Chapter 21

35.1K 1.7K 363
                                    

PINAGMASDAN ni Zafrina si Sovereign na naglalangoy sa swimming pool. Nang tila mapagod ay naglangoy na ito palapit sa kinaroroonan niya. Nakaupo siya sa unang baitang ng hagdanan ng swimming pool. Nakalubog sa tubig ang kalahating parte ng kaniyang katawan.

"Ayaw mo pa talagang mag-swimming?" ani Sovereign nang maupo sa tabi niya. Pinahid pa nito ang tubig na umaagos pababa sa may mukha nito galing sa buhok nito.

Umiling si Zafrina. "Ang lamig ng tubig. Dito na lang ako."

"Gusto mo ng pampainit?"

Bakit iba ang dating ng sinabi ni Sovereign sa pandinig ni Zafrina? O masyado lang siyang nagiging makamunduhan lately dahil kay Sovereign?

Tumikhim siya. "Ano'ng klaseng pampainit?"

Makahulugan ang sumilay na ngiti sa mga labi nito kaya naman unti-unti ay naningkit ang mga mata niya. Sinabuyan niya ng tubig sa mukha si Sovereign.

"Sovereign," saway niya rito.

"What?" natatawa nitong tanong kapag kuwan. "Ano ba ang iniisip mo?"

Iningusan niya ito. "Humaharot ka na naman."

"I'm not. What I mean is, palalagyan ko ng heater ang tubig dito sa pool para kapag malamig ang panahon o 'di kaya naman ay nalalamigan ka ay puwedeng gawing mainit ang tubig dito."

Ibinalik ni Zafrina ang tingin kay Sovereign. Tinatantiya ang sinabi nito.

"Bakit parang duda pa ang tingin mo sa akin? Iniisip mo ba na—"

Mabilis na itinakip ni Zafrina ang kaniyang mga kamay sa bibig ni Sovereign para lang hindi nito maituloy ang sasabihin. Dahilan para matawa si Sovereign sa kaniyang ginawa. Halos magkalapit din ng husto ang mga katawan nila sa ginawa niyang paglapit dito.

Hinawakan nito ang kaniyang mga kamay at ibinaba. Maging ang ngiti nito na umabot sa mga mata nito ay naging mapaglaro na. "Hon—"

"'Wag mo ng tangkaing ituloy ang panunudyo mo, Mister Millares," agap niya sa sasabihin pa nito.

"Why? Guilty ba ang isip mo?"

"Hindi ka titigil?"

Itinaas nito ng bahagya ang mga kamay. "Titigil na," nangingiti pa ring wika ni Sovereign. Nasa mga mata pa rin ang mapanudyong ngiti.

Napatingin si Zafrina sa kaniyang kamay nang hawakan iyon ni Sovereign pagkuwan ay pagsalikupin.

"Ramdam mo ba 'yong init na nagmumula sa palad ko?" tanong pa nito kapag kuwan.

Tumango siya. Nanunuot ang init sa palad nito sa himaymay ng palad niya paakyat. Gumanti siya ng hawak sa palad nito. Why it's always feel so good?

"Bago tayo nagkita sa Alager, kami muna ni Rain ang nagpanagpo," pagkukuwento ni Sovereign.

Umangat ang tingin ni Zafrina sa guwapong mukha ni Sovereign. "Paano kayo nagkita ni Rain?" hindi maikakaila ang pagtataka sa maganda niyang mukha.

"'Yong unang beses, tinawag ng pinsan mo ang anak natin. Akala ko, ako 'yong tinatawag kaya huminto ako at lumingon. Hindi ko alam na may bata pala sa likuran ko. Kaya noong bigla akong huminto sa paglalakad ay bumunggo si Rain sa akin. That's was the first time. Then, the second time, sa pool area ng Alager. Natandaan niya ako nang muli kaming magkita roon. Na amuse rin siya dahil magkatunog 'yong mga pangalan namin nang magpakilala rin ako sa kaniya. Not knowing, we're related to each other. Kaya pala sobrang gaan ng loob ko sa kaniya. And I know, ganoon din siya sa akin. At his age, ramdam ko 'yong pangungulila niya sa isang father figure."

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon