Chapter 22

35.7K 1.3K 289
                                    

PINAHID ni Zafrina, gamit ang kamay, ang kaniyang noo nang maramdaman ang pamumuo roon ng pawis. Nagtatanggal siya ng mga ligaw na damo sa mga halaman sa may hardin sa paligid ng bahay nang umagang iyon.

Napakurap-kurap siya nang bigla ay maramdaman ang pagdampi ng tuyong bimpo sa kaniyang noo. Nalingunan pa niya si Sovereign na mabilis siyang ginawaran ng halik sa labi. Sandali na namang tila tumigil sa pag-inog ang kaniyang mundo dahil sa ginawa nito. Nangingiting itinuloy ni Sovereign ang ginagawang pagpapahid ng pawis sa noo niya at sa may leeg niya.

"You're welcome," sabi pa nito nang matapos siyang punasan ng bimpo. Inabutan pa siya nito ng malamig na tubig.

Tinanggap niya iyon nang makabawi at ininom. "Thank you."

"Kiss would be fine than your 'thank you'," tumaas-baba pa ang kilay nito.

Muli niya itong tinalikuran nang maiabot niya rito ang baso na ininuman niya. "Sovereign, nasa harapan tayo ng bahay mo," paalala pa niya rito.

"Bahay natin," pagtatama pa ni Soveriegn. "Haaay, kailan ka kaya masasanay na bahay natin ito? At lahat ng narito ay pag-aari mo rin."

Pagkatapos niyang matanggal ang mga damo sa parteng iyon ay pinagpagan niya ang kamay na nasayaran ng lupa. Wala siyang gamit na gloves. Tanging kamay lang niya mismo. Hantad na hantad sa dumi. Wala naman iyong kaso sa kaniya.

Muli siyang humarap kay Sovereign. "As far as I can remember, ni sinkong duling ay wala akong ambag sa pamamahay mo na ito."

"Kailangan ba na may ambag ka para masabi mo na sa iyo rin ito? Kung ano'ng sa akin, sa iyo rin 'yon. At wala ng pero-pero. Hmmm?" anito na pinisil pa ang tungki ng kaniyang ilong.

"Sa mag-asawa lang 'yong ganoon. Kung ano 'yong sa asawang lalaki, ganoon din sa asawang babae."

Umawang ang labi ni Sovereign sa sinabi niya. "Zafrina, ikaw lang 'yong hinihintay ko na pumayag na magpakasal sa akin. Hindi ako kailangang tanungin. Kung gusto mo, magpirmahan na tayo ngayon ng marriage certificate para maging official na tayo. Just say so," gumuhit pa ang ngiti sa sulok ng labi nito. Hinahamon siya.

Napakadaling gawin kung tutuusin. He's a billionaire after all. Sa isang pitik lang nito ay kaya nitong maging legal ang pagiging mag-asawa nila kung gugustuhin lang niya.

Umiling siya. "May pupuntahan ka ba at nagmamadali ka masyado?" sa halip ay tanong niya.

"Hindi mo ba alam? Papunta na tayo sa pagtanda kaya nagmamadali na ako. Hindi na rin ako bumabata pa. As you can see, thirty-two na ako ngayon. Kaya nga naghahabol na ako ng kasunod ni Rain."

Saka lang siya napangiti sa banat nitong iyon. "Soon, forty ka na," kantiyaw pa niya rito.

"Life begins at forty, ika nga."

"Kailan ka kaya mauubusan ng mga banat?" naiiling niyang tanong bago inayos ang trash bin na pinaglagyan niya ng mga damo.

Mabilis naman iyong kinuha ni Sovereign. Ito na raw ang bahala roon.

"Ano'ng gusto mong meryenda? Siguradong nagutom ka."

"Magpapahinga lang ako sa may lanai," aniya.

"Are you sure?"

Tumango siya. Sinamahan din niya si Sovereign nang itapon nito sa basurahan ng nabubulok ang mga damong binunot niya.

Noong una ay sinaway pa siya nito sa ginawa niyang pagbubunot ng mga damo. Magpapapunta na lang daw ito roon ng hardinero para gawin iyon. Bagay na mariin niyang tinanggihan kasi kaya naman niya at isa pa ay wala naman siyang ginagawa nang umagang iyon. Nakaka-distract din kapag nakikita niya ang mga ligaw na damo.

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon