014

184 20 0
                                    

Habang papalapit ako sa kanya feeling ko ang tahimik ng paligid. Kahit na sobrang daming tao na nag sisisgawan, wala akong naririnig kundi ang oag tibok lang ng puso ko.

Deretso lang ang kanyang tingin hanggang sa makalapit ako. Hindi ko alam kung ano ba ang eksakto kong nararamdaman. I am happy? Dahil mahahawakan at malalapitan ko sya. Ngayon ay nag mumukha akong fans na baliw baliw sa Idol.

Agad agad ko syang yinakap. Hindi ko rin makita ang itsura nya basta ang alam ko ngayon ay miss na miss ko ang lalaking ito. Laro lang naman ito diba? May karapatan pa akong gawin ito dahil ako ang napili.

"I'm sorry." Tanging saad ko. Nanlalabo na rin ang paningin ko kaya ipinikit ko na lang at damhin ang tibok ng kanyang puso.

Doon lamang nya ako yinakap pabalik. Mahigpit iyon. Gustong gusto kong huwag na umalis sa tabi nya. Nag uumapaw sa saya ang puso ko ngayon ngunit alam kong panandalian lamang ito at ano mang oras ay magigising na ako.

"Please come to my house tonight. We'll talk, okay?" Malambing nyang saad.

Hindi ko magawang umimik dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Alam ko sa sarili kong hindi iyon pwede. Sa totoo lang ay nag balikan na sila ng Ex Girlfriend nya. Ano na lang ang nararamdaman ni Jessie? Kahit na sa kaunting panahon lang kami nag sama ay nakakakonsensya pa rin. Hindi nya deserve ang ganitong sitwasyon.

Nang matapos ang concert ay tulala at hindi ako makapag salita. Si Jennie naman ay halos baliin na ang kamay ko.

"Ang swerte mo girl. Saka alam mo, narinig ko na si Jungkook daw ang nag pasinumo ng ganoon, e!" Panimula nya. "Kasi hindi naman pwede iyon dati diba?"

"Hindi ko alam, Jennie. Hindi ako interesado."

"Porket ikaw ang napili ganyan kana!? Look! Sikat at pinag fi-fiestahan ka sa social media." Pilit nya ipinapakita ang cellphone. "Tignan mo rin kung paano sila tumingin sayo."

Kanina ko pa nga ramdam ang pag titig sa akin ng mga tao. Simula pag labas hanggang sa makasakay kami ng bus ay hindi nila tinatantanan. Iba ang epekto nila.

"Ang sabi nila ay ikaw daw ang pinakaswerteng babae! Ang sabi naman ng iba ay nag bayad ka raw! Natawa na lang ako roon, sarap mag comment na. Wala ngang trabaho yan!"

"Wow, thank you sa pag tatanggol, huh."

"You're welcome." Tawa nya.

Nakatulog ang gaga noong nasa bus na kami. Grabe rin kasi ang energy ang inilabas nya kanina. Panay tingin sa akin ang ibang pasahero. Minsan titingin sa akin at titingin sa screen ng cellphone nila. Oo ako yon! Ako ang swerteng babae! Salamat sa kanila dahil ang daming matang nakatingin kung saan man ako mapadpad!

Naalala ko rin ang sinabi ng lalaking yon. Gustong gusto ko pumunta sa kanya at kausapin sya ng maayos. Ngunit alam kong hindi ko pwedeng gawin iyon. Dahil hindi na trabaho ang ipupunta ko kundi ay kausapin sya sa bagay na hindi pwede at ipapahamak naming dalawa.

Kung sana lang ay kauri nila ako. Sana hindi ako nag dudusa ng ganito. Siguradong malilintikan ako kay Mama dahil imbis na trabaho ang inaatupag ko ay pang lalandi. Sabi rin sa akin noon ni Mama na hindi magandang napunta ka sa bahay ng lalaki kung alam mong may asawa o girlfriend ito.

Bumalik ako sa huwisto ng mag ring ang cellphone ko.

"Mr, Moody." Nakangiti ako habang banggit ang call name nya.

["Where are you? got home?"] Napakagat ako sa aking labi.

Kanina nya pa ako napapangiti. Mukhang nakakahibang ito.

"Kakasakay pa lang ng bus. By the way, congrats. Ang galing mo kanina."

["Ako ba talaga yung magaling?"] Natawa sya. ["But yeah. Thank you, you're cute when you blush."]

In another life.Where stories live. Discover now