024

170 18 0
                                    

Marami kaming pinuntahang lugar. Malayo sa maraming tao. Malayo sa mga fans. Malayo sa mga mapanggusga. Malayo sa camera. Malayo sa industriya nya.

Ito sana ang gusto kobg buhay. Tahimik at normal lang.

"Where do you want to go? We have more time, sulitin na natin."

Nakatitig ako sa kanya habang kumakain. Sinabi ko kasing nagugutom ako kaya kumain kami sa isang Sky Restaurant. Maganda dito at kitang kita ang view.

"Kahit saan. Okay ako kahit saan mo ako dalhin basta ikaw ang kasama." Ngiti ko.

"You're so sweet!" Tawa nya. "How about beach?" Suggest nya na agad kong tinango.

Nagpunta kami sa beach. Sumakto pa na palubog na ang araw kaya masasaksihan namin ang sunset. Gustong gusto ko ito noon bata ako. Gusto ko ang buwan at ang araw.

Umupo kami sa talampasigan saka ang latag ng tela upang hindi kami madumihan. Naalala kong ngayon ko balak sabihin ang tungkol sa anak namin.

"Gusto mo ba mag kaanak?" Ramdam kong nabaling ang tingin nya sa akin.

"Yes, I love kids."

Tumitig muna ako sa kanya, siguro naman ay tatanggapin nya kami diba? Siguro naman matutuwa sya.

"Bunt-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng may nagdatingan na mga kabataan.

"Jungkook? Hala ikaw nga! Pwede pong mag pa-picture?"

Nanlaki ang mata nya at agad na tumingin sa akin. Bumaling sya sa babae at ngumiti.

"Ah. I'm sorry but I can't." Tanggi nya.

"Okay lang po! Sino po ya g kasama nyo? Girlfriend nyo?" Sunod na tanong.

Medyo nag gilid ako ng mukha dahil baka makita ako at mapicturan.

"Ah... No. She's my friend."

She's my friend. Pota ang sakit.

Umuwi na rin kami agad ng makaalis ang mga kabataan baka kung magtagal pa kami ay mas lalo pa syang pagkaguluhan. Tahimik lang ako sa byahe dahil sa sinabi nya kanina, alam kong pinoprotektahan nya lang ako kaya nya sinabi yon pero ang sakit pa rin.

Nabasag ang katahimikan ng nag ring ang cellphone nya na agad nyang sinagot.

"Nasa bakasyon ako, I'll talk to you tomorrow."

Humigpit ang hawak nya sa manibela, kitang kita ko kung paano sya nainis dahil sa itsura nya. Mukhang may hindi magandang nangyari.

"Please, I said tomorrow na lang, nag dri-drive ako." Tumalim ang mata nya sa daan bago binaba ang tawag.

Nabitawan nya ang cellphone dahil na rin siguro sa inis. Tiningnan ko iyon kung saan napunta. Hindi ko na sya tinulungan dahil nasa paahan nya at tumingin nalang sa bintana.

Kinuha nya ang cellphone mula sa baba, napatitig ako sa truck na pasalubong sa amin. Mukhang nawawalan ng control kaya nanlaki ang mata ko at tumingin kay JK na ngayon ay hawak hawak na ang cellphone. Tumingin sya sa akin at malawak na ngumiti.

"JK! Sa harap mo!" sigaw ko. Napatingin sya sa harap at nagulat dahil may pasalubong sa amin. Agad bumilis ang tibok ng puso ko.

Iniliko nya ang sasakyan. Nakatingin lang ako sa kanya. Kinakabahan. Tumingin ito sa akin ng naka ngiti, ipinapahiwatig na walang mangyayaring masama. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Hindi to maari.

Malakas na pagbunggo ang narinig ko, parang nag slow motion ang nangyari. Nakita ko sya na naka tingin pa rin sa akin, ngunit nag aalala na ang itsura nya. Tumama ang ulo ko sa harap at gilid, dahilan ng pag dilim ng aking paningin. Mamamatay na ba ako?

In another life.Where stories live. Discover now