Vlog 13: Can't Say No Challenge

217 11 1
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" nag peace sign pa si vice at nag flying kiss habang nakatitig sa camera.

"wala akong magawa sa bahay kaya hinila ko somewhere si vhong. Sabi ko mag ggrocery lang kami pero tignan nyo sya, para syang nalugi." tinapat naman ang camera kay vhong. Nag ddrive ito pero naka simangot.

"Wala kang magagawa mine, umagree ka na diba." saad naman ni vice habang tumatawa.

"kawawa naman to, meme" sabi ni bong austin pero halatang tumatawa. Sya ang may hawak ng camera nila. "Kaya mo yan kuys."

"Mapapagastos yata ako dito, kuys." saad ni vhong habang tumatawa.

"ah talaga ba navarro?" pag sabat naman ni vice sa usapan ng dalawa.

"So today, bukod sa mag gogrocery kami. Aayain ko si vhong kahit saan dahil he can't say no to me!"





"mine, mine ihinto mo nga dyan sa isang tabi yung sasakyan." saad ni vice habang pinopoke sa braso ang kaniyang jowa.

"loko. baka bawal dito, baka ma-ticket-an yung lisensya ko." Vhong.

Tatawa tawa naman si vice dahil alam niya na bawal naman talaga mag park sa daan na yun.

"O sige doon na lang sa kabila, may ipapagawa lang ako sayo!" Vice

Hininto naman ni vhong ang sasakyan sa isang tabi bago lumingon kay vice.

"Bat ba inis na inis ka na sakin? Wala pa nga. Pero kung pag tripan mo ako sa bahay. Siraulo ka. Bumaba ka na, may ipapagawa ako sayo." Vice.

Bumaba naman si vhong ng sasakyan at sumilip sa bintana kung nasaan si vice.

"Ang gagawin mo lang, hahanap kang isang tao tapos aamuyin mo yung kili - kili nya." Vice.

Napakamot na lang sa ulo si vhong dahil namomroblema sya. Tawang tawa naman si vice dito, kaya naman bumaba na rin siya ng sasakyan. Tinitigan nya si vhong.

"You can't say no to me, mine. Alam mo consequences nito pag di ka sumunod sakin."

"alam nyo ba consequences nito braddies and mines? Isang linggo akong matutulog sa loob ng banyo namin kapag di ko nasunod to." Vhong. Nakasimangot na ito at halatang niyayamot sya ni vice pero wala syang magagawa. He can't say no.

"Ayan na vhong. Tawagin mo si kuya!" medyo tinulak pa ni vice si vhong para tawagin na ang lalaki.

"Parang tanga naman, mine."

"dali na, arte mo. Para namang di ka amoy hamog dati"Vice.

Pati si vhong natawa na lang sa sinabi ng jowa nya at tinawag ang lalaki na nakita ni vice.

" Kuya, kuya challenge lang sakin. I can't say no to vice. Pwede bang paamoy ng ano.. ng kili kili mo kuya?" paalam ni vhong dito. Napatitig naman ang lalaki sa kanilang dalawa na parang nahihiya.

"Kagagaling ko lang pong trabaho, pawisan pa ako." sagot ng lalaki.

"Naku okay lang kuya, saglit lang naman." Vice.

Si vice na nga ang nag taas ng braso ng lalaki habang si vhong naman ay unti unting lumalapit sa kili kili nito.

"Parang hindi ka naman humihinga vhong, parang pinipigil mo ang hininga mo" Vice.

"uy hindi a!" saad nito bago pa kumalapit hanggang sa hawakan ni vice ang ulo nito at diniin sa kili-kili ni kuya.

Tawang tawa naman si vice habang si vhong ay napa hilamos na lang ng mukha.

"Salamat kuya! Anong work mo?" tanong ni vice.

"Construction worker po ko. Ngayon pa lang ako uuwi sa amin." saad nito kay vice na parang nahihiya.

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon