Chapter 18

37K 1.7K 413
                                    

BAGO UMUWI kinabukasan sa Pagbilao City ay nag-request pa si Zafrina kay Sovereign na dumaan muna sila sa supermarket ng Chelary Mall. May kailangan lang siyang bilhin. Pero dahil wala siyang pera, ito ang pagbabayarin niya.

"Ano ba'ng gagawin mo?" taka pang tanong ni Sovereign habang nakasunod kay Zafrina. Ito ang may hawak sa push cart.

"Ipag-bi-bake ko ng cookies si Rain," aniya na ipinaglalagay sa push cart ang kailangan niyang sangkap para sa cookies.

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Sovereign. "Mahilig sa cookies si Rain?" Tumango si Zafrina. "Well, hindi talaga maikakaila na isa siyang Millares. Dugo ko talaga ang nananalaytay sa anak natin."

Pagkalagay sa cart ng hawak na maliliit na chocolate flavor na Kisses ay hinarap niya si Sovereign na nangingiti pa rin. "Masaya ka ba talaga na tatay ka na?"

"Hindi ba halata?"

Isang sulyap pa kay Sovereign bago sila nagpatuloy sa paglalakad. Seeing his face, hindi rin maikakaila doon ang kasiyahan.

"Hindi," kunway sabi niya.

"Ah, ganoon? Gagawa na nga tayo ng second baby natin, hindi pa rin halata?"

Napangiti siya sa tinuran ni Sovereign. "'Wag kang aasa na may mabubuo ka."

"We'll see."

Nang matiyak na kumpleto na ang mga gagamitin niya para makagawa ng cookies ay muli niyang hinarap si Sovereign na matiyagang nakasunod sa bawat galaw niya.

"Puwede naman sigurong magpadala ng cookies kay Rain sa loob ng Leisure Club, 'di ba?"

Tumango ito. "Tatawagan ko si Liam."

"Okay. Bayaran mo na 'yan sa counter," aniya rito.

"Kiss muna," anito na inilapit pa sa kaniya ang pisngi nito.

Bahagya niya itong pinaningkitan ng mga mata. "Sovereign, para sa anak mo 'yan. 'Wag ka ng humingi ng kapalit."

"Idadagdag ko ito sa utang mo sa akin," anito na hinayon na ang counter kung saan ito puwedeng magbayad. Nakasunod naman dito si Zafrina.

"Ilista mo lang nang ilista. Babayaran din kita."

"Mamaya ako maniningil pag-uwi natin sa bahay."

"Wala akong pera."

Hindi na nakahirit pa si Sovereign nang makalapit sila sa counter para magbayad ng kanilang pinamili. Pero nang matapos itong magbayad at naglalakad na sila papunta sa parking area ay saka ito muling nagsalita. "Kailan ba kita siningil ng pera?" patuloy nito.

"Hindi ka pa rin pala nakaka-move on sa topic na 'yan," aniya na deretso lang sa daan ang tingin. Napatingin lang dito si Zafrina nang akbayan siya nito.

"Whatever. May gusto ka bang i-take out bago tayo umuwi?"

Umiling siya. "Wala naman. Ikaw?"

"Wala rin. Ikaw lang naman 'yong gusto kong i-take out."

Nakatikim si Sovereign ng kurot sa tagiliran mula kay Zafrina na ikinangiwit nito.

"What?" reklamo pa nito habang natatawa. "May mali ba sa sinabi ko?"

"'Wag mo akong kausapin," aniya na nagpatuloy na sa paglalakad.

"Just kidding."

Nang may maraanang restroom si Zafrina ay sumaglit muna siya roon para magbawas ng panubigan. Bago lumabas ay sinipat pa niya ang sarili sa harap ng salamin kung okay pa rin ba siyang tingnan. Bigla ay nakaramdam siya ng pagka-conscious dahil sa guwapong kasama niya na mayat-maya na lang ay nilingon ng mga nakakasalubong nila.

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon