Vlog7: A Day With Us

213 7 8
                                    

"What's up what's up braddies and mines?! Welcome to our vlog!" mahinang saad ni vhong habang hawak nya ang camera. Tinapat nya ang cam sa taong nakayakap sa kanya. He even kiss vice on forehead.

"Hi, good morning everyone. Good morning mine." bati ni vice sa cam pati kay vhong na hinalikan nya sa pisngi.

"Mainggit kayo, ako nakaka-kiss kay vhong kayo hindi! Bleh!" Vice. Parang bata pa itong nilabas ang dila sabay tumawa.

"Kung pansin nyo na naka make up ako today, ganyan ako matulog. Charot. Nakapag asikaso na ako kasi may vlog kami pero gusto ko pa manlabing kaya bumalik kami sa pagkaka higa. Today is Sunday and 8:00 am na." saad ni vice bago ngumiti at tumingin kay vhong.

"Since walang showtime, isasama namin kayo ngayong araw sa normal namin ginagawa ni mine kapag walang pasok." sabi ni vhong na medyo umiiwas dahil pinang gigigilan ni vice ang kanyang ilong.

"Hindi kaya napagkakamalan ni mommy.. yiieee! Nakiki mommy ako! Hahahah hindi kaya napagkakamalan ni mommy na kamatis yang ilong mo?" tanong ni vice kay vhong bago sya tumawa.

"Grabe ka naman!" Vhong. At dahil ayaw magpatigil ni vice sa kaka-asar sa kanya, nilapag nya ang camera sa isang table at kung saan sila makikita.

Bumalik si vhong sa kama habang si vice naman ay patuloy syang inaasar nito.

"Gwapo mo sana vhong, alam mo ba yon? Magaling sumayaw, magaling mag host, maputi.. ay peke pala yan nagtuturok ka!" Vice.

"Kaya lang, sayang oh! Pangong pango ilong mo! Parang pinatong lang!"Saad ni vice at iiwas na sana sa kanya pero agad nya itong hinarangan bago patungan.

" Vhooong! Oh my gosh, maaga pa ano ba. Hindi ka pa ba na satisfied kagabi? Charot! " vice. Aalis na sana sya pero agad syang kiniliti ni vhong. Wala na syang nagawa kundi tumawa. Naka locked din kasi ang binti nya at dinaganan ito ng kanyang jowa.

"Ikaw ah! Ikaw mine ha! Aga ga e" Vhong.

Tumitig naman sya kay vhong at nginitian ito. May pa haplos pa sya sa pisngi ni vhong pati sa buhok nito.

Ngunit maya maya lang ay bigla itong nag smirk at tinapik si vhong sa pisngi.

"Akala mo nakalimutan ko yung ignoring me for a day? Ha? Ha? Mas masakit yon kaysa sa asarin kang pango." Vice. Nakawala naman sya mula kay vhong at tingay ang camera palabas ng kanilang kwarto bago tumakbo pababa sa kanilang salas.

"Gugulatin natin si vhong. Parang hindi a day with us ang title nitong vlog." naka kunot noo na sabi ni vice habang nag hahabol ng hininga.

"Parang ano Bardagulan sa Jowa kong Pango for a day. Teka, potaemerz hinihingal ako! Natakbo ko yung hagdan pababa dahil kay vhong. Siraulo." Vice. Hawak nya ang camera  habang papunta sya sa dining nila.

"kaming dalawa lang dito sa bahay kaya wala akong taga hawak ng cam. Iinom muna ako ng water, we should stay hydrated always." Nag bukas na si vice ng ref bago kunin ang kanilang pitcher at tumungga na nga ito doon. Hindi na ginamitan ng baso.

Nakasunod naman pala sa kanya si vhong habang tatawa tawa ito.

"Ang ganda mo mine pero kung uminom ka inom kargador" Vhong.

"Ah talaga ba vhong!" nahablot naman ni vice ang saging at binato ito sa kanya. Sakto naman ito sa leeg ni vhong kaya napa aray sya.

Tatawa tawa lang naman si vice bago lumapit kay vhong at hinalikan sya sa leeg kung saan ito tumama.

"Shunga kasi di marunong umiwas." Vice. Hinila na nya si vhong sa kanilang living area bago nya ulit ilapag ang camera.

"So for today, dahil pagoda ako dahil sa lalaking to.. mag papahinga muna ako here in our couch." tumabi si vice kung nasaan ang pusa nyang si naomi.

Vlog Series || VhoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon