012

180 21 0
                                    

Papasok na lang ako sa pinag tratrabahuan ni Jennie. Matagal na nyang inaalok sa akin yon ang kaso ay nakapasok na ako kay JK kaya tinanggihan ko. Sana lang ay meron pa rin hanggang ngayon.

"Bakit ka naman kasi umalis doon? Pasalamat ka at malakas ako sa boss ko ngayon at maipapasok pa kita kahit na tinagihan mo noon." Saad nito. Gabi na at kakarating nya lang kung saan man sya nanggaling.

"Sa susunod hindi na ako sasama sayo."

"Sorry na! E kasi naman hindi ako makatanggi. Binalikan kita roon ang kaso ay wala kana! Umuwi kana pala."

Tinawanan ko na lang sya dahil kitang kita sa pagmumukha nga kung gaano sya naguilty. Hindi naman ako galit sa kanya. Mas okay nga iyon at nakikisama pa rin sya sa dati nyang kaibigan hindi yong lagi na lang nakadikit sa akin na parang linta.

Lumipas pa ang ilang araw. Alam kong ito ang araw ng concert nila ngunit hindi ko alam kung pupunta ba ako. Nag dadalawang isip pa rin ako. Pinutol ko na kung anong ugnayan namin.

Rinig kong pumasok si Jennie sa bahay ko at tuloy tuloy na pumasok. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng to. Ni hindi marunong kumatok.

"Hello, world! Tara na at pumunta sa pitong Principe!" Malakas nyang sigaw.

Binato ko sya ng unan dahil ang ingay nya.

"Kung ayaw mong matulog, mag patulog ka."

"Nakapasungit mo talaga!" Ibinato nya sa akin pabalik ang unan. "Bilisan mo na at baka malate tayo roon."

"Hindi ako pupunta." Boring kong sagot at nagtalukbong ng kumot.

"Just tell me you're kidding, Sandra!" Alog nito.

Naiirita na ako sa kakaalog nya!

"Hindi ako pupunta kasi ayoko!" Giit ko.

"Alam mo ang bitter mo! Malay mo wala naman ng pake sayo yung tao! Pa ano naman ako? Gusto ko lang naman makita sa personal ang mahal kong Yoongi." Tumingala pa ito na halatang pinag papantasyahan ang Idolo.

"Saka alam mo. Ang mahal kaya ng ticket na ibinigay sayo! Tapos sasayangin mo lang. Aba sumusobra ka naman ata!"

"Ibenta na lang kaya natin?" Suggest ko.

Napahawak ako sa ulo ko ng batukan ako nito! Loko to ah!

"Masakit yon, ah!" Sigaw ko.

"Tama lang yan para bumalik yang pag iisip mo! You're totally insane." Irap nito.

Bumalik ako sa pag kakahiga. Hindi naman ata ako makikita nun diba? Napakaraming tao ang naroon. Gusto ko lang rin syang silayan. Alam kong ito na ang huli.

"Nakahanda na ang susuotin ko. Mag handa kana rin." Sabi ni Jennie.

"Pa ano kung hindi talaga ako pupunta? Edi sayang yang pag hahanda mo." Pang irap ko.

"Nako! Kahit sabihin mong ayaw mo ay pupunta ka pa rin. Ganoon mo sya kagusto, hindi ba?" Pang aasar nya.

Sinipa ko sya para mapaalis sa kama ko. Nakakaurat na tama ang sinabi nya.

"Mag aayos na ako, doon ka na nga!"

"Ang sama talaga ng ugali mo!" Tumayo ito at padabog na lumabas ng kwarto. "Mag aayos na ako bilisan mo na!"

Tumayo na rin ako at nag ayos. VIP ang ibinigay nya at ibig sabihin lang non ay nasa unahan kami. Sana lang ay hindi nya ako mapansin. Dahil kung mangyari man iyon ay gugustuhin ko nalang ulit mag pakatanga.

In another life.Where stories live. Discover now