Chapter 08

52.1K 2.4K 1.2K
                                    

Author's Note: Hindi na kailangang ulit-ulitin, ah. Mag-iwan po kayo ng COMMENT 😊 Salamat 😘

_______________________

GISING NA ang diwa ni Zafrina ngunit hindi pa niya magawang imulat ang mga mata.

Nang magawa naman niyang imulat ang mga mata ay una niyang nakita ang isang babae na nakasuot ng kulay puti. Muli siyang pumikit. Pagkuwan ay nagmulat muli ng mga mata. Babaeng nakaputi pa rin ang nakikita niya. Sinisipat nito ang bawat patak ng tubig na nagmumula sa dextrose na nakasabit sa saline stand.

Dextrose...

Iniangat niya ang kanang kamay. Saka lang niya napansin na nakakabit ang dextrose sa may kamay niya. May SpO2 oxygen saturation din na nakakabit sa daliri niya.

Nang mapatingin sa kanya ang nurse ay agad itong ngumiti. "Hi, Ma'am, buti naman at nagkamalay na kayo."

"N-Nasaan ako?"

"Salcedo Medical Center, nawalan kayo ng malay kagabi. Nervous breakdown related to emotional stress. Masyado kayong stress nitong nakaraan. At isa-suggest ni Doc Leven na magpahinga kayo," anito na maingat na tinanggal sa kamay niya ang nakakabit na SpO2 matapos iyong suriin at makapagsulat sa dala nitong chart.

Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang pinto sa silid na kinaroroonan niya. Pumasok ang matangkad na doktor. Nagbawi siya ng tingin nang mapagsino ang lalaking kasunod ng doktor.

"Nurse Zhang," anang doktor sa nurse na nasa tabi niya. "Na-check mo na ba ang pinapa-check ko sa iyo?"

Tumango ang nurse. "Normal naman po ang vital signs niya, Doc Leven."

"Okay," anang doktor na nilapitan siya. Inilagay nito sa gitna ng kanyang dibdib ang stethoscope na hawak nito at pinakinggan ang pintig ng puso niya. "Okay naman ang heartbeat mo," anito nang tanggalin na ang stethoscope sa dibdib ni Zafrina. "But that's not mean, puwede ka ng umuwi. Under monitoring ka pa rin within twenty-four hours. Bukas ng umaga ka pa puwedeng lumabas. Masyado kang stress nitong mga nakaraang araw at hindi na kinaya ng katawan mo kagabi. So, I suggest, you'll take a lot of rest."

Hindi na rin naman nagtagal pa ang doktor at ang nurse. Sumunod si Sovereign sa doktor kaya naman naiwan siyang mag-isa sa silid na iyon.

Nasa ospital siya. Napalunok siya sa kaalaman na iyon. Pagkuwan ay pinilit maupo. Nakasuot na siya ngayon ng hospital gown. Okay na naman ang pakiramdam niya. Kaya kahit hindi na siya manatili pa roon hanggang bukas.

Nasa aktong tatanggalin na niya ang nakakabit na butterfly niddle sa kamay niya nang siya namang pasok ni Sovereign sa silid niya. Napatakbo pa ito palapit sa kanya. Mabilis nitong pinigilan ang kamay niya sa balak niyang gawin.

"What do you think you're doing?" he hissed.

"Kailangan ko ng bumalik sa Alager. I can't stay here until tomorrow. I'm fine. So, please. Let me leave," pakiusap niya rito.

"No. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng doktor mo? Under monitoring ka within twenty-four hours. At wala pang twenty-four hours simula nang dalhin ka rito. Bigla ka na lang nag-collapse kagabi kung hindi mo alam."

At isang malaking katanungan din sa kanya kung ano ang ginagawa roon ni Sovereign. Napalunok siya. Ito ba ang nakasalo sa kanya kagabi? Ito rin ba ang nagdala sa kanya roon?

"Okay na ako," giit niya. "Tawagin mo 'yong nurse, ipatanggal mo itong nakakabit sa akin o ako na mismo ang magtatanggal? Kailangan kong bumalik sa hotel. Gusto kong masigurado na nasa hotel ang pinsan ko at ang anak ko."

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon