003

308 22 1
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan hindi ko pa nga alam kong nakatulog ba talaga ako dahil sa titig ng lalaking yon! Nag ayos lang ako ng sarili bago bumalik roon. Sana lang hindi ko na makita ulit iyon.

Nag hihintay ako ng bus ng mapatingin ako sa mga high school student na may pinag kakaguluhan. Maaga pa kaya naabutan ko sila na-curious ako kaya nakitingin na lang din ako.

Nag pipicture sila sa gilid dahil may mga naka dikit doon na picture. Nang tuluyan kong makita nanlaki ang singkit kong mga mata. Hindi ako pwedeng magkamali na isa roon ang nakita ko kahapon sa company.

Nakatulala lang ako roon hindi nag proproseso sa akin ang lahat. Iniisip ko lang ang grupo na iyon kahapon hindi ko alam na nakaharap ko na pala ang isa sa kanila. Nakatingin ako roon sa lalaki kahapon sa company. Wala ngang duda sobrang gwapo.

Bumalik lang ang aking sarili sa pag iisip ng dumating ang bus. Muntik pa akong hindi makasakay dahil paalis na ng sumakay ako tumama pa ang paa ko sa hagdan ng bus. Sobrang sakit pero hindi ko masyado ininda dahil nakakahiya dahil nakatayo lang ako.

Ganoon pa rin ang ginawa ko tinop ang QR Code para makapasok. Agad akong inassist ng babae kahapon patungo roon. Hindi na nya ako nasamahan dahil may gagawin pa raw sya kaya ako nalang tumuloy mag isa since alam ko na. Nakarating rin naman ako kahit muntik pa akong maligaw dahil sa malapasyong gusali na ito.

Kumatok muna ako bago buksan ang pinto ngunit hindi ko pa tuluyan nabubuksan ay may naririnig na akong nag sasalita sa loob.

"What the hell, she's annoying. Antagal." Hindi ko alam kung sino iyon pero binuksan ko na ang pinto.

Halos lahat ata sila ay napatingin sa akin. Mukha silang may inatendan na kasal dahil sa mga suot nilang tuxido. Iba iba naman ang kulay.

Ewan pero bigla akong kinabahan dahil sa pag tingin nila sa akin. Kahit sino ay dadagain ang dibdib kung ganitong kagwapong nilalang ang titingin sayo. Nakakatameme pala talaga sa personal ang BTS.

"Who are you?" Ayon ang bungad ng isang lalaking naka white tuxido may blonde rin syang buhok at animoy mangingitim ka kung tatabi ka sa mala gatas nyang balat.

Hindi ako agad nakapag salita, naprepresure ako!

"A-hh."

"You're Sandra?" Nakangiting saad naman ng isang singkit na lalaki at may pink na buhok.

"Si Jungkook daw ang bahala sayo." Sabi ng isang malalim ang dimples.

Inisa isa ko silang tingnan dahil wala akong ideya kung sino sa kanilaang tinutukoy or nandito ba.

"Saan ko po makikita si Jungkook?" Bakit ba wala rito ang kausap ko kahapon, pinabalik nya pa ako tapos wala rin naman sya.

Nakita kong nagkatinginan sila, medyo natawa ang iba at umiling. Siguro matagal na silang mag kakasama dahil tinginan pa lang nila nag kakaintindihan na.

"Sure ka hindi mo kilala si Jungkook?" Yung singkit uli ang nag salita. "Even us?"

Kita ko ang pag talim at irita sa itsura ng lalaking nakasabay ko sa elevator. Namukhaan ko rin ang isang lalaki na nakatingin sa akin dahil sa tingin nya. Siya iyong lalaki kahapon na pinag kakaguluhan kaya ako natumba!

"Kilala ko kayo sa itsura pero sa pangalan hindi." Kinakabahan na ako, hindi ko alam kung ano ang iaakto ko! Dapat ba galangin ko sila? dapat ba mag bow ako?

Totoo kilala ko sila sa mukha dahil nakita ko ang itsura nila kanina at kung pa-ano pag kaguluhan ang picture nila. Kung saan-saan ko panga sila nakita maski yung nadaan ng bus nakikita ko ang itsura nila.

Walang pasabing tumayo ang lalaki sa elevator kahapon. Nakita ko ang pag ngisian sa mga kasama nya na parang nang aasar kaya nakasimangot ang isang to.

"That's okay JK, not all people know about us." Natatawang saad ng isa.

In another life.Where stories live. Discover now