Vlog 24: Ganti ng Api

103 13 4
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" Sabi ni vice habang kumakaway pa.

"Nandito ako ngayon sa Greenbelt. Syempre mag shoshopping ako today! Spoil ko ang sarili ko ngayon no." Saad ni vice habang nag papa cute sa harap ng camera.

"Sabi ko kay vhong, ako na muna ang mag vovlog ngayon. Me time ko muna. Pumayag naman sya e. So for today's video, bibilhin ko ang mga gusto ko." Nakangising sabi ni vice habang humahalukipkip.

"Pero bago yon, panoorin nyo muna itong ginawa ko kanina." Saad niya hanggang nag flash ang isa pang video.







"Paalis ako ngayong araw pero si vhong, kauuwi lang nya galing sa Ormoc. Nagkaroon sya ng show doon. Ngayon, habang tulog sya kukunin ko yung credit card nya." Ngumisi naman sya.

"Diba noong mga nakaraang video nambubwisit ang pango na to? Gagantihan ko sya ngayon. Kaya samahan nyo ko na kunin ang credit card nya." Dali dali naman sya na pumunta sa kwarto nila at sinet up ang camera.

Marahan siyang naglalakad at kumikilos upang di magising si vhong. Tulog na tulog kasi ito at naka takip pa ng unan ang mukha.

Kinuha nya ang isang bag ni vhong kung nasaan ang wallet nito at kinuha doon ang isang credit card. Pinakita nya ito sa camera pero tinakpan ang mahahalagang impormasyon mula dito.

Pagkatapos noon ay lumabas sya ng kwarto at tawang tawa sa ginawa nya.

"Teka mag aasikaso na muna ako para makapag sabi na ko kay vhong at wala syang magagawa kundi payagan nya ako." Saad niya at nag bye muna sa camera.

--

"Hi braddies and mines, so nakapag ayos na ako. Ngayon puntahan natin si vhong." Saad niya at pumunta sya ng kwarto. Di rin naman nya pinahalata na kumukuha sya ng video dahil baka mag duda ito.

"Mine, aalis ako today. Saglit lang naman ako." Rinig na sabi ni vice sa video. Nag groan lang naman si vhong dahil mukhang na istorbo ang tulog nito.

"Dito ka lang ba?" Tanong ni vice.

"Oo."

"Me time ko muna a. Sleep ka lang dito. Saglit lang ako aalis." Sabi niya at inayos nyang konti ang camera ng pasimple upang makita si vhong sa video.

Naka kunot ang noo nito at nakapikit pa.

"Ingat mine." Sabi nito sa kanya at ngumuso pa kahit naka pikit. Natatawa naman si vice kaya naman hinalikan nya ito sa pisngi at nang sa lips na nya ito hahalikan ay nagkaroon ng sticker ang video para di makita ng mga manunuod. (Madaya. Charot)

Pag labas nya ng kwarto tuwang tuwa sya dahil successful ang ginawa nya.

"So eto na, papunta na tayo sa greenbelt!!!" Masaya nyang sabi at sumakay na sa kanyang sasakyan.

---



Back to Present

"So ayon, sabi ko sa angels ko sabihin sakin kapag gising na si vhong dahil baka magtaka na wala doon yung credit card nya. Pero mukhang di aalis yon, pagod na pagod eh. So let's go, hanap tayo ng mga bags na magagamit ko." Ngumiti na sya at tuluyang pumasok sa loob ng mall.

Marami namang mga nagpapicture sa kanya at hindi naman nya yun tinanggihan. Parang halos lahat din yata ng security guard ay naka bantay sa kanya kahit na may kasama syang personal na body guard.

"Kaloka! Parang nagkaroon ako ng show dito!" Natatawa niyang sabi habang kumakaway sa mga tao habang papunta sa Gucci.

"So there, medyo okay okay na, natutuwa sila na makita ako kasi ang ganda ko. Charot! So nandito ako ngayon sa gucci at hahanap ako ng bag na gusto ko." Vice.

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon