008

182 21 0
                                    

Tumakbo ako dahil sa hiya at nag tago sa mga tao sa dance floor, hindi ako ganito bakit ko ginawa iyon?

"Hey!" Sigaw ni Jimin ng makita ako. "Anyare sayo?" Tanong nito.

"Wala."

"Mukha kang may ginawang katarantaduhan sa itsura mo!" Tumawata nitong sabi.

"Totoo ba?" Gulat ko dahil baka halata nga, mas lalong nakakahiya!

"So, meron nga?" Pang aasar nito.

Tinalikuran ko na sya dahil baka mainis lang ako sa kanya at masapak ko sya. Nasusuka pa naman ako.

"Hoy, sandali lang, Sandra, hoy!" Sigaw nya pa kaso hindi ko na pinansin.

Dala na rin siguro ng alak ay naiba ako ng daan, imbis na sa restroom ay napunta ako sa kusina. Kabisado ko naman ito dahil dito ako nag tratrabaho ang kaso ay nahihilo ako.

Nakita ko sa kusina si Jungkook at may kahalikan. Hindi agad ako nakagalaw sa pwesto ko. Unti unting nadudurog ang buo kong puso at feeling ko ay pinipino ito at pinipiga. Mas lalong bumagsak ang mga luha ko ng makita kung sino ang babae.

Jessie Choi, the international model, ang nakilala at itinuring agad akong kaibigan. Siya, siya ang mahal na mahal na ex-girlfriend ng lalaking dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.

Mas bagay sila, pareho silang sikat, pareho silang may sinasabi sa buhay, pareho silang secured ang future. Hindi katulad ko, hindi katulad kong isang babaeng nakipag sapalaran rito sa bansa nila upang mag trabaho, upang matustusan ang magulang, upang magkaroon ng silbi.

Bakit? Why I need to feel this? Hindi ko alam ang gagawin ko. How? how can I survive.

Nawala yuung suka ko, hindi ko na nararamdaman na nasusuka ako dahil sa nakita ko. Nababaliw na ata ako, bakit ako nasasaktan, wala akong karapan. Personal maid nya lang ako, pero bakit ganoon? bakit ganoon na lang kasakit. Napahawak ako sa dibdib ko, nagpunas ako ng luha. Inayos ko ang sarili ko at bumalik sa pwesto ko kanina kung saan ko iniwan si Suga.

Ngunit wala na roon si Suga kaya uminom nalang ako dahil napakaraming alak at kung saan saan nalang iyon na kikita. Tinungga ko ang isang bote ng alak. Hindi ko nga alam kung anong alak iyon kaya hindi maipinta ang itsura ko dahil sa lasa. Hindi ko rin masyado iyon ininda dahil mas nangingibabaw ang sakit sa dibdib ko. Hindu ko alam kung sa lasa ba o sa sakit ng nararamdaman ko kaya ayaw tumigil ng luhang dumadaloy sa pisngi ko.

Pagkatapos noon ay nakita ko nalang ang sarili kong nakikipag sayawan sa kung sino. Hindi ko na rin nakokontrol ang sarili ko dahil tumatawa ako ng hindi ko alam ang dahilan. May humawak sa baywang ko kaya nilingon ko iyon.

"Taehyung." Wala sa sarili kong bigkas.

"You look drunk, Sandra." Sabi nito habang hawak pa rin ang baywang ko. Kita ko rin ang pamumula ng pisngi nya dahil sa alak.

Nagulat ako ng bigla ko na lang syang halikan, lumalalim ang halik namin dahil maski sya ay gusto ang nangyayari. Ngunit ng natauhan ako ay agad na lang akong bumitaw at isinandal ang ulo sa dibdib nya.

"Sandra."

"Ang sakit, ang sakit sakit." Iyon lang ang alam kong sabihin ngayon.

Halos mag kayakap kami ng may humila sa kamay ko, muntik la nga ako matumba dahil hindi ko na kaya ang hilo. Para akong babagsak na. Ano ba iyong ininom ko kanina. Lason.

Nilingon ko si Taehyung na naka titig lang sa amin ng lalaking may hawak sa akin ngayon. Sumilay ang isang ngisi sa mga labi nya.

"Bitawan mo ako." Utos ko.

In another life.Where stories live. Discover now