006

201 20 0
                                    

Umalis sa tabi ko si Taehyung at pumunta sa pwesto nila Jimin para makipag kulitan. Dumaan ang tingin ko kay Suga na nakatitig sa akin, nagulat tuloy ako sabay iwas ng tingin. Ano ba yon? Bakit ganoon ang isang yon. Nang tignan ko ulit ay nag pupunas sya ng pawis, infairness ha, ang hot.

"Kumusta? Tuloy ba?" Tanong ni RM kay JK.

"Yeah, kayo na bahala mag ayos roon sa bahay."

Mag ayos sa bahay nya? Bakit sila ang mag aayos e ako ang maid nya? Nakinig tuloy ako sa usapan nila.

"Sure, kami na ni Jin ang bahala... Jin bring his girlfriend and... Jessi, I think she's going."

Napatingin ako kay RM sa binanggit nyang pangalan. Jessi? May kilala akong Jessi yung model na nakilala ko. Pero imposible naman siguro, hindi lang naman sya ang may pangalan na ganoon.

Napansin ko rin na napahinto si JK sa pag pasok ng damit nya.

"Sure, why not." Sagot nya.

"I hope your relationship with her going back, we're here to support you, JK."

Umiwas ako ng tingin dahil nabaling ang tingin sa akin ni JK. Alam ko na nakatingin siya sa akin kaya nag hanap ako ng titignan sakto namang nakatingin sa akin si Suga. Ewan pero parang tanga akong ngumiti sa kanya na nakapag pakunot ng noo niya.

"I hope so." Rinig kong sagot niya.

"She's a beautiful lady until now, she's so kind and still a good friend. We meet last day and she always talk about you. Naririndi na nga ako." Natatawang saad niya.

"She didn't change."

Ramdam ko pa rin na nakatitig sa akin si JK kahit na kausap niya si RM. Hindi ko alam kung nasasaktan ako pero parang hindi mapakali ang tiyan ko. May iba akong nararamdaman at bumibilis din ang tibok ng puso ko.

"She's didn't." Sagot ni RM

"Wassup! Tuloy ba?!" Nabaling tuloy ang tingin naming lahat sa kanya. Napalakas kasi ang pag kakasabi niya noon.

"What's wrong with you, Jimin? can't you ask without shouting?"

Tinawanan niya lang si RM, kaloka may ganito pala silang side. Akala ko puro pag papa-cute lang ang alam nila, nakakatakot rin pala sila.

"Sungit naman, may dalaw?"

Umaktong hahalik si Jimin kay RM ng itulak niya ito, tawang tawa sa katarantaduhan niya. Natawa na rin si JK pati na ang mga ibang kagrupo. Nag echo tuloy sa dance room.

Si Suga lang ang kakaiba sa kanila dahil mukhang may sariling mundo, nag cellphone lang ito. Napatingin siya sa akin at nahuling nakatitig ako sa kanya.

Tinaasan niya ako ng kilay na animoy naweweeduhan sa akin. Bakit siya kanina pa siya tingin ng tingin sa akin sinungitan ko ba siya?!

Naalis lang ang tingin ko ng tawagin ako ni JK.

"Huh?" Tanong ko dahil hindi ko siya narinig.

"I said come on, let's go home."

"Ah, Oo."

Binalikan ko ng tingin si Suga na nag aayos ng gamit.

"Who are you looking at? Yonggi?" tanong niya.

"Hindi ah!" Pinilit ko wag mautal para hindi mahalata, kaso nag mukha naman akong defensive.

"Okay... Let's go."

Tumayo na ako at sumunod sa kanila, sabay sabay sila lumabas pwera lang kay Suga na nag aayos palang ng gamit.

"Where do you want to eat?" tanong niya. Dahilan ng pag taas ng kilay ko.

"Libre ba?"

"No..." Kaya napabusangot ako. "Kidding, ofcourse my treat." Dagdag niya kaya sumilay ang ngiti sa labi ko.

In another life.Where stories live. Discover now