005

210 21 0
                                    


Kinabukasan, tanghali na ako pumunta sa bahay ni JK. Wala naman tao kaya okay lang dahil parang hawak ko ang oras ko ngayon. Sana laging ganito para hindi ako laging mahirapan gumising ng umaga.

Hindi rin marumi ang bahay nya, ang gagawin ko lang doon ay pakainin ang pusa. Iniwan kong malinis yon kaya wala ako masyadong trabaho. Nakita kong tumawag si Mama lagi kaming nag kakasalisihan.

Habang nag lalakad tuloy papunta sa bahay ng Amo ko ay tinawagan ko si Mama. Sinagot rin agad.

"Hello ma?"

["Hello Dara? Oh, ano kumusta kana riyan?"]

"Okay lang ako Ma! May trabaho na pala ako! Maayos ang trabaho ko, Ma."

["Mabuti naman. Basta mag iingat ka lagi ah? hindi mo alam mga iniisip ng tao riyan."] Pag aalala ni mama.

"Oo naman po Ma, wag na kayo mag alala sa akin kaya ko po sarili ko. Parang hindi nyo naman ako kilala." Sabi ko kay Mama para hindi na mag alala. "Atsaka Ma, mag papadala na pala ko next week, makakasahod na ako."

["Talaga ba anak? salamat naman, pero magtira ka ng para sayo riyan. Bumili ka ng mga gamit mo, para hindi ka naman mapaginiwanan... Oh sya sige na at magluluto pa ako dito ng hapunan."]

"Sige po Ma, I love you, bye!" Pinatay ko na ang tawag.

Nang makarating walang nagbago sa itsura ng bahay, kung ano ang iniwan ko kahapon ganoon pa rin kaya mukhang bago pa ang bahay na to laging wala ang may ari. Hinanap ko rin agad ang pusa dahil iyon lang ang trabaho ko ngayon.

"Ming! Ming! Ming."

Tawag ko sa pusa, binuhat ko ito at pumunta sa kainin nya. Nilagyan ko ng pagkain at pinanood sya habang kumakain.

Hindi muna ako umuwi dahil wala naman tao rito, boring din naman sa bahay kaya mas mabuti pa na samahan ko nalang ang pusa.

Hindi rin ako nag tagal dahil napagpasyahan ko rin na umuwi. Habang nag lakad sa lobby ay kita ko ang mamahaling desenyo ng apartment na ito. Malalaking chandelier mga mamahaling upuan at mga sikat na tao. Halos lahat ng nakikita ko rito ay nakikita ko sa TV.

Halata naman na ang lahat ng nakatira dito ay may mga sinasabi lang sa buhay. Hindi ko na pinangarap tumira sa ganitong lugar dahil kahit magpakamatay ako kakatrabaho ay hindi ko ito maabot.

Habang nag lalakad tuloy ako palabas ay may nakabangga akong babae, medyo matangkad lang ako sa kanya ng konti. Humarap ito sa akin na naka-kunot ang noo.

"Oh, I'm sorry, are you okay?" Natulala ako sa babaeng ito dahil sa mala anghel na ganda. Ang amo rin ng boses na animoy hindi kayang magalit.

"A-Ah, oo okay lang!" Nasabi ko.

"I'm sorry again, I thought I hurt you." She smiled like an Angel. "You live here?"

"Ah, hindi... Ah nag tratrabaho ako rito." Naiilang kong sagot. "Ikaw? Nakatira ka dito?"

"Oh, no. I'm visiting my special someone." Kita ko ang excitement sa mga mata nya. "Ah, since nabangga kita, you want some coffee, tea or something you want? Don't worry my treat!"

Nakatitig lang ako sa kanya. Almost perfect na sya, mabait, maganda, mayaman. Lahat ng lalaki ay mahuhulog sa katulad nya.

"Ah... Kasi..."

"No, no, I don't accept a rejection babe. You need to agree." Natatawa nyang saad kaya hindi na ako nakipag talo.

"Akala ko may pupuntahan ka?" Sa totoo lang ay nahihiya ako dahil sa suot ko kumpara sa suot nya.

"Yeah, but he's not here pala. So, let's go?" Aya nya. Ngumiti ako bago tumango, matatanggihan ko ba ang ganitong kagandang nilalang?

Pumunta kami sa isang mamahaling Coffee Shop, pinag titinginan pa sya ng iba dahil mukhang syang model. Tindig at aura palang ay kita na ang sinabi sa buhay. Nagmumukha tuloy akong katulong nya, sana pala ay nag ayos ako kahit kaunti lang.

In another life.Where stories live. Discover now