Chapter 07

45.2K 2K 733
                                    

Author's Note:

MAHALAGANG PAALALA: 'Wag na po kayong mag-aksaya ng oras na mag-COMMENT dito sa kuwento na ito kung ang iko-comment mo lang po ay NEXT, BITIN, UPDATE. Nagmu-mute po ako ng mga pasaway na READER. Lalo na sa wagas maka-demand ng update. OnGoing ito kaya natural na hindi agad-agad nagbibigay ng UPDATE ang Author. May GOAL din kami every update kaya 'wag pong magmadali.

Ilaan po natin ang comment box para sa mga mambabasa na kayang magbigay ng saloobin na connected sa nabasa nila at siyang pinaka-HILING ko lang sa mga TBS Reader. Kung hindi mo po 'yon kayang ibigay, walang pilitan. Dito ko na nilagay itong Author's Note kasi hindi naman binabasa ng iba.

Next update: TBS 1 | 800K Reads

_________________________________


NANG makabawi si Zafrina mula sa titigang iyon nila ni Sovereign ay nagbawi siya ng tingin. Hindi niya matagalan ang titig nito na animo tinutunaw siya. Maging ang mga tuhod niya ay nanlambot bigla. Nakilala ba siya nito? Ngunit hindi maikakaila ang rekognisyon na rumihistro sa guwapo nitong mukha nang makita siya kaya natitiyak niya na nakilala siya nito. Kahit na mahaba na ang buhok niya ngayon. Bigla ay parang gusto niyang itago ang sarili sa mahaba niyang buhok.

Umisod siya sa bandang kanan niya para bigyang daan si Sovereign sa pagpasok nito sa elevator.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa dalang tuwalya. Pakiramdam niya ay biglang sumikip ang buong paligid nang maglakad si Sovereign papasok sa loob elevator.

Nang magyuko siya ng mukha ay hinayaan niyang tumabing sa gilid ng mukha niya ang buhok niya. Pakiramdam niya ay iyon lang ang tanging paraan para maitago ang sarili rito.

Pero hindi niya napigilan ang sarili na tingnan ang kamay nito nang pindutin nito ang ika-forty-eight floor. Sunod niyon ay sumara na ang elevator.

Malungkot siyang napangiti. Iyong pakiramdam na para na lang silang estranghero at estranghera sa isa't isa... it hurts her so much. Kinagat niya ang ibabang-labi nang tuluyan nang mamuo ang luha sa mga mata niya.

Bakit kailangan pa niyang makita si Sovereign? Bakit ngayon pa? At bakit naroon ito ngayon?

Nasa ika-tatlong palapag na sila nang biglang tumigil ang elevator at mamatay bigla ang ilaw. Sa isang iglap ay nilamon ng kadiliman ang buong paligid.

No...

Kasabay ng pagpikit niya ay ang pagtulo rin ng luha niya. Nakagat niya ang ibabang-labi at sinikap na magpakatatag sa kinatatayuan.

Na-trap ba sila roon? Gusto niyang magtanong kung nagkasira ba sa elevator dahil bigla ay huminto iyon at nawalan ng ilaw, pero walang boses na gustong kumuwala sa kanyang bibig. Pero kung nasiraan nga ang kinasasakyan nilang elevator, bakit napakaganda naman yata ng timing? Ngayon pa talaga? Baka naman nagkataon lang talaga.

Huminga siya ng malalim at nagmulat ng mga mata. Ipinaling niya ang mukha sa alam niyang kinatatayuan ni Sovereign. Ramdam na ramdam niya ang presensiya nito sa maliit na kinaroroonan nila. Hindi man niya ito nakikita dahil sa kadiliman, alam niyang nakatayo lang ito roon.

Gusto niyang bigkasin ang pangalan nito, ngunit hindi niya magawa.

Nakikiramdam din ba ito sa kanya? Parehas ba silang nagpapakiramdaman nito? O siya lang itong apektado sa presensiya nito?

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon