016

184 20 0
                                    

Hindi ko alam kung gaano ako katagal natulog ngunit feeling ko ay nakukulangan pa rin ako. Kanina pa raw ako ginigising ni Jennie dahil malalate na kami sa trabaho.

"Kung masama lang akong tao kanina oa kita iniwan dahil late na. Maski tuloy ako mag kakaroon ng deduction." Reklamo nito.

"Ayaw mo yon friendship goals!" Hinalikan ko sya sa pisngi kaya todo reklamo.

"Iw! hindi kapa nga nag sisipilyo, e! Bilisan mo at kumilos kana!"

Hindi tuloy ako tinigilan ng gaga hanggang sa trabaho dah firsy time raw nya malate at nadeduc pa ang sahod namin. Hindi ko alam kung bakit lagi napapasarap ang tulog ko. Hanggang ngayon ay parang antok na antok ako.

Matumal ngayon at walang gaanong customer kaya nakakapag pahinga pa ako. Habang tumatagal ay bumibigat ang pakiramdam ko. Mukhang mag kakasakit ako.

May pumasok na grupo ng mga babae, mga estudyante sila dahil mga naka uniform pa. Pumila sila at nag order, sa sobrang ingay nila naririnig ko usapan nila.

"I'm crying!! ngayon pangalang nila inilabas ang nakakagulat nilang relasyon sa media tapos magpapakasal na sila agad! Hindi pa ako ready na mag kapamilya si Jungkook!" Sabi noong babae na may kulay ang buhok.

"Nako te! buti pa yung akin wala pang inilalabas. Alam kong wala pang girlfriend si Suga!" Salita naman ng babaeng puputok na yung nguso sa sobrang pula.

"Ay girl, matik meron na rin yan hindi lang nailalabas sa media. Mga tao pa rin sila 'no!" Sabat ng babaeng unang nag salita.

"Para kayong mga sira, maging masaya nalang kayo sa mga idol nyo. May sarili rin naman silang buhay." sabi naman noong babaeng hanggang balikat lang ang buhok.

Kahit ano palang gawin kong iwas ay hindi ko magagawa. Nakalimutan ko ata na isang Jeon Jungkook iyon at hindi kung sino lang. Kung saan ako tumingin ako makikita ko ang itsura nya at napag uusapan sila.

"Ang ingay nila. Gusto mo palabasin ko? Sagadin na natin deduction natin."Sabi nito. "Ayos ka lang ba? Ang putla mo."

"Sumasama ang pakiramdam ko."

Masama na nga ang pakiramdam ko ay naririnig ko pang mag usap ang mga kabataan. Hindi ko ata kakayanin pang marinig sila at kung ano ano ang sabihin.

"You want to rest?" Pag aalala nya.

"I'm okay, Jennie. Tapusin muna natin ang trabaho natin."

Ayaw nya pa sana pumayag at gusto na akong hilain papasok sa staff room para makapag pahinga kaso tumanggi ako. Pwede naman ako mag pahinga sa bahay.

"Magsabi ka pag may masakit o hindi muna kaya, ha? Mamaya mag collaps ka pa riyan lagot ka!"

Nginitian ko lang sya dahil hindi na tuloy mawala sa isip ko si Jungkook. Makakalimutan ko pa ba sya? Kaya ko ba? Mukhang dito lang ako nararapat sa malayo. Una pa lang naman ay dito ako kaya dapat hindi na ako nag hangad ng mas malayo.

Nang matapos ang duty ko ay hindi ko na naisipang kumain. Masama talaga ang pakiramdam ko at feeling ko ano mang oras ay babagsak na ang katawan ko. Tinulog ko na lang baka sakaling nagkulang lang ako sa tulog.

Nagising ako na parang may nakabara sa lalamunan ko kaya agad akong tumakbo ng CR para ilabas. Ilang araw ko na rin napapansin na nag susuka ako tuwing umaga.

Bumalik ulit ako sa higaan. Doon ko lang narealize na may trabaho pala akong dapat pasukan! Bakit hindi naman ako ginising ni Jennie! Tanghali na at sa tingin ko hindi na ako makakapasok! Although hindi ko rin naman kaya.

Nagtext si Jennie kaya binuksan ko. Matagal ko pang tinitigan ang mga message ni Suga na hindi ko nirereplyan. Naiilang na ako sa kanya dahil feeling ko ay nag aassume ako na may gusto sya sa akin. Ayoko naman mangyari yon kaya iniiwasan ko nalang.

In another life.Where stories live. Discover now