Chapter 11

44.9K 2.2K 814
                                    

HAPPY 200k READS, THE BILLIONAIRE'S SECRET | BOOK 2!

This update is to celebrate the success of this book. Thank you so much.

______________________________

NANG makabawi si Zafrina sa sinabi ni Sovereign ay unti-unti siyang nagbawi ng tingin. Stock pa rin ito sa alaala niya? Ano'ng ibig nitong sabihin? Bigla ay dumami na naman ang tanong sa isip niya.

Huminga siya ng malalim pagkuwan ay lumunok. "Siguro, ngayong alam mo 'yong nangyari sa side ko, kahit paano nalinawan ka na. Hindi katulad ng inaakala mo ang biglaang pag-alis ko noon sa lugar na ito." Lakas-loob na muli niyang tiningnan si Sovereign. "Kaya hindi ka makaalis sa past dahil walang closure na nagyari. Ngayon, naibigay ko na 'yong closure na kailangan mo... mawala na rin sana 'yong galit na matagal namahay diyan sa dibdib mo at makapag-move forward ka na mula sa mga nangyari noon."

Isang titig pa rito bago siya nagbawi ng tingin. Ipinasya na niyang tumayo at maglakad pabalik sa loob ng bahay.

"Saan ka pupunta?" ani Sovereign na nagpahinto kay Zafrina mula sa paglalakad.

Napalingon lang uli si Zafrina nang makarinig ng tunog na animo nahulog sa tubig. Napaawang ang labi niya nang makita si Sovereign na nahulog nga sa swimming pool. Nawalan siguro ito ng balanse nang subukang tumayo.

Walang pagdadalawang-isip na muli siyang naglakad palapit sa kinaroroonan nito. Saktong lapit niya ay siyang ultaw din ng ulo nito mula sa tubig. Hanggang dibdib nito ang taas ng tubig sa pool.

"Okay ka lang?" hindi niya napigilang itanong dito.

Tumango ito. Pagkuwan ay itinaas ang dalawang kamay. "Tulungan mo akong umahon," pakiusap pa nito.

Bahagyang nag-squat si Zafrina. Walang pag-aalinlangan na inilahad din niya ang dalawang kamay para abutin ang kamay ni Sovereign. Ngunit ganoon na lang ang pagsinghap niya nang hilahin din siya nito papunta sa tubig.

"Sovereign!"

Ngunit nilamon din ng tubig ang protesta niya. Sunod niyang naramdaman ay ang pagpulupot ng mga bisig ni Sovereign sa kanyang baywang nang iahon siya nito mula sa ilalim ng tubig. Nahabol pa ni Zafrina ang paghinga nang makaultaw ang ulo niya mula sa tubig. Mabilis niyang pinalis ng kamay ang tubig sa kanyang mukha. Inis niyang tinapunan ng tingin si Sovereign.

"Pati ako binasa mo pa," aniya na sinabuyan ito ng tubig sa mukha. Alam niyang sinadya nito ang paghila sa kanya. Dumistansiya si Zafrina mula kay Sovereign. Pumunta siya sa gilid ng pool. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig. Pambihira talaga.

Muli siyang humarap sa kinaroroonan ni Sovereign, ngunit ganoon na lang ang gulat niya nang makita itong nasa likuran niya. Napalunok pa siya nang humawak ang dalawa nitong kamay, sa may gilid ng pool, sa kanyang pagitan. Corner siya nito ngayon. Hindi niya magawang tingalain ang binata na napakalapit lang sa kanya nang mga sandaling iyon.

Ano ba ang ginagawa nito? Bakit kailangan pa siya nitong corner-in doon? Pati tuloy paghinga niya ay halos mapigil niya. Napasulyap siya sa may adam apple nito nang mahagip ng tingin niya ang paggalaw niyon.

"Binibigyan mo ako ng closure," anito na nagbaba ng tingin sa kanya. "Sa tingin mo, 'yon ba talaga 'yong kailangan ko?"

Bahagyang umawang ang labi niya ngunit wala naman doong lumabas na salita. Lumunok siya at pilit kinalma ang nagririgudon na puso dahil sa sobrang lapit nila ni Sovereign sa isa't isa.

"H-hindi ka makaalis sa past dahil wala tayong closure," napalunok na naman siya at bahagyang napapikit nang magyuko siya ng ulo..

"Damn that closure," anas nito na muling nagpamulat sa mga mata ni Zafrina. "Hindi closure 'yong kailangan ko ngayon."

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon