Vlog4: Never Have I Ever

268 11 16
                                    

What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" bungad ni vice and vhong sa kanilang youtube channel habang kumakaway pa.

"Mag sheshare muna kami ng mga ganap namin bago kami mag simula sa aming vlog for today." sabi ni vice habang umiinom ng milktea. Pinakita nya fin ang flavor na hawak niya.

"Naging busy kami ni mine, ang dami ng mga projects na natanggap namin kaya madalas hindi nyo kami makita dito sa vlog. Lagi lang kaming update sa instagram stories namin." Vhong. Tumango tango naman si vice at nag thumbs up.

"That's true. Tapos naalala namin, may youtube channel pa pala kami hahaha! Charot lang! Syempre, busy rin kami. Hindi namin minsan maisabay ang pag vvlog sa pag tatrabaho namin." Dagdag pa ni vice bago kumuha sa hawak ni vhong na pringles. Sinubuan pa nya si vhong nito at inabot ang milktea. Agad naman ito tinanggap ni vhong, sya din nag punas ng labi nito.

" So for today's vlog, gagawa kami ni vice ng Never Have I Ever. Mayroom kaming dalawang pag pipilian dito na placards. NEVER and HAVE I EVER." pag papakita ni vhong ng mga placards na hawak nya.

"And we have Kitty Montecarlo to ask us some questions! Wala kaming alam sa mga questions na ginawa ng baklang to. Kaya dahil dyan, kitty pasok!"Vice.

Agad naman ito sumunod at nag bulaga sa camera. Tawang tawa naman silang dalawa sa pinag gahawa ni Kitty.

" Simula na ba? "tanong ni kitty sa kanila.

" Oo. Pero dipende kung gusto mong uminom muna tayo. Mukhang may karga kay alfonso at empi, kitty ah!" pang aasar ni vice sa kaniya. Naka ngisi lang naman si vhong at patagong tumatawa.

"Question #1. Never Have I Ever na nag cheat sa jowa."Kitty.

Agad naman nag sagot ang dalawa. Si Vhong ay Never at si vice naman ay I Have. Napatingin tuloy sa kaniya si vhong kaya natawa sya. Seryoso kasi ang tingin nito.

"Nag cheat ka na?"Vhong.

Marahan naman na tumatango si vice sa kaniya,"Oo. Saglit nga! Hindi naman sayo! Hahahah sa past. Kase alam ko naman na niloloko nya ako kaya niloko ko rin siya. Tska wala naman syang pakealam kahit nag cheat ako sa kaniya no. Hello! Keps pa rin habol nya! Hahahaha!" sinabayan nya ito ng tawa habang naka titig pa rin kay vhong. Pinoke nya rin ito sa pisngi.

"But don't worry, mine. I won't cheat now. Sayong sayo kaya ako."Vice.

Lumabas naman ang ngiti ni vhong na kinikilig. Agad tuloy nyang inaya si Kitty na mag tanong na ulit.

" Question #2. Nakipag make out sa public. " Kitty.

Agad naman sumagot si vice ng I have habang si vhong naman ay inaasar sya. Papalit palit kasi ang sagot nya na Never o kaya I Have.

Binatukan tuloy sya ni vice.

"Vhong! Mag I have ka, baliw." Vice. Napakunot noo naman si vhong sa kaniya. Tinatanong kung bakit siya pinipilit mag I have.

"Bakit nga?" Vhong.

"Para pareho tayo!" Vice. Tinawanan na lang sya nito pero hindi sya sinunod, kaya sng kaniyang ginawa. Nilayo nya kay vhong ang placard na NEVER at binigay kay vhong ang placard na I HAVE.

"baliw. I have nga aken eh, nag make out tayo sa public ano ka! Sa may parking lot sa tapat ng isang bar, sira!" Vice.

Tinakpan naman ni vhong ang kaniyang bibig at nag sign ng quiet dito. Pero inalis na lang ni vice ang kamay ni vhong sa pagkakatakip bago ito ngisihan.

"Edit out na lang yon. Di pwede yon" Vhong.

"Wala! Walang ieedit out! Kitty,question na" Pag tawa ni vice bago marahang ilapat ang kaniyang kamay sa mukha ni vhong.

"Question #3 Never Have I Ever nalasing at tinext or tinawagan ang ex na mahal pa ito."Kitty.

Nag taas naman si vhong at vice ng placard na NEVER.

" I never did that. Ang cringe kaya nun! Gusto mo na lang magpakain sa lupa pag nabasa mo kinabukasan. "Vice. Nakatitig lang naman sa kaniya si vhong habang umiinom ng milktea.

" Bakit ka nakatitig?!"Vice

"Ganda mo mine."sincere na sabi ni vhong at hinalikan sya sa leeg sandali. Napa giggles naman si vice sa kaniya at inakbayang yakap nya ito.

" Malapit na ako mag walk out meme, please lang wala akong jowa. Huwag naman ganyan. "Sabat ni kitty kaya natawa sina vhong and vice.

" Ay sorry, pasensya na. O sige, next question. "Vhong. Hinalik halikan naman nya lalo si vice sa leeg upang asarin lalo si kitty.

Natawa na lang sila ng kunwaring mag wa-walk out ito.

" Question #4 Never Have I Ever na nagmakawa sa ex na magbalikan. "Kitty.

"I Have" Vhong. Sabay taas ng placard na I HAVE.

Si Vice naman ay nag taas din ng I HAVE placard habang kumakain ng pringles.

"kanino ka nagmakaawa na magbalikan kayo?" Vice.

"Sayo, sayo lang mine. Kase sa iba di ko naman ginagawa yon. Ikaw, kanino ka nagmakaawa?" Vhong.

Vice wrapped his arm on him.

"Sa ex ko before, oo ginawa ko yon. Pero parang nag sisi ako na ginawa ko yon, kase tama lang pala na dapat agad ko na syang niletgo, dahil hindi naman nya talaga ako minahal." Vice. Agad naman syang niyakap ni vhong at hinalikan sa pisngi.

"Pero ako mahal na mahal kita." Vhong. Nag pout naman si vice at agad na hinalikan ito ni vhong sa gilid ng labi.

"Bakit dun lang?! Sabi ko sa lips eh!"

"Bawal sa lips. May camera oh. Mamaya na lang sa room. Hahaha!" Vhong.


"Question #5 Never Have I Ever nag check ng phone ng jowa." Kitty.

Nagtaas naman si vice ng NEVER at gaanon din naman si vhong.

"Never ko pa binuksan yung ibang conversations ng mga kausap ni vhong, never ko chineck lahat ng mga social media accounts nya. Alam mo yon, yung pag sinabi niya lang na 'Mine, may chat yata si ano, si ganyan paki check mo na lang ah.' doon ko lang hahawakan yung phone nya, at yun lang yung message na babasahin ko. "Paliwanag naman ni vice bago tumingin kay vhong. Nag thumbs up naman ito bago tumango.

"Oo totoo yon. Never nya pinakealaman yung phone ko, kase may tiwala sya sakin at ganoon din naman ako sa kaniya. Kaya never ko rin chineck yung phone nya sa mga conversations. Siguro sa games pag ayaw ko idownload yung app. Makikigamit ako. Hahahaha!" Vhong.

" Ay nako, ugali nya yan! Noong mga bago pa lang kami, itatanong nya kung ano password ng phone ko. Pero ngayon alam na namin pareho. Pag may titignan na pictures, nanghihiram rin ako ng phone nya. "Vice.

" Okay, before we end this vlog eto lang sasabihin ko braddies and mines. Wag nyong sakalin ang jowa nyo, mamamatay yan. Charot! I mean, wag nyo kahigpitan yung hawak sa kanila, dapat tama lang. Do not check their phone always. Just trust them lalo na kung katiwa- tiwala naman talaga yung mga jowa nyo. "Vice.

Nag thumbs up ulit si vhong bago yakaping akbay si vice at hinalikan sa buhok nito.

"Okay, let's end this vlog na. Don't forget to like, comment your suggestions below, and hit the notification bell button para lagi kayong update on our next vlog!" Vice.

"Bye Braddies and Mines, thank you for watching! See you on our next vlog!" Vhong.










A/N:
Sorry ang ikli! :> kumusta mga vhoice babies?
Don't forget to vote. Thank you!

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon