Vlog 14 : Prank turns Real?

227 12 1
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" pag iintro ni vhong bago nag peace sign ito sa harap ng camera.

"wala pa si vice dito sa bahay, pero sabi niya pauwi na sya. So, naisipan ko na iprank na naman sya. Alam nyo yon? Gustong gusto niyo talaga na nagbabawian kami ni mine. Hahaha grabe kayo ha! Makakabawi kaya tayo this time?"

"So mag seset up na ako ng camera. Wala si Bong Austin ngayon, naka day off sya samin. Wala naman usapan na mag vvlog. Pero para pag dating nya may ieedit na lang sya." Sinet up naman ni vhong ang camera sa taas ng kanilang cabinet. Siniguro nya rin na hindi ito mahuhulog.

"ipaprank natin si mine na kunwari may ka-call ako, nag kukumustahan kami. Mag memeet up ganyan. Sana maging successful or baka mapahamak tayo" tatawa tawa pa sya habang inaayos ulit ang camera.

"Pagod pa naman yon sa trabaho, baka mabadtrip sakin yun." Vhong.

Sumilip naman si vhong mula sa bintana ng kanilang kwarto at nakita niya sa labas ang sasakyan ni vice.

"So nandyan na sya sa garahe, so ang gagawin ko kunwari di ko sya papansinin pagkapasok niya rito sa kwarto." Vhong.

Pumwesto naman na sya. Umupo sya sa kama at hinawakan ang kanyang phone.

Kita naman sa camera ang pag pasok ni vice sa kanilang kwarto. Nakita nya si vhong na pangiti ngiti pa sa harap ng phone nito.

" Hi mine. " bati ni vice pero tumango lang si vhong. Sunod ay nilagay nya sa kaniyang tenga yung phone at may kinausap.

"Hello? Oo, available naman ang time ko today." Vhong. Kunot noo naman tumingin si vice sa kanya habang nag aalis ito ng sapatos at medyas.

"Sige.. Pwede naman tayo mag date.. Sure." Napabangon naman si vice at tinatap sya sa kanyang balakang.

"Ah, isesend ko na lang yung location. Mamaya ka na lang ulit tumawag. Sabihin ko sayo."Inoff naman ni vhong ang phone at binaba nya ito. Napatingin sya kay vice at umakto na parang nagulat.

" Mine? Uy mine nandyan ka na pala. Akala ko mamaya ka pa uuwi. "

" Anong nandyan ka na pala? Tinanguan mo pa ako kanina. Sino kausap mo? "

"Wala yon. Tara kain tayo?"

Umayos naman ng higa si vice at tinitigan sya na parang pinapaamin talaga si vhong.

Tatawa tawa naman ang kasintahan sa kanya.

"Mine, tara na kain na lang tayo." pag aaya ni vhong.

"Niloloko mo na yata ako eh. Sino yon? Sabihin mo sakin, hindi naman ako magagalit. Malaya ka na nga lang."

Umalis naman si vhong at niligpit ang shoes ni vice. Dinala niya ito sa kanilang dressing room. Luminga linga pa si vice sa palagid hanggang sa nakita niya ang camera na nasa sulok, sa may taas ng kanilang cabinet.

"Tangina talaga, navarro." bulong niya at nahiga. Ngumisi pa sya dahil mukha syang nakaisip ng kalokohan. Kaya naman nag fck you sign pa sya sa harap ng camera.

Bumalik naman si vhong at tumabi sa kanya.

"Kausap mo siguro si *beep* kaya ka nagkakaganyan. Wag mo na akong ayain kumain, may date ka mamaya." Vice.

"Ano mine—

" Hindi vhong, wag mo ko matawag tawag na mine. Manloloko ka. Ilang linggo na kayo magkausap?" seryosong tanong nito sa kanya kaya naman rumehistro sa mukha ni vhong ang kaba na nararamdaman.

"Mine! Nagpprank lang ako. May camera ayun oh, bati na tayo please." pumiglas naman si vice sa kanya mula sa pagkakahawak niya sa braso nito.

"Quits lang naman tayo. Nag uusap na rin kami naman ulit ni *beep* simula nung nakaraang buwan." napatitig naman sa kaniya si vhong.

"Seryoso ba?"

"O wala kang time sakin. Ako kahit na busy ako, pag uwi ko ikaw pa rin iniitindi ko. Katulad kanina, I was about to kiss you pero mukhang masaya ka sa kausap mo. So tama lang yung mag usap kami ulit ni *beep*"

Napatahimik naman si vhong at napa yuko. Mukhang wala na syang gana mag salita.

" Kung hindi pa ako nag prank di ko malalaman to? "

" Oo. "

Napasipa naman si vhong sa swivel chair na nasa gilid ng kanilang kama.

"Hanggang ngayon nag uusap kayo?"

"Hindi lang naman kami nag usap, nag meet kami last week. Kaya ala una ng madaling araw ako nakauwi, magkasama kasi kami. So quits na tayo?"

Napansin naman ni vice na pasimpleng nag pupunas na ng luha si vhong kahit na naka yuko na ito. Hindi rin ito tumitingin sa kanya.

"Prank lang naman yung akin, hindi naman kita lolokohin katulad na may iba akong ineentertain. Wala lang talaga ako time sayo nung nakaraan, bakit mo naman agad hinanap sa iba yon, mine?" saad ni vhong at tumingin sa kanya. Umiiyak na nga ito at namumula na ang mata.

Naawa naman na si vice sa itsura ng kasintahan.

"Sabi ko sayo kapag ako niloko mo iiyak ka e.  Prank lang ba talaga yon?"

"Mine, prank nga lang yon." Naka simangot na sabi ni vhong sa kanya.

Natawa naman si vice kaya niyakap niya ito, "Prank pala bakit ka umiiyak?!"

"Nag eentertain ka na ng iba last month pa." parang batang nag susumbong na ito sa kanya ngayon.

"Eh prank lang din naman yon. Nakita ko yung camera nung pumunta kang dressing room. Hahaha shutacca ka Navarro, mag pprank ka sa ganyan tapos iiyak ka. Para kang bata ngayon. Baby boyyy" hinalikan ni vice sa pisngi si vhong bago sa labi, dampi lang naman.

Natigilan naman si vhong at tumitig sa kanya, "prank yon?"

"Oo prank yon. Ang chaka mo mang prank. Choosy ka pa ba?! May kiss ka naman na natanggap. 'nanto!" binatukan naman sya agad ni vice.

"Bakit ka nga umiyak? Ano na feel mo?" balik pagtatanong niya kay vhong bago ibrush yung buhok nito.

"Natakot ako. Akala ko kasi mawawala ka na sakin." Vhong. Napatitig naman si vice sa camera bago sya napa pout, medyo nag tubig rin ang kaniyang mga mata.

"Eh hindi ko naman talaga kaya na magloko sayo. Kinabahan ako kanina, baka hiwalayan mo ko. Ayaw kong mapabilang dun sa mga lalaking nanloko sayo" Vhong. Mahina naman na natawa si vice bago pumatak ang luha niya. Niyakap nya si vhong.

"I love you. Tahan ka na, prank lang yon. Wag mo kasi ako ipprank ng ganyan, gagantihan talaga kita. End mo na yung video, then hug me. I need my boyfriend's hug."Vice. Bumitaw naman si vhong sa pagkakayakap at inabot niya yung camera.

"Naging flopped na nga, na reverse prank pa tayo agad. So hanggang doon na lang muna guys. Wag muna sigurong prank sa susunod." Vhong. Narinig naman ang tawa ni vice na ngayon ay naka higa na sa kanilang kama habang yakap ang unan.

"Thank you for watching braddies and mines!" Saad naman ni vhong.

"Okay, let's end this vlog na. Don't forget to like, comment your suggestions below, and hit the notification bell button para lagi kayong update on our next vlog!" Vice.


















A/N:
Hi braddies and mines! How are you guys?! Comment down your reaction about this vlog story. Thank you!

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon