Chapter 19

38.9K 1.4K 222
                                    

NAKARAMDAM ng lungkot si Zafrina para kay Sergio matapos marinig ang kuwento nito. Matapos kasi nilang kumain ay hindi muna pinaalis ni Sovereign si Sergio. Nakipagkuwentuhan pa ito sa kanila. Nagpresinta rin ito na ito na ang magdadala ng ipapadalang cookies ni Zafrina para sa anak na si Rain. Tawagan lang daw ito ni Sovereign kapag nakahanda na bukas.

"Sigurado ako na maiintindihan din ni Maryey 'yong side mo kapag narinig na niya 'yong explanation kung bakit hindi ka nakapunta sa mismong araw ng kasal ninyo," aniya kay Sergio.

Lungkot ang bumakas sa mga mata ni Sergio. "Sana nga pakinggan niya. Wala nga akong ideya kung nasaan siya ngayon. Kahit sino sa pamilya niya ay mahigpit na ipinagbabawal na ipaalam sa kahit na kanino kung nasaan si Maryey."

"Naku, baka abutin din 'yan ng taon, Sergio," nakangisi pang wika rito ni Sovereign.

"Ini-expect ko na 'yon. May sumpa talaga yata ang pagiging member sa club ni Dark. Sa lahat na lang ng naghihiwalay at nagkakabalikan, napakatagal ng lumilipas na panahon bago magtagpong muli."

"Pero kung kayo naman talaga sa huli, I think, worth it naman ang paghihintay mo," pakunswelo rito ni Sovereign. Pagkuwan ay hinawakan ang kamay ni Zafrina at ipinakita kay Sergio. "Kailan lang uli dumating si Zafrina. Kung ano man 'yong nangyari noon sa pagitan namin kung bakit dumating sa punto na nagkahiwalay kami dahil sa mga taong hindi naging masaya para amin, naayos namin 'yon ngayon. 'Wag kang mawalan ng pag-asa, Sergio. Kung mahal mo, hintayin mo. Kung hindi, marami diyang iba para pagtuunan mo ng pansin kaysa ang magpalamon ka sa lungkot."

"Ayos lang magpalamon sa lungkot, hindi naman mawawala basta-basta 'yong pagmamahal ko para kay Maryey. Nagpalamon ka rin naman sa lungkot ng tatlong taon, Reign. Ni hindi ka nakihalubilo sa lahat sa loob ng mga taong lumipas at piniling mag-isa. Bumuo ka uli ng sarili mong mundo na walang ibang makakapasok. Kaya ko ring bumuo ng sarili kong mundo na walang ibang babaeng involve. Just me, my family, work and Leisure Club."

Masyado pinahahanga ni Sergio si Zafrina sa klase ng pagmamahal nito para kay Maryey. Panahon na lang ang makakapagsabi kung kailan uli pagtatagpuin ang dalawa. Pero sana, kapag nagkita na ito at si Maryey ay pakinggan niyon ang side ni Sergio na biktima lang din ng isang babae na hindi naging masaya para sa relasyon ng mga ito. Nakaka-relate siya dahil ganoon din sila ni Sovereign noon. Biktima ng mga taong hindi naging masaya para sa kanila.

"Hindi ko lang kaya 'yong katulad ng ginawa mo, Reign. 'Yong magkulong sa tore mo. Baka mabaliw akong lalo. Kailangan ko ang Leisure Club para hindi ako lalong mabaliw kahihintay."

Napangiti si Sovereign. "Buti natatagalan mo 'yong mga lugar sa Leisure Club kung saan nakasama mo si Maryey."

"Seriously, mas gusto ko pang tambayan 'yong mga lugar na madalas naming puntahan."

"Sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo."

Bumuntong-hininga si Sergio. "Wala naman akong ibang pupuntahan. Hindi ako makapag-stay sa bahay ng parents ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako kinakausap ng tatay ko. Dahil sa nangyari sa amin ni Maryey, nasira ang iniingatang pagkakaibigan ng mga tatay namin. Dahil 'yon sa akin kaya galit sa akin ang daddy ko."

"Magiging okay rin ang lahat pagdating ng tamang panahon," ani Zafrina.

"Right, panapanahon lang talaga yata, Sergio. Bakit hindi mo pa simulan 'yong construction ng bahay mo para pagbalik ni Maryey ay tapos na 'yan?"

Umiling si Sergio. "Saka na siguro, Reign. Kapag kasama ko na uli si Maryey. Gusto ko ring malaman 'yong gusto niyang design sa bahay namin."

"So, plano mo lang talaga ngayon na titig-titigan ang lote mo?" biro pa rito ni Sovereign.

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon