoring Vhong Challenge e. HAHAHAHA" malakas niiyang tawa at sinisilid sa bag ang mga kailangan niya.

"So dun kami sa banyo sa first floor mag chchallenge. And nakuha ko na ang mga pangangailangan ko, so babalikan natin si navarro."







"Itinakbo mo naman agad ang camera. So nakakuha na ako ng mga kailangan ko. May charger na ako syempre, tapos nag dala rin ako jenga tapos kapag gusto ko maligo, ayan nakakuha na ako ng damit ko." Pagpapaliwanag ni vhong habang iniisa isa ang kaniyang mga dala.

"Huh? Saan ka kumuha ng damit? Wala ka naman sa kwarto kanina?" Nagtataka niyang tanong kay vhong.

"Nasa labas, may damit pa ako sa laundry area malinis naman" vhong.

"Oh ang shallaaaa, may laundry area. Mayaman! Wag kayong ano dyan loloko loko may laundry area kami." Vice. Hinampas naman syang mahina ni vhong habang natatawa sa kaniya.








"Nandito na kami sa banyo. Inaayos na namin yung mga pagkain namin ngayon tska mga damit namin. So kanina, hindi ko nakuhanan ng video, kumuha si vhong ng comforter namin tska unan. Para naman may magamit kami sa pag tulog." Paliwanag ni vice at nag thumbs up.

" aayaw ayaw mo pa kunwari mag vlog e ikaw na madaldal ngayon. So time check tayo, 12:45 noon na po. At nandito na kami sa banyo. Wala ng labasan to hanggang bukas at lalabas rin kami ng 12:45 noon tomorrow." Paliwanag ni vhong habang pinapakita ang oras sa kaniyang phone.

Pinapakita lang naman ang ginagawaxnilang dalawa habang nasa loob sila ng banyo. Nakahiga si vice sa baththub habang nag p-phone at kumakain ng chips. Si vhong naman ay ganoon rin at kung pakinsan minsan ay nilalapitan si vice at nakikisilip sa phone nito.

2:15 pm

"Putcha, pakabagal ng oras. Bakit kasi dadalawa lang tayo rito e. Chaka ng challenge mo navarro." Naka kunot na sabi ni vice at nakatitig sa jowa niya.

"Pumayag ka nga" vhong.

"E syempre, sayang ang kita pwede na pang content yan, ilang araw ng walang content e." Nakatawa niyang sabi. Maya maya pa ay inirapan nya si vhong at nag salpak ng earphone sa tenga niya.

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon