Chapter 24

39.4K 1.6K 493
                                    

I love you...

Ang mga katagang iyon ang hindi maalis sa isip ni Zafrina habang papalabas siya sa banyo. Para na naman siyang timang na napangiti dahil sa sinabing iyon ni Sovereign kanina. Ni hindi ito nag-demand ng katugon mula sa kaniya. O baka naman lihim lang din itong naghihintay ng tugon mula sa kaniya?

Humayon agad ang tingin niya sa may kama kung saan nakahiga si Sovereign. May dala siyang lotion na siyang ipanghihilot niya sa likod nito katulad nang pangako niya rito. Wala siyang mahanap na langis na puwedeng gamitin na panghilot kaya lotion na lang ang gagamitin niya.

Naupo siya sa gilid ng kama. Nang maramdaman ni Sovereign ang paglundo ng kama ay nagmulat ito nang mga mata. Ipinakita niya rito ang hawak na lotion.

"Hilutin ko likod mo," nakangiti niyang wika rito.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Sovereign. "Sigurado ka talaga?"

Mukha ba siyang hindi sigurado? Tumango siya. "Mukha ba akong nagbibiro?"

Umiling ito. "Kino-confirm ko lang. Alin ang uunahin mong hilutin? Baka puwedeng ito munang harap?"

Tumaas ang isa niyang kilay. "Likod ang masakit sa iyo at hindi 'yang harapan mo. Kaya tumalikod ka na bago pa magbago ang isip ko."

"Pero masakit din itong harapan ko," anito na sinadya pang ngumiwit.

Pinisil niya ang pisngi nito na ikinangiwit nitong tunay. "Dumapa ka na, Sovereign." Muli ay utos niya rito nang bitiwan ang pobre nitong pisngi.

"Pahilot din nitong harapan ko mamaya," hirit pa nito na hinihimas ang pisngi na pinisil niya.

Inilapat niya ang isa niyang kamay sa dibdib ni Sovereign. Teasing him. Pababa sa may tiyan nito at pababa pa sa puson nito. Malapit na ang kamay niya sa pagkalalaki nito nang mabilis hawakan ni Sovereign ang kamay niya at ilayo sa alaga nito. Halos pigil na nito ang paghinga dahil sa pinaggagagawa niya rito.

"Hon, 'wag diyan. Baka magising lalo."

"Alam ko naman na ito ang masakit sa harapan mo," sabi pa niya bago ito tinapik sa tiyan. "Dapa na."

"Opo," ani Sovereign na hinubad muna ang suot na damit bago umayos na sa pagkakadapa sa ibabaw ng malambot na kama.

Umisod siya ng upo palapit dito. Nasa may gilid lang siya nito, nakaluhod. Nang idiin niya ang kaniyang mga kamay sa likuran nito ay humirit pa ito.

"Umupo ka diyan sa may likuran ko para hindi ka mahirapan sa paghihilot."

Napasulyap siya sa likod nito pababa sa may pang-upo nito. Sasaklang siya paupo roon?

"Okay na ako rito," tanggi niya bago itinuloy ang ginagawa.

"I swear, mahihirapan ka diyan. Try mo munang maupo diyan sa likuran ko."

Huminga muna siya nang malalim bago ginawa ang hinihirit ni Sovereign. Manipis lang ang suot niyang pantulog kaya sigurado siya na damang-dama nito ang pagkababae niya nang sumaklang siya paupo sa may balakang nito. Napalunok siya. Bakit siya ang naiilang sa puwesto nila?

Mukha namang balewala lang iyon kay Sovereign kaya muli niyang itinuloy ang ginagawa. Mas pinagbutihan pa niya ang pagdiin ng kaniyang kamay sa may likuran nito.

"May gusto ka bang puntahan bukas? Just tell me," ani Sovereign kapag kuwan.

Bukas? Iyon ang huling araw bago ang nakatakda nilang pagkikita ng kanilang anak. Makakasama na nila ni Rain.

"Wala."

"Are you sure?"

"Hmmm."

"Date muna tayo bukas," mayamaya ay wika ni Sovereign.

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon