Vlog 10 : 3 AM Challenge

202 17 8
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!"bungad ni vhong habang naka harap kumakaway sa harap ng camera. Si vice naman naka kapit sa kaniyang braso. Pareho silang naka hood.

" mine, mag salita ka" sabi ni vhong sa katabi niya pero umiiling lang ito.

"tanginamo talaga navarro e" pag mumura niya sa kaniyang jowa, tinawanan lang naman siya nito.

"so ayan si vice wala sa mood dito sa challenge na ito. Last time kase nag bato bato pik kami para sa gagawing vlog. Gusto niya house raid eh gusto ko 3 am challenge. Kaya lang natalo sya sa bato bato pik kaya nandito kami ngayon sa sementeryo." paliwanag ni vhong. Mahigpit naman ang kapit ni vice sa kaniya.

"Pagkatapos ng vlog na ito, ibabalik na kita sa nanay mo." umirap pa ito pero nakasiksik pa rin sa kaniya.

Tawa lang ng tawa si vhong bago ipakita ang oras sa kaniyang phone.

"2:50 am pa lang, at nandito kami sa sementeryo. Sobrang tahimik talaga dito at hindi kami masyado nag iingay kasi nga baka mabulabog yung mga nananahimik na dito." saad ni vhong.

Hinawakan naman nya ang kamay ni vice, bukod sa nanlalamig ito dahil malamig naman talaga, nilalamig din ito dahil sa nerbyos. Nagpapawis pa nga ang kamay nito.

Lingid sa kaalaman ni vice, may na- film na pala si vhong bago pa sya lapitan nito.

"so hi braddies and mines, isang mabilisang explanation lang dahil baka maabutan tayo ni mine dito na magpprank sa kaniya" sabi ni vhong habang nasa labas sya ng sasakyan.

"ayaw pa bumaba ni mine kase bukod sa inaantok sya, natatakot yun dito sa sementeryo. Kasama naman nya si annie sa van kaya no worries, braddies and mines."

"so ayun nga, 3 am challenge to at mamaya habang nag fifilm kami gugulatin ko sya or tatakutin ko. Alam nyo kayo ha, gustong gusto nyo na pinapaiyak ko to. Bumili ako ng mascara para dito."

Pinakita naman ni vhong ang mascara na binili nya.

" itong isa, girl yung mascara dahil mahaba yung buhok tapos duguan yung isang mata, nakatahi pa yung bibig. Tapos may binili pa ako na isa " sabi ni vhong.

"Bumili ako ng horror doll. Si Regan Mcneil ba ito? sa the exorcist. Nandoon sa compartment ng van kung nasaan natutulog si vice. So bahala na mamaya kung paano mapaprank pero baka ito dahilan ng pag hihiwalay namin. Huwag naman sana" Vhong.

"So eto na guys, 2:59 na at ang sisimula na kami maglakad lakad." sabi ni vhong. Hindi naman masyado nag sasalita si vice pero lumilibot naman ang kaniyang mga mata.

"alam nyo hindi okay pakiramdam ko dito. Wag na kaya natin ituloy?" sabi ni vice at pinopoke ang kaniyang jowa. May nadadaanan pa nga silang mga hukay, parang may ililibing pa.

"nakakatakot makakita ng hukay. Kasi alam mo ng yun ang hantungan ng isang tao." saad ni vice. Sumasang ayon naman ang kaniyang mga kasama sa kaniya.

"kaya kahit gaano pa kayaman ang isang tao, hindi yun madadala hanggang hukay. Pantay pantay lahat dyan." pahabol ni vice bago muling kumapit kay vhong sa braso nito.

Pag tingin ni vice sa kanan na bahagi sa may kalayuan, may nakita naman syang nakaputi.

" putangina" bulalas nya at napa higpit yung kapit kay vhong.

"gago vhong ayoko na, tara na balik na tayo sa van" sabi niya dito. Lalo tuloy nag pawis ang kaniyang mga kamay.

Lingid sa kaniyang kaalaman, yun yung maskara na binili ni vhong at pinasuot lang ito sa isa nilang kaibigan na hindi nila sinama sa 3 am challenge. Kumbaga baka mahalata ni vice na kulang ang mga kasama nila.

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon