017

182 19 0
                                    

Hindi mapakali si Jennie ng malaman kung sino ang bumisita rito sa bahay ko kanina. Hindi rin sya makapaniwala dahil maski sa isipan nya hindi sumagi iyon.

"Pero diba? Kahit saan anggulo ko isipin wala e. But if really true your saying. Sana pala hindi na lang ako pumasok para bantayan ka kunwari tapos nakita ko sya!" She said. "Aack! I don't even imagine na makikita ko sya ng malapitan!"

"Wow, thanks to your concern. Babantayan mo lang ako para dyan sa Idol mo!" Irap ko.

"You're welcome! O diba, ang kind kong friend?" Ngisi nito. "And wait a minute. Why he going to your house by the way?"

"I don't even know."

Hindi ko naman talaga alam kung pa ano napunta iyon dito. Hindi ko rin talaga iyon inaasahan. Si Taehyung sinundo na ako rito pero hindi para mag stay sa maliit kong bahay.

"I think he like's you. What do you think?"

"That's imposible, Jen."

"Pero mas imposible na pumunta sya rito para mag bigay ng Soap sayo no. Ano walang magawa lang? Trip nya lang mag travel papunta sa bahay mo?"

May hint na rin ako sa ginagawa nya pero ayoko naman mag assume. Malay mo mali pala ang iniisip ko edi ako lang ang mapapahiya.

"Two reasons lang yan. He like's you or he need anything to you." Nakatitig sa akin si Jennie kaya umiwas ako ng tingin. Ayokong lagyan ng malisya ang sinasabi nya.

"Enough, Jen."

Hindi na ako comportable na pag-usapan ang tungkol doon. Ayoko rin mag isip ng kung ano ano.

"But yeah. Not imposible if he like's you. You're so damn much pretty! And sexy also. So pwede nga sila mag kagusto sayo." Kinikilig nyang tugon. "I don't give you hope, ha. I'm just saying the facts."

"Tumigil ka. Ayoko sa spotlight na mayroon sila."

"Wow, spotlight agad, ha! Jojowain mo ba?" Pang aasar pa nya.

Nang matapos kaming kumain, umuwi na rin sya. Halos mag mamadaling-araw na pero hindi pa rin ako makatulog, dahil ata to sa halos buong araw akong tulog. Napag disisyonan kong lumabas at pumunta sa rooftop, namiss ko rin pumunta roon.

Nang makarating ako pumwesto ako agad kung saan ako lagi naka pwesto pag tumatambay ako ng gabi dito, tumingala ako hindi maulap ngayon.

Kitang kita ang mga bitwin, maliwanag rin ang buwan. Namiss ko ang simoy ng hangin rito.

Habang nakatingin sa buwan naalala ko sila Mama, ilang araw na rin akong hindi natawag sa kanila. Kaka-mustahin ko muna. Kinuha ko ang phone ngunit nangunot ang noo ko ng makita kung nakailang beses tumawag si Suga. Siguro ay mangangmusta iyon.

Tinawagan ko sya para sana magpasalamat. Ngunit hindi ko na makontak ang number nya. Mukhang nakapatay ang cellphone o low battery.

"Lagi nya na lang ako pinag iisip. Mas weird pa sya kay Jennie." Tugon ko sa kawalan.

Hinayaan ko nalang muna at tinawagan sila Mama. Ang kaso nag riring lang. Baka tulog na rin sila anong oras na rin. Tumingala na lang ako sa langit at naisip.

Meron kaya talagang parallel world? Kung meron man sana ay masaya ako. Sana isa rin ako sa pinaka-swerte.

Biglang may pusang dumaan, tinitigan ko ang pusa. Naalala ko tuloy ang alagang pusa ni Jungkook. Kumusta na kaya sya, sino kaya ang nag papakain sa kanya ngayon.

Miss ko na rin sya. Hindi ko alam pero bawat araw ang nag dadaan ay mas lalo akong nangungulila sa lalaking iyon. Ganoon din kaya sya sa akin? Ganoon din kaya ang nararamdaman nya? Naiisip nya rin kaya ako kahit paminsan lang? I hope so.

In another life.Where stories live. Discover now