Chapter 05

41.9K 2.1K 749
                                    

This Chapter is Dedicated to my Dearest Cheonquils, thank you.

-----------------------------



HINDI maigalaw ni Sovereign ang mga paa nang mapagmasdan ang tabing-dagat. Napalunok siya nang bigla ay sumagi sa alaala niya ang partikular na alaala tatlong taon na ang nakalilipas. Dumako ang tingin niya sa parte kung saan pangalawang beses niyang nakita si Zafrina...

Nagdadalawang-isip pa rin si Sovereign kung bababa ba siya sa kotse niya o uuwi na lang? Bahagya niyang tinawanan ang sarili. Matapos ng trabaho niya sa kanilang kompanya ay naroon siyang muli sa Alager. Ang rason? Gusto niyang humingi ng despensa sa babaeng nakatapon ng hot chocolate sa kanya kanina sa Alager Cafe. Pakiramdam niya ay masyadong bastos ang inasal niya sa naturang babae.

'Yon nga lang ba talaga, Reign? epal pa ng isang bahagi ng kanyang isipan.

Marahas siyang nagpakawala ng buntong-hininga bago sa huli ay ipinasya na ring bumaba ng kanyang kotse. Isinuot niya ang dark shade na palagi niyang dala para kahit paano ay walang makakilala sa kanya.

Pero paano naman niya makikita ang naturang babae? Ni hindi nga niya alam kung sino ito. Basta ang tanda niya ay maikli lang ang buhok niyon. At maganda, dugtong pa ng epal niyang isip. Right, sa isip ay sang-ayon din niya.

Malapit na siya sa may entrance ng Alager Hotel nang bigla ay mahagip ng kanyang tingin ang babaeng pakay. Papunta ito sa beach. Walang pakialam sa paligid na sinundan niya ito.

Huminto lang siya sa paglalakad nang makita itong umupo sa isang wooden lounge na nasa tabing dagat. Huminga muna siya nang malalim bago naglakad palapit dito. Tila wala itong pakialam sa paligid nito dahil bakas sa magandang mukha nito na malayo na ang nararating ng isip nito. Problemado ba ito? Isa kasi iyon sa nakikita niya.

Buhat sa bandang gilid nito ay malaya lang niya itong pinagmamasdan.

What now? Ni hindi niya ito magawang lapitan. Baka siya pa itong tarayan ng babae dahil sa inasal niya kaninang umaga. Bigla rin ay pumasok na naman sa isip niya ang ipinayo sa kanya ni Liam.

"That's crazy," anas pa niya at umiling.

Balak na sana niya itong lapitan nang tumayo naman ito at naglakad papunta sa may dalampasigan. Hindi na rin niya naituloy ang balak na paglapit dito. Nakontento na lang siya na ihatid ito ng tingin...

Bumuntong-hininga si Sovereign sa alalahaning iyon. Hindi na niya itinuloy pa ang pagpunta sa tabing dagat at ipinasya na lang na bumalik na sa hotel.



PAGKAPATONG ni Sovereign ng kanyang towel sa available na wooden lounge na nasa may gilid ng swimming pool ay minabuti na rin niyang magbabad sa tubig.

Makaraan ang ilang sandali ay naglangoy na siya pabalik sa may hagdanan. Naupo siya roon bago inilibot ng bahagya ang kanyang tingin sa paligid.

"Rain, hindi mo naman kaya diyan sa malalim, eh."

"Tita, I know how to swim."

"Wala akong tiwala. Diyan ka lang sa may hagdanan kung gusto mo diyan."

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon