009

182 20 0
                                    

The days past simula noong nag party sa bahay ng Amo ko. Hindi na kami gaano nag papansin although hindi naman talaga kami nag papansinan noon pa. Papansinin lang ako kung mayroon iuutos. Halatang magaling na artista dahil parang walang nangyaring pag aamin.

Simula rin noon ay hindi na ako uminom. Sinumpa ko na talaga ang alak. Walang magandang naidudulot sa buhay. Minsan ay iinom ka para makalimot ang kaso naalala mo naman lahat.

Narito ako ngayon sa may park malapit sa bahay ko, mamaya pa ako babalik sa bahay ni JK para pakainin ang maswerteng pusa nya.

Nagkakaroon rin sila ng Concert kaya naging busy sila. Hindi sa akin sinabi iyon ng Amo ko. Sa balita at internet ko lang nalaman at sa madaldal kong kaibigan na fan na fan ng grupo nila.

Habang nag iisip ako nang kung ano-ano. May tumabi sa aking babae inabutan nya ako ng ice cream.

"Mukha ka kasing kawawa miss kaya binilhan kita ng Ice Cream."

"Tigilan mo ako, Jennie."

Pag susungit ko, kinuha ko iyon at kinain. Summer ngayon kaya masarap kumain ng Ice Cream.

"Sungit, kaya walang boyfriend e!" Umupo sya sa tabi ko. "Gusto mo bigyan kita? Meron ako kakilala, single!"

"Ayoko, wala akong hilig." Tanggi ko.

"Walang hilig o ano?" Pang aasar ng babaeng to.

"Ano, huh? Sige ano?"

"Joke lang!" Tumatawa nyang sabi. Hinampas pa nga ako sa braso. "So, balita sa asawa ko?"

Asawa ko means is si Jungkook. Ang sabi sa rules noong pumasok ako roon ay bawal ko sabihin kahit kanino kung kanino ako nag tratrabaho. Ngunit sinabi ko iyon sa kaibigan ko simula noong sa party. Wala akong makwentuhan, noong araw na iyon ay gusto kong ilabas lahat.

Ang kaso nangulit na sya at gusto araw araw na amg kwento ako. Minsan ay nakukulitan na rin ako, pero alam kong nang aasar lang iyon.

"Nothing new."

"Anong nothing new? Mag coconcert sila this coming Sunday, hoy! Galawin ang baso at humingi ng tickets!"

"Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Jokes lang. Nakakahiya iyon no, huwag na huwag mong gagawin hayaan mong bigyan ka!" Mukhang nang tritrip na naman ang isang to.

"Mayaman ka naman, kaya mong bumili non." Sumubo ako ng ice cream na libre nya "Mga normal na tao lang rin naman sila, pero baliw na baliw kayo."

"E bat ka nainlove, huh?" Tinusok pa ang tagiliran ko kaya sinamaan ko ng tingin. "Saka hindi na ako mayaman, wala na akong pera."

"Tao rin naman ako, ah." Sagot ko. "Normal lang yon."

"You know what If I am in your situation, hindi ko alam ang gagawin ko. Feeling ko hindi ko kaya yang ginagawa mo." Seryoso nyang saad.

"Tara, may pasok ka pa diba?" Tumayo ako at itinapon ang cup ng Ice Cream. Nakatingin lang ito sa akin at umiling.

"By the way, may alis tayo bukas." Tinaasan ko sya ng kilay. "Birthday ng friend ko, isasama kita."

"What kind? Dahil ayoko ng uminom."

"Sa Bar ang venue nya, pero kung ayaw mong uminom huwag kang uminom. Samahan mo na lang ako!"

"So, isasama mo ako para alagaan at bantayan ka, huh?"

"No, hindi naman ako kagaya ng isa dyan pag nalalasing, no?"

"Gusto mong pumunta mag isa roon?" Nakangiti kong sabi.

In another life.Where stories live. Discover now