025

183 19 0
                                    

SANDRA MONTECO POV

Lumabas kami ng hospital, narito ako ngayon sa bahay ni Suga. Hindi ko alam kung bakit dito ako titira. Sabi nila may nakatira na raw sa dati kong bahay. Nang dumating ako narito na ang gamit ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mangyari ito sa akin, ano bang ginawa ko sa past life bakit ganito ang parusa ko. Nawala ang anak ko, nawala ang taong pinaka mamahal ko. Hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa pamilya ko. Bakit bigla nalang umigsi ang oras ko.

Tumingin ako kay Suga ng pumasok sya sa kwarto ko. Otomatiko akong ngumiti. Sobrang swerte ko dahil hindi nya ako iniwan. Tinupad nya ang pangako nya. Siguro kung nauna lang sya masaya ako ngayon, pero hindi ko pinagsisihan na minahal ko si Jungkook.

"Are you okay?" Tanong nya nang makalapit sa pwesto ko.

"Hmm." Tanging sagot ko habang tipid na nakangiti.

Nahihirapan na rin ako sa mga bagay bagay. Lalo na sa mga memorization. Mabilis na akong makalimot.

"Gutom kana? Nag luto ako kain tayo."

"Wow, you cooked again." Medyo naninibago pa ako dahil ngayon lang na may mag sisilbi sa akin.

"Yeah, It's Filipino food. Adobo." Nakangiti nyang sabi. Agad nanlaki ang mata ko.

"Seryoso?! Pa-ano ka nakaluto non?! Alam mo lutuin?" Hindi ko naman kasi inaasahan na ipag luluto nya ako non.

"Yeah... Hello internet world." Medyo napahinto sya ng yakapin ko.

"Thank you." Saad ko. "For everything."

"Always for you. Malakas ka sa akin, e." Natatawa nyang sabi, bumitaw na rin ako. Nakita ko ang tenga nyang namumula kaya natawa ako.

"What?" Takang tanong nya.

"Wala, tara na kain na tayo."

"Kumukulit kana." Tawa nya.

Inalalayan nya akong makababa hanggang sa makakain kami. Medyo naiilang pa ako dahil tumitingin sya sa akin.

"Gusto ko makita si JK." Napahinto sya sa pag subo at tumingin sa akin saglit.

"Masasaktan ka lang." Nag aalala nyang sabi.

"I want to see him. Just see him." Ngumiti ako para makumbinsi ko. Alam ko naman na kaunti na lang ang nalalagi kong oras. Gusto ko kahit pa pano ay makita ko man lang sya.

Hindi ko rin ipagpipilitan ang sarili ko. Hindi ko rin pipigilan ang kasal. Masaya ako dahil may makakasama siya sa pag alis ko. Hindi sya malulungkot. Alam kong nasa mabuting kamay sya.

"Okay, I bring you to our work tomorrow if you really want." Ngiti nya.

Hindi ko akalain na sasamahan nya ako sa ganitong sitwasyon. Siguro nga ay gustong gusto ako ng lalaking ito. Alam ko rin na sya ang nag papadala ng pera sa magulang ko. Ayaw nya pang ipalaam sa akin. E may madaldal akong kaibigan.

Nang natapos kaming kumain ay sya ang nag ligpit ng kinainan namin. Hindi ako pinapakilos. Ginagawa akong baldado ng isang to. Kaya ko pa naman kumilos kahit na nang hihina na ako.

Pag katapos non ay inihatid na nya ako sa kwarto. Mabilis lang akong nakatulog dahil sumasakit ang ulo ko. Itinutulog ko na lang para hindi ko masyado maramdaman ang sakit. Maaga rin akong nagising kinabukasan.

Dahil maaga akong nagising ay balak ko sanang mag luto ng umagahan para sa amin. Excited din akong sumama sa kanya sa trabaho. Simula kasi ng dumating ako rito sa bahay nya ay hindi ko na nakita si Jungkook. Sa mga TV na lang. Tahimik na sumusuporta.

In another life.Where stories live. Discover now