001

825 31 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa rooftop ng apartment na tinitirahan ko naka tingala sa langit. Ang ganda ng buwan hindi ako nag sasawang pag masdan ang buwan tuwing gabi tumitingin ako dito kapag nalulungkot ako. Narito ako sa South Korea ilang buwan na rin ako rito hindi pa rin ako nakakahanap ng trabaho.

Nahihiya na nga ako sa pamilya ko sa Pinas imbis na ako ang nag bibigay sa kanila dahil ako ang nasa ibang bansa. Sila pa ang nagpapadala sa akin para lang may makain ako rito at may pang bayad ng appartment na tinitirhan ko.

Nawala ako sa pag iisip ng biglang may tumalon na pusa sa gilid ko. Nag laglagan tuloy ang mga halaman na nakapatong doon. Lintik na pusa 'to gagawan pa ako ng trabaho leche! Tumayo ako para tignan ang basag na paso na nasa sahig dahil sa kagagawan ng pusa. Nakakainis talaga bakit ba kasi maraming pusa rito, baka pag bayarin pa ako sa mga nabasag!

Sinimulan kong linisin ang nabasag na paso baka ako ang masisi kapag hindi ko pa ito inayos. Inilagay ko sa basurahan yung basag na paso at winalis ko ang lupa na nakakalat sa sahig. Bahala na kahit mag walis ng gabi, ganoon yung tradition sa Pinas bawal daw mag walis sa gabi dahil tinataboy ang swerte, hindi ko lang alam kung totoo ba.

Pagkatapos kong linisin yon bumaba na rin ako. Baka may maghabulan pang pusa roon at maubos ang halaman ako pa ang masisi, mahirap na.

Pababa na sana ako ng may makita akong litrato ng Kpop Idol sa sahig, kumikinang iyon at mukhang gawa sa isang babasagin. Mukha ring natapakan ko ito kanina pag akyat ko. Pinulot ko yon at tiningnan, ang gwa-gwapo nila. Siguro kung may mapapangasawa ako isa sa kanila ay buhay ang buong pamilya ko.

Nabitawan ko ang litrato ng biglang kumidlat ng malakas. Napatakip pa ako sa tenga at napapikit dahil sa flash ng kidlat. Maya maya ay bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan kaya tumakbo ako pababa nilingon ko pa ang litrato ngunit wala na iyon doon. Nag kibit balikan nalang ako at tuluyan ng pumasok sa bahay.

Agad akong nag linis ng katawan dahil baka mag kasakit ako, hindi ako pwede magkasakit dahil mahal ang gastusin dito.

Binuksan ko ang TV para manuod ng balita dahil bigla nalang umulan at hanggang ngayon ay sobrang lakas pa din. Mag hahanap pa ako ng trabaho bukas.

Nabalita nga ang biglaang ulan, meron pa nga raw natamaan ng kidlat. May nag sabi pa na in-interview na mayroon daw mangyayaring maganda sayo ngunit pag sisisihan mo sa huli kung nakatitig ka sa buwan at biglang kumidlat.

Nagkibit balikat nalang ako at pinatay na ang TV. Maaga pa akong makikipagsapalaran bukas.

Otomatiko akong nagising ng maaga, hindi pa umaahon ang araw ay nagising na ako. Sanay na ako sa ganito dahil sa araw araw kong gawain.

Sumilip muna ako sa bintana. "Buti na lang at tumigil na ang ulan." Sambit ko.

Lumabas ako upang mag umagahan, wala naman akong makakain kundi ay noodles. Nag tatali ako mg buhok habang kagat kagat ang chopstick.

Nang matapos ko ang lagi kong ginagawa sa umaga ay lumabas na rin ako para mag hanap ng pwedeng applyan.

"Oh, ang aga mo naman hija, may trabaho kana pala." Sabi ng kapit bahay kong matanda.

"Lagi naman po akong maaga."

Tiningnan ko ang daladala nyang poster malaki iyon kaya kitang kita ko ang mga itsura nila kung hindi ako nag kakamali sila rin ang nakita ko sa picture glass kagabi.n

"BTS." Basa ko roon.

"Kilala mo rin ba sila? Nako! adik ang anak ko rito kaya binilhan ko sya ng poster." Nangingiting saad nya.

"Mauna na po ako."

May araw na ng mapagpasyahan kong mag pahinga sa isang park. Hinilot hilot ko ang paa ko dahil sa kakalakad. Wala pa rin akong nahahanap lahat na ata ng naka post sa internet ay napuntahan ko na pero hindi pa rin ako natatanggap.

Hinihimas himas ko ang paa ko habang hawak sa isang kamay ang dyaryo, marami na rin bilong iyon dahil pinuntahan ko na. Unti na lang ang natitirang hiring yung iba ay malalayo pa.

Busy ako sa pag titig sa dyaryo ng mahagip ng mata ko ang isang bata na patawid sa kalsada. Nanlaki ang mga mata ko ng makita na may pasalubong na sasakyan.

Agad agad akong tumakbo para maabutan ang bata muntik pa nga ako madapa dahil masakit na talaga ang paa ko. Nang maabutan ko ang bata ay agad ko syang kinarga malayo kaya natumba kami sa damuhan sa gilid.

Nag takbuhan ang mga magulang ng bata habang umiiyak. Hingal na hingal akong tumayo.

"Jusko! Maraming salamat, Miss! Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa anak ko!" Sabi ng ginang.

"Wala po yon, kahit sino po ay gagawin ang ginawa ko." Nakangiti kong sagot.

Hinawakan nya ang kamay ko kaya napahinto ako.

"Paano ba kita mapapasalamatan, ha? Tell me, anything."

Tumingin sya sa hawak kong dyaryo hindi ko pala iyon nabitawan kahit na tumakbo ako. Nakita nya siguro ang mga nakabilog doon.

"Are you looking for a job?"

"Opo." Nahihiya kong sagot.

Binitawan nya ang kamay ko at may kinalkal sa bag nya. Naglabas sya ng isang calling card at inabot sa akin.

"Para saan po ito?"

"Call it. Nag hahanap sila ngayon ng Yaya, kung okay lang sayo?" Nag aalangang sagot nya. "Don't worry hindi naman ganoon kahirap ang trabaho roon. Doon ako nag tratrabaho sa company na yan."

"Yaya rin po kayo?"

"No, make up artist ako." Tumango tango ako. "Wag ka mag alala, ako ang bahala sayo. Pero hindi kita masasamahan dahil rest day ko ngayon, may tatawagan ako para may mag assist sayo."

Namilog ang mata ko. Hulog na ba ito ng langit? Totoo nga ang sabi na kapag mayroon kang ginawang mabuti ay may balik sayo.

"Maraming salamat po!"

"Ako dapat ang nag papasalamat sayo. You save my son." Kita ko ang sinsiridad samga mata nya. "Thank you so much."

----------
Please vote and comment!!

In another life.Where stories live. Discover now