2021 | Author Notes

27.9K 1.4K 307
                                    

| 2021 |

Last year, dumating 'yong buwan na ako naman ang nangailangan ng TULONG. Ako naman 'yong humingi ng PABOR sa aking mambabasa rito sa Wattpad.

Pero hindi ganoon karami 'yong nag-response. During that event. Makikita mo talaga kung sino lang 'yong talagang tutulong sa iyo kapag ikaw naman ang nangailangan. Ganoon din naman sa REALITY, kahit naraming nakinabang sa iyo, kapag ikaw na ang nangailangan, saka mo lang makikita kung sino ang mga nariyan para sa iyo. At kahit kakaunti sila, gusto ko lang iparating na sobrang THANKFUL ako sa inyo. Mas napalapit din tayo. Salamat sa mga taong hindi nagdalawang isip na tulungan ako. Kilala niyo na kung sino-sino kayo na hindi nang-iwan hanggang sa huling araw ng 2020. Thank you for fighting with me until the very end. It means a lot. Kung makita niyo man na mag-UPDATE uli ako rito sa WATTPAD. Iyon ay para sa inyo na mga sumusuporta sa akin. Ang libreng kuwento ko rito ay alay ko sa inyo.

Nais ko ring iparating sa mga hindi nakakaalam at bagong mambabasa ko na sinasabi na WALA AKO KUNG WALA ANG WATTPAD.

Very wrong.

Hindi niyo ba alam na dumating sa punto na nawala na ang First Wattpad account ko na may 41K Followers? Meaning, para na rin akong nawala. Bigla na lang nadisable. Salamat at noong panahon na iyon ay nariyan ang DREAME. Naroon ang mga akda ko na hindi ko na ibinalik dito sa 2nd account ko sa Wattpad. Yes, 2nd ACCOUNT na lang ito. Pakiramdam ko noon wala ng dahilan para bumalik pa rito sa Wattpad. But then again, kahit KAKAUNTI ang FOLLOWERS ko noon, bumalik pa rin ako. Kako, bahala na si BATMAN kung basahin o hindi. Masipag naman akong mag-promote so kahit paano ay may mga mambabasa na muling tumangkilik. YES, I DO PROMOTE at hindi ako umasa lang na ipost ang story then maghintay ng HIMALA para may magbasa.

Nag-i-EFFORT ako. Effort sa pagsusulat ng LIBRE dito sa Wattpad. At effort sa pagpo-promote. Hindi ako umaasa sa ibang tao para makilala. PINAGHIRAPANG AKDA ko lang ay sapat na.

At salamat sa mga taong totoong magbigay ng suporta sa mga akda ko. Lalo na sa Dreame, sa mga naka-VIP ko na story. Hindi niyo talaga pinalampas. Kahit na sabihin mo pa na FREE COINS ang gamit mo mabasa lang ang mga naka lock na story ay super laking effort na. Saka sa mga bumibili talaga ng COINS, SALAMAT po. Marami pa tayong kuwento na pagsasamahan sa Dreame.

At wag mag-alala 'yong iba dahil kahit maraming dahilan na IWAN ang Wattpad, katulad ng payo sa akin ng iba na mag-FOCUS na lang ako sa DREAME, NARITO pa rin ako. Still, giving stories for FREE.

At sa mga sasamahan ako sa panibagong taon na ito, MASAYA AKO NA MAKASAMA KAYONG MULI.
SALAMAT sa patuloy ninyong pagsuporta.

At sa lahat ng CHEONQUILS ko, MAHAL ko kayong lahat. Panibagong journey na naman ang pagsasamahan natin ngayong buong taon.

Keep safe and stay healthy.

J O N Q U I L

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon