Vlog 15 : His Proposal

223 8 3
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" masayang bati ng mag kasintahan na sina vhong at vice.

"So for today's video, we are going to reveal something!" saad ni vice at tumingin kay vhong.

"Matagal na namin to pinagplanuhan ni mine, at ngayon isheshare na namin sa inyo." Vhong.

Maya maya pa ay may nag play na ng video.

----

VHONG's CAMERA

"So guys, nandito tayo ngayon sa Subic. Nag vacation kami ni mine ng tatlong araw. Actually it's our second night here. Wow nag eenglish ako! Hahaha" Vhong. Niligid naman niya ang camera sa dagat, pinakita niya ang kagandahan nito dahil sa mga ilaw na nag mumula sa mga barko at mga yate.

"Ang payapa ng dagat dito, ang ganda ng tanawin. Sana maging ganito kapayapa rin ang puso ko pagkatapos." Hinarap ni vhong ang camera sa kanya, inaayos niya ang kanyang buhok habang nag sasalita. "Kase hindi alam ni mine na mag popropose na ako sa kanya ngayong gabi. So nandoon si Bong Austin sa gilid, pasimple nya lang kami kukuhanan ng video."

Kumaway naman si Bong Austin at pinakita ang hawak niyang camera.

Muling binalik ni vhong yung camera niyang hawak sa sarili niya.

" Ang alam ni mine, simpleng dinner lang to. Di nuya alam may surprise na ako. So ngayon ay January 27, 2022 at sana maging success ang plano ko na to. " tinakpan na ni vhong ang camera.

-----

Si Bong Austin naman na ang nag vivideo sa kanila, dumating na si vice na naka white dress, naka sandals rin na white at may pouch na hawak.



BONG AUSTIN's CAMERA

" Grabe ang ganda ng set up nitong pa date ni navarro! " pumalakpak pa si vice dahil sa pag hanga. Maya maya pa ay lumapit na si vhong at inabutan sya ng bulaklak.

"Ang sweet naman mine, thank you." humalik pa sya sa pisngi nito malapit sa kaniyang labi.

"Ang lakas ng kabog ng dibdib ko." hinahaplos ni vhong ang kaniyang dibdib habang nakatingin sa kasintahan. Napa kunot noo naman si vice, halatang nag aalala ito.

"Hindi ka makahinga?" akmang hahawakan na ni vice ang dibdib ni vhong pero umiwas ito.

"Kinakabahan lang mine."

"Huh? Saan ka kakabahan?"

"Sa itatanong ko sayo." tumigil muna si vhong sa pag sasalita at huminga ng malalim.

"Alam ko hindi ganito yung deserve mong place, simple lang ito. Pero ang para sakin kasi, marinig ko yung sagot mo. Alam ko mabilis, nakaka bigla, pero sigurado ako sa nararamdaman ko para sayo." saad ni vhong sa kanya habang nakatitig.

Maya maya pa ay lumuhod na ito at may pinakita sa kanya. Singsing.

"V-vhong" nauutal niyang saad.

"Pwede na ba kita pakasalan?"

Natahimik naman si vice at nakatitig lang kay vhong.

"No." saad niya rito at pilit na pinatayo si vhong mula sa pagkakaluhod.

"Bakit?"

"Hindi pa ako handa, ayokong masira ka ng mga tao. Ayokong tuluyan ka mapunta sa magulo kong mundo." saad ni vice at binaba nya yung bulaklak na hawak niya.

Nakita naman rin sa camera kung paano tumango lang si vhong at yumuko bago umalis.

-----

VHONG's CAMERA

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon