ABALA sa pagluluto ng almusal si Zafrina nang matigilan siya at sandaling manigas sa kinatatayuan. Bumaba ang tingin niya sa mga braso na nakapulupot ngayon sa may tiyan niya. Niyakap siya ni Sovereign mula sa kanyang likuran. Mukhang kagigising lang din nito. Napalunok siya. Ramdam niya ang init na nagmumula rito. And it feels so good.
"G-Good morning. Nakialam na ako rito sa kusina mo," bigla ay animo alanganin niyang wika.
"Nagising ako na wala ka sa tabi ko," sa halip ay wika nito. "Pakiramdam ko iniwan mo na naman ako." Hindi kaila kay Zafrina ang nabosesang takot sa boses nito.
Pinatay muna niya ang gas range para hindi masunog ang niluluto niya at pumihit paharap kay Sovereign. "Sovereign, hindi naman ako makakaalis, eh. At saka, wala akong pamasahe," nangingiti pa niyang wika para lang mapagaan ang atmosphere. Hinaplos niya ang pisngi nito na bahagya nitong ikinapikit.
"Mukhang nagka-trauma ako sa pag-alis mo dati," anito na muli siyang niyakap. Mas mahigpit.
Isinandig ni Zafrina ang mukha sa dibdib nito at dinama ang init na nagmumula rito. "Hindi na ako babangon agad kapag hindi ka pa gising," pangako niya rito. "Para hindi ka nangangamba na baka nilayasan na naman kita."
"Much better," sang ayon ni Sovereign na bahagya siyang inilayo. Pero bago ito tuluyang kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya ay yumuko pa ito para gawaran siya ng halik sa labi. Smack lang iyon. "Napakasaya ko ngayon," anito nang ilayo ang mukha kay Zafrina. "Narito ka sa harapan ko. Okay na tayo. I can hug and kiss you if I want. You're mine again."
You're mine again... parang iyon lang ang nag-sink in sa isipan ni Zafrina. What a wonderful word.
"Hindi ko in-expect 'yong ganito pagbalik ko sa lugar na ito," aniya rito. "Ang alam ko lang, pagkatapos ng halos isang linggo namin sa lugar na ito, babalik na kami sa Sagada na ni hindi ka man lang nakita kahit sa malayo. It breaks my heart, knowing, I can't see you again."
"Gusto mo akong makita?"
Tumango siya. "Gustong-gusto. Pero sobra-sobra pa pala 'yong nakatakdang mangyari. Unexpected. Na-stress ako noong malaman ko na dito ang destination namin nina Zab. Tapos, noong magkita tayo, galit ka pa. Then, hindi ko alam kung nasaan ang anak ko noong gabi na 'yon. Nagpatong-patong na. Kaya ang ending? Nag-nervous breakdown na ako. Anyways, thank you. Ikaw 'yong naroon nang mag-breakdown ako."
Mula sa pagkakahawak sa may baywang niya ay umangat ang mga kamay nito sa mukha niya. "I follow you that night," nangingiti pa nitong amin.
"Bakit?"
"Naiwan mo kasi 'yong towel mo sa elevator."
Hinawakan niya ang mga kamay nito at ibinaba. "Dahil lang pala sa towel," aniya na sumeryoso ang magandang mukha. Akala naman niya ay may iba pang dahilan.
Napangiti naman lalo si Sovereign. "May pride din naman ako that time," nangingiti pa rin nitong wika sa kanya. "'Yong towel lang talaga 'yong dahilan kaya kita sinundan."
"Grabe 'yong concern mo sa towel ng hotel ng kaibigan mo," aniya na tinalikuran na ito at muling hinarap ang niluluto. Binuhay na uli niya ang apoy sa may gas range.
Muli naman siyang niyakap ni Sovereign mula sa kanyang likuran. "Just kidding," bawi rin nito. "Bukod sa towel, ginawa ko lang excuse 'yon para malapitan ka uli. Hindi ko in-expect na mag-breakdown ka that time. I'm sorry kung na-stress ka lalo dahil sa akin."
Pinigilan ni Zafrina ang mapangiti. "Past na 'yon," sa halip ay wika niya.
