004

217 24 0
                                    

Hindi ako mag kaugaga ng magising akong madilim na. Hindi ko rin inakala na mapapahaba ang tulog ko dahil maski ang pagkain ay nalimutan ko na. Sana lang ay hindi nya ako tanggalin ngayon dahil panigurado na malalate ako! Ayaw ko sa ugali nya pero gusto ko ng trabaho no.

Laking pasasalamat ko na mabilis akong tumakbo dahil naabutan ko ang pasarang bus! Mukha na akong yagit dahil sa kakatakbo ko pero keri lang, wag lang matanggalan ng trabaho.

Agad din naman akong nakapasok sa mamahaling gusali na ito dahil siguro ay nasabihan na. Deretso agad ako sa elevator na papasara buti nalang ay napindot ng nasa loob.

"Maraming salamat." Sabi ko roon sa lalaki. Hindi ko na sya nakita dahil nakatingin lang ako sa orasan ng cellphone ko.

Ngunit ng makarating ako sa unit nya ay walang nag bubukas, kanina pa ako nag do-doorbell wala pa rin. Halos ipukpukin ko na ang pindutin wala pa rin.

"Sana naman kung aalis sya mag update sya, kaloka nag madali pa ako."

Sumandal ako sa pinto dahil sa sobrang inis ng bigla bumukas. Muntik na akong matumba ngunit naka tingin lang sya sa akin na parang na we-werduhan.

"Ah hehe, akala ko walang tao." Umiwas ako ng tingin dahil masyadong nang hihigop ang kanyang mapupungay na mata! Bakit ganoon? Kahit kakagising at gulo gulo ang buhok mukha pa rin syang isasabak sa camera?

Wala syang imik na tumalikod at nag lakad papasok ulit sa kwarto nya. Ay taray ang sungit talaga.

Inignora ko nalang sya at pinuntahan ang pusa. Agad naman sumunod ang pusa sa akin ng makita ako, gutom na nga ata. Ang lambing ng pusang ito kanina nya lang ako nakilala pero ang amo na nya sana yung may ari din.

"Bakit kaya ang sungit ng Papa mo?" I said to Cat waiting to answer me but he didn't ofcourse. Pinanood ko nalang ubusin ang pag kain nya.

Nang natapos ay iniligpit ko na at pumuntang sala kung merong ililigpit, natuwa ako ng nakasunod sa akin ang pusa.

To my surprice ang kalat ng center table nya! May kasama ba syang uminom? Bakit andaming bote rito ng alak.

Nakatayo lang ako ng lumabas sya sa kwarto nya at pabagsak na umupo sa sofa, amoy na amoy ko rin ang shampoo nya dahil kakaligo nya lang, shuta amoy gwapo!

"What?" Masungit nyang tanong kaya napairap nalang ako at iniligpit ang lamesa.

"Did you eat, sir?" Nagtanong na ako dahil mukhang hindi pa sya nakain.

"Why? do you know how to cook?" Nahinto ako sa sinabi nya. Bakit pa kasi ako nag tanong?

Wala akong alam sa pag luluto, hindi sa mayaman kami. Hindi ko lang talaga kaya dahil nakakalimutan ko kung ano ang mga ilalagay, iyon ang hindi ko namana sa mama ko.

"Ah hehe... pwede po akong bumili sa labas o mag order?" Kinakabahan ako, baka isipin nito nag trabaho pa ako hindi naman ako marunong mag luto.

"Nevermind." mahina nyang sabi habang umiling ng kaunti.

Tiningnan ko sya ng parang tinutunaw! Buti nga tinanong ko pa! siya na nga inaalok sya pa may ayaw bahala sya magutom dyan!

Habang nag liligpit ay feeling ko pinapanood nya ako kahit sa tuwing titingin ako sa kanya ay nasa TV ang mga mata nya. Binilisan ko nalang tuloy dahil nailang na ako.

Nang matapos uuwi na dapat ako, pero nang utos pa nga.

"Kumuha ka ng beer." Ang bossy ha, pero duh! Anong magagawa ko boss ko naman talaga sya. Napairap na lang ako at ngumiti.

Nag hahanap ata sya ng sakit dahil hindi pa kumakain ay iinom na naman. Gusto ko sanang maawa sa kanya dahil mukhang may pinag dadaanan ang kaso wala ako sa lugar, mas nakakaawa pa rin ako dahil hindi ako kasing yaman nila at nangangatulong lang.

In another life.Where stories live. Discover now