013

180 20 3
                                    

Nang mag umpisa ang concert ay halos hindi na natahimik ang buong lugar na ito. May kanya kanyang sigaw at kanya kanyang banner. Nakakaaliw rin naman talaga ang perfromance nila dahil hindi alintana na sobrang gagaling.

Nang tingnan ko ang pwesto ni Jennie ay halos mag wala sila ng nakilala nya. Mukhang sila pa nga ang mag kasama dahil ni hindi na ako kinausap ng gaga.

"Kumalma ka nga Jennie." Agaw ko sa atensyon nya.

"Oh my god, Sandra! Pa ano ako kakalma? Halos abot kamay ko na nga sila oh! Hindi mo naman sinabe na ganyan pala ang itsura nila sa personal!"

Buti na lang ay hindi iyon narinig ng babaeng katabi nya. Kinurot ko si Jennie sa baywang at inilagay ang daliri sa bibig upang hindi na sya mag salita. Nakuha nya rin naman ang pahiwatig ko kaya tumango ito.

Noong nag simula silang mag sayaw ay halos hindi na natahimik ang lugar na ito. Naagaw ng pansin ko si Suga dahil mukhang may hinahanap sya habang nag sasayaw. At alam kong ako iyon dahil nakausap ko kanina.

Bandang huli ay nagtama ang mga mata namin dahilan ng pag ngisi nya ng malaki. Inalis nya naman din agad dahil kailangan nyang mag focus. Napangiti na lamang ako, this is real happening?

Sunod naman naagaw ng pansin ko si Jungkook na hataw na hataw. Hindi rin na pag kakaila na kakaiba sya sa stage. Ibang iba ang aura nya at sobrang profesional. Kaya halos lahat ng babae ay mapapaibig sa isang katulad nya.

Namatay ang ilaw at hudyat na natapos ang kanilang performance. Meron naman sumunod na ibang grupo. Nag sasayaw rin sila at tila magagaling din.

Naaliw ako kakanood ng maramdaman ang vibrate ng cellphone ko. Hudyat na meron nag message.

From: Unknown Number

I saw you.

Bigla na lang ako napangiti ng walang dahilan. Alam ko na agad kung sino ang nag message.

To: Unknown Number

You're cool.

Nagreply agad. Hala, hindi ba uso ang pahinga dito?

From: Unknown Number

Thank you.

To: Unknown Number

Good luck, Suga.

Pinalitan ko ang pangalan nya ng Mr Moody. Wala kang trip ko lang iyon ilagay.

"Busy sa phone, ah." Singit ni Jennie. "Sino yon, ha? Don't tell me may jowa kana?"

"Wala, tumahimik kana, manood ka nalang dyan." Pag susungit ko.

"Sungit talaga. Iiwan ka rin nyan." Irap nya kaya natawa ako.

Marami rin sumayaw na ibat-ibang grupo, si Jennie halos mag wala pa rin. Akala ko ba BTS lang sinusuportahan nya bakit pati yung iba? Hindi pala to loyal.

Mabilis lang ang nag daang oras at halos lahat iyon ay nakakaaliw. Ngayon ay malapit na matapos kaya nang aaliw na lamang sila. Ngayon ay simple na lang ang mga suot nila. White tshirt partner with hoodie.

Naagaw ng pansin ko si Namjoon dahil sa suot nya. Halos sambahin sya ng ng tao rito dahil sa hubog nyang katawan.

Nang aaliw at kumakanta sila, nag tatawanan at minsan kumakausap ng mga fans. Si Namjoon ang nangunguna sa kanila dahil nga sya ang leader. Nag sasalita sya ng kung ank ngunit hindi ko iyon mabigyan ng pansin dahil na rin sa ingay. Basta ang alam ko ay nag sasalita sya.

Nang tignan ko ang lalaking nag papatibok ng puso ko ngayon ay mukha itong masaya. Hindi rin mawala ang ngiti sa mga labi. Proud ako sa kanya. Kahit na ngayon ay tinitingala ko na lang sya ay sobrang proud ako.

In another life.Where stories live. Discover now