"Past is past," he even muttered.
"Kaya mag-move on ka na."
"Kapag iniisip ko na hindi ko man lang nakasamang lumaki si Rain, I can't move on," pag-amin nito. "Naghahanap siya ng father figure, hindi ko man lang nabigay sa kanya. Ang daming nasayang na panahon dahil sa mga taong sarili lang 'yong iniisip."
"Hindi pa naman huli ang lahat para bumawi ka sa kanya."
"I know. Ang dami kong na-miss na happenings sa mag-ina ko." Hinaplos nito ang tiyan niya. "Hindi ko man lang nakitang lumaki ito."
Napatawa siya. Magsasalita sana si Zafrina nang muling magsalita si Sovereign.
"Palakihin uli natin," mapang-akit pa nitong bulong sa may tainga niya.
"Sovereign Millares—"
"Bakit? Malaki na si Rain, puwede ng sundan."
Nawawala tuloy sa niluluto ang konsentrasyon ni Zafrina dahil sa mga pinagsasabi ni Sovereign. Hayon na naman ang erotikong pakiramdam niya. Napakurap-kurap si Zafrina nang patayin naman ni Sovereign ang apoy sa gas range. Nang muli niyang harapin si Sovereign ay sinalubong siya nito ng halik sa labi. He kissed her passionately. Matagal. Kapwa habol pa nila ang paghinga nang pakawalan nito ang labi niya.
"Let's get married."
Napamulat si Zafrina sa sinabing iyon ni Sovereign. Let's get married... bakit ba hindi siya naihanda man lang na ganito ang babalikan niya sa Pagbilao City? Pinapasaya nito masyado ang puso niya. Well, they deserve that happiness after all.
"Wala pang two days halos na nagkita tayo, Sovereign. Baka masyado ka lang nasabik. 'Wag mo muna akong alukin ng ganyan. Baka magbago pa ang isip mo."
Pinisil nito ang tungki ng kanyang ilong. "Hindi magbabago ang isip ko. Lalo pa ngayon," seryoso nitong sabi na hindi inaalis ang tingin sa mga mata ni Zafrina.
Those stares, lalong nanlalambot ang pakiramdanm niya. Kung makatitig kasi si Sovereign ay animo tagos sa kaluluwa niya.
"Matagal na dapat na ikinasal ako sa iyo at masaya tayong nagsasama sa bahay na ito. Pero may nangyari pa rin na hindi maganda sa past kaya naudlot lahat. Pero ngayon, may chance na uli tayong magpatuloy at ituloy ang mga naudlot na plano noon. At ayaw kong sayangin 'yong chance na ito ngayon. So what, kung wala pang two days nang magkita uli tayo? Hindi pa rin mababago ng maikling araw na 'yon ang desisyon ko ngayon. I still want to marry you."
Mukhang hindi nga ito mapipigilan. "Pag-iisipan ko. May pride din naman ako," gaya niya sa sinabi nito kanina bago ito nginitian ng matamis. "Sa ngayon, hayaan mo na muna akong makapagluto ng almusal natin."
"Tss. Kahit 'wag mo ng pag-isipan. Hindi ko naman kailangan ang pagpayag mo. I'll marry you, like it or not," giit pa rin nito.
Hindi pa rin ito nagbabago. Ipipilit at ipipilit ang gusto sa kanya.
"And speaking of almusal," anito na may mapaglarong ngiti sa sulok ng mga labi nang hapitin siyang lalo sa may baywang niya palapit sa katawan nito. "Ikaw muna ang aalmusalin ko."
Natatawang itinulak niya ito sa dibdib nito pero hindi ito natinag. "Sovereign Millares, umagang-umaga ka."
"Isa lang," anito na nangingiti pa nang siilin siyang muli ng halik sa labi para hindi na siya makapagprotesta pa.
______________________________
AUTHOR'S NOTE:
Thank you for reading. Sa lahat ng nagpapasalamat, YOU'RE WELCOME.
'Wag kalimutang mag-COMMENT regarding sa UPDATE na ito. I'll read it all as always. AGAIN, LEAVE A COMMENT.
FOLLOW | SHARE | LIKE | COMMENT