010

192 18 0
                                    

Sinabi ko rin agad kay Jennie about sa binigay na ticket ni Jungkook. Hindi pa nga makapaniwala dahil mukhang hindi raw sya yung tipong mag bibigay ng ganoon. Sabagay totoo naman.

Papunta na ako ngayon sa bahay ng Amo ko dahil maaga akong nagising kahit na late na akong nakatulog kagabi. Hindi rin kasi agad umuwi si Jennie dahil pinagpapantasyahan ang ticket. And also yung nakitako sa cellphone nya.

Nasa tapat na ako ng pinto ng mag dalawang isip akong pumasok. I don't know but I felt wrong. Itinuloy ko nang buksan nang tumambad sa akin ang isang pares ng heels. May ibang tao at alam ko na agad kung sino.

Hindi nya ako pwedeng makita. Hindi pa ako handa. Dahan dahan akong lumabas upang hindi nila marinig ang pag labas ko. Pigil na pigil ang mga luha ko dahil ayokong umiyak. Mukha akong tanga.

Nakasalubong ko ang isang ka-grupo ng Amo ko na si Taehyung. Pag minamalas ka nga naman oh! Bakit ba ang malas ng araw  ko ngayo. At ang isang to kung makapag lakad lakad dito ay akala mo normal na tao lang.

Yumuko nalang ako para sana hindi ko na lang sya pansinin dahil masyado akong maraming iniisip ngayon. Ngunit napahinto ako ng mabangga ako sa isang bagay.

Nang tignan ko ay malalim itong nakatingin sa akin at mukhang ang tataka. Alam ko naman na nakikilala nya ako no. Umiwas ako ng tingin at aalis na sana kaso humarang sa dadaanan ko. Yung totoo? Nang iinis ba sya.

"Mukhang maaga kang natapos sa trabaho." Sabi nito.

"Oo, pake mo." Bulong ko. "Tabi dadaan ako."

Aalis na ulit ako ng hawakan ako sa kamay ng loko at halos kaladkarin dahil malalaki ang hakbang nya. Ang tangkad nya kaya!

"Let's go."

Dinala nya ako sa parking lot.

"Saan mo ako balak dalhin?"

Hindi ba sya naiilang sa akin? Hinalikan ko sya noong gabing yon tapos ganito nya ako tratuhin? Sabagay artista nga pala sila kayang kaya nilang umarte kahit walang camera.

"Wag ka ngang madaming tanong." Hala ang sungit.

Ipinasok nga ako sa sasakyan nya. Wow! Ano to kidnap? Tinignan ko syang umikot at pumasok sa sasakyan. Binuhay nya ang makena at nag umpisa mag maneho. Itong lalaking to mukhang walang magawa sa buhay.

"Manunuod ka raw ng concert ah." Pag wasak nya sa katahimikan.

"Yeah." Hindi ko sya nililingon at tanging sa bintana lang ang tingin. "Libre ticket e."

Sinusungitan ko na nga ito para lang hindi ako mailang. Pag naalala ko ang nangyari noong gabing yon at kung paano nya ako tignan. Kinikilabutan ako, ganoon din ang tingin na binigay nya noong unang punta ko sa company.

"Doon ka rin ba nakatira? Ngayon lang kita napansin doon." Tanong ko.

"Kay Hobi ako natulog." Sabi nito. "Pauwi na sana ako kaso nakita kitang papasok sa elevator, nakasalubong pa nga kita. Hindi mo ako napansin, ganoon ka ba kawalang pake sa paligid mo?"

"Marami akong iniisip para bigyan pa ng pansin ang paligid." Sagot ko. "Bakit naroon ka pa rin?"

Dahil noong nakita ko ay parang may hinihintay sya. Bakit ko ba tinatanong, hindi naman ako interesado.

"Interesado ka na ba sa akin?" Tumingin ito sa akin saglit at mag ngisi sa labi.

"May kalyo ba yang mukhamo?" Pag tataray ko. "Don't worry wag mo nang sagutin."

"To be honest, I'll wait for you." Nilingon ko sya. "Alam kong bababa ka rin kaagad. And look hindi nga ako nagkamali because you're here."

"Pano mo nalaman?" Blangko lang ang mukha ko.

In another life.Where stories live. Discover now