018

171 17 0
                                    


Nasa tapat ako ng building at nag dadalawang isip pumasok. Kung hindi ko lang kailangan ng pera hindi ako pupunta rito. Para na ring sugal ito para sa akin dahil makikita ko ang lalaking matagal ko nang iniiwasan. Ngunit ka pag ang lalaking iyon ay nakita ko hindi ko alam ang gagawin.

Bandang huli ay pumasok na ako. Hindi naman ako nahirapan dahil may binigay na patunay. Sinamaan din ako ng isang staff at tinuro kung saan ang office ng sinasabing Ms, Choi.

Ininwan rin ako ng staff ng nasa harap na ng pintuan ng office. Hindi ko alam ngunit may nararamdaman akong kakaiba. Mukhang may hindi tama. Isinawalang bahala ko iyon atsaka kumatok. Walang sumasagot kaya binuksan ko na ng kusa ang pinto.

Para akong naistatwa sa nakita ko. Ang lalaking iniiwasan ko. Ang lalaking ayokong makita. Ang lalaking miss na miss ko. Ang lalaking Ama ng dinadala ko ay nasa tapat ko ngayon. Gustong kumawala ng mga luha ko ngunit pinipigilan ko. Ayokong makita nya na ganito ako.

Nakatitig ito sa akin na animoy inaasahan ang aking pag dating. Nang nararamdaman kong patulo na ang luha ko ay tumalikod ako agad at handa na sanang umalis.

"Sandra."

Feeling ko tumigil ang mundo dahil sa pag tawag nya sa pangalan ko. Parang isang gamot sa sakit na nararamdaman ko. Bakit ba ganito na lang ang epekto ng lalaking ito sa akin.

"I'm glad you're here." Tuluyan ko syang hinarap at sumalubong sa akin ang mata nyang nag hahalo ang emosyon.

Gusto ko syang yakapin. Gusto kong mag sumbong na nahihirapan na ako. Gusto kong ipaalam nya na miss ko na sya. Gusto ko ipaalam sa kanya na gustong gusto ko sya. Ngunit kahit isang salita man lang ay walang nalabas sa bibig ko na tila naduduwag.

"Can we talk?" Tugon nito. Hindi pa rin ako nag sasalita at nananatiling nakatitig sa kanya.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Kahit na gaano ko sya kamahal ay ayokong makasira. Si Jessie alam kong mahal na mahal nya ang lalaking ito. Ikakasal na sila. Kaya kahit anong mangyari hinding hindi ko sasabihin ang tungkol sa anak namin. Buo na ang disisyon ko.

"Mag salita ka. Makikinig ako." Wala akong pinapakitang kahit na anong emosyon.

"Come with me. Ayoko dito pag usapan." Tila nag mamakaawa ang mga mata nya.

"No. If you want say something. Sabihin mo na rito mismo. Hindi ikaw ang sadya ko rito."

Kita ko ang sakit na dumaan sa mata nya. Mukhang hindi inaasahan ang sinabi ko. Hindi ako ganito. Hindi ako ito.

"Why did you do that to me? Why did you suddenly disappered." Sabi nya. "Hindi mo alam kung gaano ako nag alala sayo."

"Ang alam ko isa kang Idol. Anong eksena ito? Artista ka magaling kang umarte."

"You mean umaarte lang ako?" Naguguluhan nyang tanong.

"I don't know. Ikaw ang makakasagot nyan."

"I missed you. Hindi arte, totoong na miss kita."

"Tama bang sabihin mo yan? You're fucking engage! Kaya pa ano mo nakakayanan?" Inis kong sabi. Hindi ko na alam ang totoo. Bakit nya ginugulo ang isip ko.

"I can break it if you come with me. Lumayo tayo." Lumapit ito at hinawakan ang kamay ko ngunit lumayo ako.

"Hindi kita maintindihan. Ipaintindi mo naman sa akin. Naguguluhan ako." Hindi na nag papigil ang mga luha ko dahil kusa na silng tumulo.

"Handa akong gawin ang lahat, Sandra. Just come with me. Mahal kita. Mahal na mahal." Lumapit sya sa akin at yinakap ako.

Mahal na mahal. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Ang sarap sa tenga na marinig mismo iyon sa kanya. Totoo bang nangyayari ito? Totoo bang ako ang kinakausap nya? Totoo bang siya si Jeon Jungkook?

In another life.Where stories live. Discover now