Vlog2: Love story + Mukbang

430 15 6
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" sabay na sabi ni vhong at vice habang kumakaway.

"I'm so excited on our vlog for today!" Vice. Naka ngisi sya kay vhong at tumingin sa camera bago kumindat.

"bakit ka ba excited? Explain mo sa kanila kung bakit mine." Vhong. Kinuha ni vice ang isang unan at nilagay sa lap niya bago humarap sa camera.

"mga braddies and mines, gusto ko lang sabihin na buntis po ako. Charot! Syempre excited ako sa vlog natin today kase isheshare natin ang kwento nating dalawa.." Vice.

Tumango tango naman si vhong at nag thumbs up. "ikukwento namin sa inyo kung paano kami nag simula ni Vice. Kaya tara? Simulan na natin to!"

Tumingin sila sa isa't isa at nag nod bago nila sabay na tinakpan ang camera.


"Hello braddies and mines, so we are here sa aming dining area. Syempre habang nag kukwento kami, mayroon kaming kinakain." Vice.

Lumapit naman si vhong at sumandal kay vice, "Mag mumukbang tayo habang nag kwekwento kami sa inyo."

Kunot noo naman tumingin si vice sa kasintahan, "alam mo mine paulit ulit na tayo dito. Nakakaloka ka. Lutang ka ba?" sinabayan nya ito ng tawa bago ilapat ang kaniyang kamay sa pisngi ni vhong at bahagyang hinawi ito.

"Ipapakita namin sa inyo yung mga food namin ngayon." Vhong. Lumapit siya sa table at finocus sa camera ang kanilang mga pagkain.

"Mayroon kaming balot, gustong gusto ni mine to. Nakakatatlo yan na balot lagi sa tuwing bibili kami, eh bawal yon diba nakaka highblood." Vhong.

Maririnig naman ang boses ni vice dahil siya ngayon ang may hawak camera.

"Masarap kase mine, lalo na yung pag sinipsip ang sabaw tapos may suka at asin arggh! Kaya lang putok batok." sabay silang natawa sa sinabi ng kaniyang kasintahan.

"heto naman ang mga isaw, barbecue, adidas..paa ng manok."Vhong. Hinawakan nito ang isang stick na may paa ng manok at tinapat sa camera.

" bakit adidas mine? Pwede namang nike?" tanong niya kay vice.

"Mag bbye na tayo sa vlog mine. Sige edit ko na lang yon ha?"pang aasar nito kaya tumawa si vhong at pinakita na lamang ang iba pa nilang pagkain.

" Mayroon ditong calamares. Pero hindi namin binili dahil si mine ang nagluto nito! "pagmamalaki nya at tinuro si vice," thank you mine sa calamares. "

" You're welcome, mine. "rinig na sagot ni vice sa kaniya.

" Mayroon ditong kwek kwek, kikiam at fishball tapos ang sawsawan namin ay maanghang at may suka! Napaka sarap nito mine. "Vhong.

Hindi naman maiwasan nito na kumuha at tikman ang kikiam na nakahain. Si vice naman ay hindi mapigilan hindi mag tantrums sa ginawa ng kaniyang kasintahan.

" Mine! Mamaya pa! Ipakita mo muna yung pagkain, mamaya ka na kumain. Wala kang kakainin mamaya habang nag kukwento ha!" Vice.

"Grabe mine!" Vhong.

"Joke lang! Mamaya ka na kumain, naiinggit na ko oh." Vice.

"eto yung mga pagkain namin ngayon. Parang kakaunti no? Bawal kasi talaga to, bawal masobrahan, pero dahil wala kaming seafoods, ito na ang napili namin." Vhong.

Naka ayos naman na ang camera kaya lumapit na si vice sa tabi ng kasintahan, "hindi pa kami nakakapag grocery at nakakabili ng iba pang stock na pang ulam dito sa bahay kasi tinatamad kaming lumabas." explain nito at umupo na. Tumabi naman na si vhong sa kaniya bago kumuha ng isaw.

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon